THE STORY YOU WILL READ IS A FICTIONAL STORY, BUT SOME OF THE SCENES HAPPENED TO ME AND TO MY FAMILY, I WILL NOT USE OUR REAL NAMES TO PROTECT US AND FOR OUR PRIVACY AS WELL. ENJOY AND BE THRILLED.
Cassy's POV
"Oh anak, sigurado ka bang sa mga pinsan mo na ikaw sasabay?" Pangungulit ni mommy.
"Opo mommy, nandun lahat ng pinsan ko, alangan naman po na humiwalay ako" pagpapaliwanag ko. Pumayag naman si mommy at humalik sa aking noo.
"O sya! Dan, Roby at Shaz, kayo ang pinaka matanda dyan ha! Kayo ng bahala sa mga pinsan ninyo!"
Sumakay na si mommy sa kotse namin kasama si daddy dahil susunduin pa nila ang ibang titaat tito namin. Sa sasakyan naman ng pinsan kong si Kuya Dan, kaming lahat na walong mag pipinsan.
Si kuya dan ang dadrive, kaedad nya naman si Kuya Roby at siyang kasama niya sa front seat. Sa unang row naman sa likod ay si ate Shaz ang nasa may likod ni kuya Dan, katabi nito Raegan na ako naman ang katabi sa kanyang kanan. Sa aming likuran ay sina Earl, Ayana at Harry.
Pupunta kami sa probinsya ng aming lolo at lola, bukod kasi sa ikakasal iyong bunso nila mama, ay mag kakaroon kami ng reunion.
Sa Manila na kaming lahat lumaking mag pipinsan, uuwi na lamang kami sa probinsya kapag ganitong may okasyon o di kaya ay pag naisipan naming mag pasko doon.
"Alam nyo ba, sabi ni mommy, creepy daw dun sa lugar kung saan gaganapin ang kasal ni Tita Weng" Kuya Roby said.
"Hindi naman creepy ang sinabi ni mommy kuya! Sinabi nya lang na medyo liblib doon at kakaiba ang nakasanayan" pangontra ni Raegan sa kapatid nito.
"Si Tita naman kasi, mag-aasawa na nga lang hindi pa sya mamili" Ate Shaz intruded.
"Ano ba kayo, that's Love!" pag sali pa ni Earl.
Maingay kaming lahat sinasabayan panamin iyong mga patugtog nila. Medyo matagal narin kaming nasa byahe kaya nililibang nalang namin ang aming mga sarili.
"Ano ba yan! Walang signal! Di ko pa nareplyan si Lea! Tsk" pag mamaktol ni Harry sa likod.
"Bakit kasi di mo sinama girlfriend mo?" tanong ko.
"Baka payagan sya diba? Magtatagal tayo dun diba?" umirap nalang ako sa naging sagot nya.
"Earl, text mo sila mama sabihin mo stop over tayo maski saang gasolinahan, naiihi na ako" utos ni ate Shaz sa kapatid.
"Wala daw signal ate" nakasimangot na sagot nito.
"Gawan mo ng paraan bat ba"
At dahil naka convoy kami, nag signal sina tito ng pakaliwa, mayroong gasolinahan doon at may stores. Nasa gitna ito ng kabukiran at medyo dim ang lights.
"Bukas pa ba yan?" Tanong ni Raegan
"Parang hindi na nga eh" sagot ko naman.
Bukas daw ang stores ngunit hindi ang mismong gasolinahan sabi noong naabutan namin doon. Nag washroom ang iba at ang iba ay nag palamig doon sa may 7/11. Binuksan ko ang pintuan sa likod at naupo sa upuan roon ng nakabukas ang pinto. Lumabas naman si kuya Dan mula sa 7/11 at tumambay sa aking harapan.
"Ginabi na tayo, malayo pa sa probinsya" nag mamaktol na aniya
"Roby! Ikaw mag maneho" aniya at binato ang susi sa isa.
nang matapos ang lahat ay bumyahe na kaming muli. Mas mabilis magpatakbo si kuya Roby kumpara kay Kuya Dan. Dahil ginabi narin kami ay nakatulog na ang ilan. Dalawa nalang kami ni Raegan na gising mula dito sa likuran at si Kuya Roby na driver at si Kuya Dan.