CHAPTER 11 : The Shiny Shimmering Jacket
On the school gymnasium.
“Dalian mo na best. Baka maubusan tayo ng upuan, ang daming tao.”
Nandito kami sa gym ng school namin for the campus’ next top model. Ang dami pala talagang tao kapag ganitong event. Pano ba naman kasi, ngayon lang ako nakapunta sa mga ganitong event kasi medyo strict ang parents ko sa mga gantong bagay. At ang bestfriend ko naman, sobrang excited na para bang may inaabangang artista sa event.
“Ano ka ba Mia! Di ba sabi nga ni Adrian, papareserve daw niya tayo ng upuan kaya wag kang mag-alala diyan.!!! ”
“Ha??!! Ano saaabiii mooo??”
Ang ingay naman dito. Di na kami nagkakarinigan ni Mia sa sobrang lakas ng tugtog. Para naman kaming nasa disco nito ah! Kainis >.<!
“Hey! There you are! I’ve been waiting here. I thought di kayo pupunta.”
“Pasensiya talaga Adrian huh. Eto kasing si Maureen ang tagal makalabas ng bahay.”
“Ano ka ba! Nagpapaalam pa ako ng maayos sa parents ko kaya medyo natagalan. Sorry Adrian. ”
“It’s ok. Ang importante andito na kayo. O siya! Here’s your sit. I hope you’ll enjoy the event. Iwan ko muna kayo ah! Magsta-start na kasi ang event.”
“Go on Adrian. Take your time.”
And he left.
The show is going on with glamorous models and charming hosts. Siyempre di magpapahuli ang mga hosts niyan. But wait, may napansin yata akong hindi maaari….
“Mau, ang cute talaga ni Adrian noh? Tingnan mo, kahit host lang siya, talbog pa niya ang mga contestant. Kakaiba yung aura niya noh?.” (◎ω◎)~★
Tingin sa kaliwa. \ (<.<)
“Ang gwapo nung isang model oh!! Di ba siya yung crush mo sa department natin Mau??” ♥___♥
Tingin sa kanan (>.>) /
“Hoy!! Babae!! NAKIKINIGKABAAAAAAA!!!!” \(o O o)/
“H-ha?”
“Ay anak ng! Saang lupalop ba nagpunta kaluluwa mo huh? Kanina pa kita kinakausap dito, di ka pala nakikinig!! Para tuloy akong baliw dito!!”
“Eh kasi…. Parang nakita ko si….”
“SINO??” (??_??)
“Si Louie.” (T__T)
“nag-iimagine kalang girl sigurado. Wag mo na kasi isipin ang living thing na yun!”
“H-hindi eh. Siya talaga yun.”
“Hay naku! Kung siya nga yun, hindi na yun dapat ipagtataka. Siyempre naman, top model search ito, madaming chicks kaya kumakalat rin ang mga tulad niya ngayon!!”
Nagbuntong hininga lang ako.
“Ang mabuti pa, focus ka nalang dun sa prince charming mo! tingnan mo oh!! Bagay na bagay sa kanya ang jacket na white. Pang-hollywood ang dating!”
“AAAAAHHHHHHHHHHHH!!!! Ang machoooooooooo!!”
Nagwawala na ang mga bakla sa tabi namin. Nakakainis! Ang sakit sa tenga mga boses nila. Kung pwede lang e-salvage agad tong mga to, kanina ko pa yun ginawa sa kanila.
“PU!#@!$#$!@##NA@$#!%%!! ANG DAMIT KO!!!”
Walang hiyang bakla!! Sa sobrang landi nataponan ako ng tubig na dala niya! Kainis!!! Basang-basa na tuloy damit ko sa harap.
“Ay sorry girl, may bumangga galing sa likod ko.”
Eh sino ba namang gustong maniwala sa kaniya eh kanina pa siya talon ng talon sa kinatatayuan niya. Haaay!! Nanahimik nalang ako.
“Best, ano na? basang-basa ka na.. uuwi na tayo?”
“Ha?? M-mamaya nalang siguro. Nag-eenjoy ka pa I know. And… ok lang to, kaunti lang naman.”
“Eh paano yan? Baka magkasipon ka. Ayoko best.”
“Hey. What’s up? Ok lang kayo?”
“Right timing ka Adrian. Nabasa damit ni Mau oh! Natapunan ng tubig. Siguro uuwi nalang kami nito.”
“NO! Mau, here, wear my jacket. Atleast di ka giginawin nito.”
Hinubad niya ang kanyang white shiny shimmering jacket at pinasuot sa akin. Nakakahiya naman nito!! Nakakita halos ang mga taong malapit sa kinaroroonan namin.
“Ako na maghahatid sa inyo mamaya. Don’t worry.”
And he returned back to the stage.
I cant believe suot ko ang jacket ng campus idol. Sigurado ako marami ang may wish masuot ito this night but ako lang ang nagkaroon ng chance. Am I that lucky?
Haaayyy!! Anong oras na kaya? medyo sleepy na ako. Kahit gaano ka ingay dito, dinalaw pa rin ako ng antok, na-bored lang siguro talaga ako. I guess, I have to go to CR.
Walk.walk.walk.
“Mau?” (o__O)
“Louie?” (O__O)
“Ba-bakit ka nandito? And, kaninong jacket yan?” (>.<)!
“Ha? Kay…. Sa akin, bakit?”
“Wag mo nga ako lukuhin. Why are you here? Anong oras na? Baka nagalit na parents mo.”
“Ahemm. First and foremost, this jacket ay sa friend ko. Secondly, im here because I watched this event and lastly, nagpaalam ako sa parents ko.”
But bigla niyang hinulbot ang jacket ko kaya nakita niyang basang-basa ang damit ko.
“Ba’t basa yan? Baka magkasipon ka niyan. Hatid na kita sa inyo,uwi na tayo.”
Hinila niya ako palabas ng gym.
“Hey wait!! Bitawan mo nga ako Louie! Ano ba pakialam mo sa akin huh? At kailan ka pa naging concern sa health ko? Wala ka naman pakialam sa akin di ba? Pabayaan mo na nga ako!! Hindi kita ama! Hindi kita kapatid! At mas lalong hindi kita boyfriend kaya pabayaan mo na ako!” \(>.<)/
Nag-exit agad ako sa situation namin. Ilang beses ko nang gianawa sa kanya to, ang awayin siya, pagkatapos ay aalis at exit agad. Ayoko kasi Makita niyang naiiyak na ako. Di na ako lumingon kaya di ko alam kung ano naging reaksyon niya at kung ano nangyari sa kanya pagkatapos nun.
Bumalik na ako sa seat namin and hindi pa rin tapos ang show but I saw Adrian standing infront of my chair.
“Ok ka na Mau? Pagod ka na raw says Mia.”
“ha? Ok lang. kaya ko pa naman.”
“NO. tapos na rin kasi part ko sa show. I guess I have to bring you in your home.”
Inihatid na nga kami ni Adrian atlast. Mas malapit bahay ni Mia but isinama ko muna si Mia sa bahay para proof na kasama ko talaga siya sa event. Ang saya namin sa road, kwentuhan tungkol sa experiences ni Adrian offstage at sa mga di malilimutang scene sa show. Hindi ko muna isinauli ang jacket kay Adrian kasi lalabhan ko muna pero di ko yun dinala sa bahay baka Makita pa ng parents ko. Dun ko pinadala kay Mia ang jacket but ako parin maglalaba nun sa bahay nila.
Haaay!! Kakapagod nang araw nato. Buti di ako pinagalitan pag-uwi ko. When I lied on my bed, naalala ko si Louie. The scene, the words, the moves, sariwa pa sa isip ko. Then all of a sudden, my tears began to fall without any consent. I cried as I fall asleep.