Pinto sa Ilalim ng Hagdan

147 1 0
                                    

Author's Note:
     Dito pa lang nagpapasalamat na ako sa pagbabasa niyo dito sa aking limang totoong kwento ng katatakutan. I don't know if madadagdagan pa ito dahil karamihan naman ng nangyayari eh normal na na nangyayari sa araw araw. Kung may maidadagdag man ako sa susunod eh siaiguraduhin kong bago at makakapanindig balahibo. Matagal din ako nakapag update dito dahil sa mga personal issues and problems. Hehe. Sana suportahan niyo pa ang iba kong kwento dito. Salamat! God bless! 💕


(Ang kwentong ito ay nangyari sakin noong taong 2015 buwan ng Oktubre. Isa sa mga hinding hindi ko makakalimutan na karanasan ko.)

Hagdanan. Nasa second floor ang kwarto ko kung kaya't kailangan magpanhik panaog sa hagdan namin. Sa ilalim ng hagdan ay may pintuan. Sa loob noon ay tambakan ng lumang gamit. Dati, tuwing naglalaro kami ng mga kapatid ko ng tagu-taguan ay hideout ko yun. Malaki din naman kasi yun at kasya kaming tatlo basta nakaupo. May ilaw din yun na kulay yellow ang ilaw. Nung natambakan na ng mga gamit eh hindi na namin napapasok.

September noong 2015 eh nag general cleaning kami nina Mama para makapagbawas ng kalat sa bahay. Dahil sa paglilinis na yun ay muling nabakante ang "mini bodega" na yun. Yun ang tawag namin doon. Napapasok na ulit siya pero since malalaki na kami at hindi na naglalaro ay hindi na namin iyon napapansin. Hanggang sa isang gabi na bigla itong nakapukaw ng aking pansin.

Gabi noon. 8:30pm at lahat ng tao sa bahay ay nanunuod ng TV sa kusina. Naisip kong umakyat na sa kuwarto ko at magbasa ng libro. Pagdaan ko dito ay napansin kong bukas ang ilaw ng mini bodega sa loob. May switch ng ilaw sa loob nito at sa labas kaya pinatay ko na lang ito. Nasa kalagitnaan ako ng pag akyat ng mapansin kong umilaw muli ito. Madalim ang sala kaya mapapansin mo ito agad dahil na rin sa maliit na puwang sa pagitan ng pinto at sahig kung kaya't maaaninag mo ito. Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Baka nga naman sira ito. Kaya pinatay ko na lang ito ulit.

Kinabukasan, nagising ako ng ala singko ng madaling araw dahil maaga ang shift ko sa trabaho. Madilim pa rin ang kalangitan dahil na rin siguro sa may bagyo. Habang bumababa ako hagdan ay may narinig akong ungol sa loob ng mini bodega. Bukas din ang ilaw nito. Inposibleng buksan to ni Mama dahil wala namang gamit na nakalagay dito dahil tinapon na nga nung nag general cleaning kami. Pinakinggan kong mabuti at napagtantong doon nanggagaling ang ungol. Pinatay ko na lang ang ilaw at nilagpasan ito.

Kinagabihan, kami lang ni Mama ang tao sa bahay dahil nagbakasyon sa Laguna ang mga kapatid ko kasama si Papa. Kumakain kami ng hapunan noon ng magtanong si Mama sa akin na galit na galit...

"Nak, ano bang ginagawa mo sa loob nung mini bodega kanina?! Aba eh parang trenta minutos ka pa nandoon! Tinatawag kita hindi ka nasagot! Aba at nagkabit ka ba ng lock dun sa loob? Hindi kita mabuksan dun eh! Hay nako! Tanggalin mo yun ha! Ano ba kasing naisip mo at nagkulong ka doon?!"

Nag sorry na lang ako kahit hindi ko alam sinasabi niya. Pag-uwi ko galing trabaho ay natulog ako. Gumising lang ako nung kakain na ng hapunan. Hindi ako nandon. Hindi ako yun. Ngunit hindi niya ako maiintindihan at papaniwalaan kaya nanahimik na lang ako..

Nagising ako ng alas dos ng madaling araw dahil sa gutom. Agad akong bumaba at dumiretso ng kusina. Pagkatapos ay paakyat na sana ako ng mapansin kong nagbukas ang pinto ng mini bodega. Nabitawan ko ang tasa na may lamang gatas sa sobrang gulat. May naamoy akong mabaho. Amoy bulok. Tiningnan ko ulit ang pinto at pinipilit suwayin ang utak sa pag iisip na baka may lumabas dito.

Isang minuto...
Dalawang minuto..

Walang lumalabas. Inisip ko na baka hangin lang dahil malakas ang hangin sa labas dahil sa bagyo. Kahit pa sa kabilang utak ko ay sinasabing malabong mangyari iyon dahil mabigat ang pinto ng mini bodega. Hanggang sa isang tawa ang narinig ko.

"Hahahaha! Lalalalala. Hahahahaha!"

Hindi na ako nakatulog noon. Tumabi ako kay Mama at pinilit matulog ngunit patuloy na naririnig ng tenga ko ang boses na yon. Kinuwento ko ito kay Mama at sinabing pabebendisyunan niya ang bahay pagdalaw ng ninong ko na pari.

Isang linggo ang nakaraan ng tuluyan ng mabendisyunan ni Ninong ang buong bahay kasama ang mini bodega. Nilinis muli ito ni Mama at dinasalan naming lahat. Huminto ang kababalaghan makalipas ang ilang buwan. Lagi ko rin namang pinagdadasal kung sino man ang nilalang na iyon. Nakahinga na rin ako ng maluwag.









"Merry Christmas!!"

Napaka saya ng vibes! Maraming pagsubok ang dumating. Basta manalig lang sa panginoon ay malalampasan din. Nakakatuwa na ang dami kong natanggap na regalo ngayon. Iaakyat ko muna sa kwarto ang mga ito bago lumamon. Hahahaha.

Teka..

Hindi pwede!

Ah, oo. Baka nga si Mama!.

"Ma!! Yung ilaw sa bodega naiwanan mo! Sus dito mo itatambak mga regalo mo no! Hahaha!"

    "Anong ilaw? Imposible yan! Wala ng bumbilya na nakakabit diyan! Last week ko pa pinatanggal sa papa mo! Sira na rin kasi ang lalagyan ng bulb!"

Sira na??

Wala ng bumbilya??

Pero bakit may ilaw pa??

"Hahahaha. Lalalalalala. Hahahahaha!"

Aaahhhhhhhhhhh!!! Waggggggg!!!!
Lumayo kaaaa!!!!

                            ~FIN~

Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon