(Kevin’s P.O.V)
Naglalakad ako ngayon papunta sa tree house ko sa gitna ng gubat sa Falerio Grand. Iniwan ko muna ang iba sa Alpha na nagkukuwentuhan. May kakaiba kasing pakiramdam na nagsasabi sa aking pumunta roon.
Alam ko na ang lahat ng nangyari noong gabing ginagawa namin ang final weekly mission sa isang presinto. Hindi ko man matandaan ang mga mukha ng mga Mafia Assassins ay hindi ko maiwasang kilabutan habang sinasabi sa akin ang mga taglay nilang kapangyarihan. Base sa kuwento nila Zion ay malakas ang mga ito kumpara sa amin.
Hindi man ‘yon katanggap tanggap para sa akin ay naniniwala akong wala kaming laban sa mga ito. Dahil kung mayroon ay hindi sana ako napuruhan at nawalan ng malay sa loob ng tatlong araw.
Napag-alaman ko rin na muli kong pinalabas si Arako, ang aking sumpang dragon. Ngunit hindi raw nito nagawang sumanib sa aking katawan kaya gumawa na lang ito ng sariling mundo upang makapaglaban sila. Ayon sa doctor ng FIU ang paghiwalay sa akin ni Arako ang naging dahilan para mawala ang ilan sa alaala ko.
Nang makarating ako sa tree house ay tumigil ako sa tapat nito. Agad na napakunot ang noo ko ng may nararamdaman akong tao sa loob.
Maingat at dahan dahan ang ginawa kong paghakbang paakyat sa kahoy na hagdanan. Nang makapasok ako ay nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa direksyon ko. Pamilyar ito sa akin maliban sa kulay brown nitong buhok.
“Sino ka?” tanong ko. Bahagyang lumingon ang babae kaya nakita ko ang mukha niya. “Ikaw? Ano na naman ang ginagawa mo rito?” muli kong tanong nang makilala siya.
“Gusto ko rito. Tahimik.” tipid na sabi niya.
Naglakad ako palapit sa kaniya. Gaya nang una kong makita ito ay nakatanaw lang ito sa kawalan na parang may nakikita roon na hindi ko makita. Napatingin ako sa mga labi niya. Napalunok ako ng di oras.
Naalala ko kasi ang ginawa niyang paghalik sa akin dito na sa huli ay ako pa ang lumabas na bumigay sa mga halik niya.
Mariin akong pumikit at pilit na inilayo ang atensyon ko sa kaniya.
“Ilan beses na kitang nakikita rito sa FIU, bagong studyante kaba?” basag ko sa katahimikan. Kagaya niya ay nakatanaw na rin ako sa kawalan.
Muli ko siyang nilingon nang ilang segundo na ang lumilipas ay hindi pa siya sumasagot.
Nasa tabi ko pa naman siya at tahimik paring nakatanaw sa kawalan. Hindi ko maiwasang mainis sa pangbabaliwa niya sa akin.
Hindi naman siya pipi, a? Bakit hindi siya makasagot?!
“Bingi kaba?” may himig ng inis na tanong ko.
“Ayokong sagutin ang tanong mo.” tipid na sagot niya.
“‘Di sana sinabi mo. Bakit ba ang tipid mong magsalita?”
“Ayoko lang.”
“Nasa tree house kita kaya matuto kang sumagot sa mga tanong ko.” pasigaw na sabi ko. nakakapikon na, eh.
Nilingon niya ako. Hindi ba dapat sa mga ganitong pagkakataon ay sinisigawan niya rin ako? Pero wala man lang akong makitang pagkainis sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
“Ayoko.” muling sabi niya.
Sa mga sandaling yon ay pakiramdam ko ay nakikipag-usap ako sa isang parrot na walang alam sabihin kung hindi ‘Ayoko’.
Sinalubong ko ang mga tingin niya.
“Nakakainis ka, alam mo yon?” tanong ko habang mas lumalapit sa kaniya. Nanatili pa rin itong tahimik at hindi inaalis ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
ФэнтезиKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...