Ang pangalan ko ay Nash. Tamad ako mag-aral at mahilig ako sa matatamis na pagkain. Ayoko sa mga maaarteng babae at naiirita ako sa mga taong sinungaling. Wala akong interes sa mga salitang, 'romance', 'love', o kaya ay 'kilig.' Hindi uso sa akin iyon. Pero baka sabihin niyo wala akong alam sa mga bagay na iyon. Mayroon naman. Nagkaroon din ako ng dalawang girlfriends. Kaso lang hindi ko sila nagawang mahalin. Inamin ko naman iyon sa kanila. Nasaktan sila kaya sila nakipag-break.
Sa totoo lang medyo boring ang buhay ko. Wala akong mga kaibigan dahil "matamis" ako magsalita. Walang tumatagal sa ugali ko. Lahat sila sumusuko. Nakakabagot talaga ang buhay ko. Hanggang sa makilala ko ang isang napakaganda pero napaka-weird na babae. Simula noong makilala ko siya, hindi na ako nababagot at unti-unti na akong nagkakaroon ng interes sa mga salitang 'romance', 'love' at 'kilig.'
***
Isang buwan. Iyon na lang ang nalalabing panahon ng pamamalagi ko sa school na ito. Pagkatapos ng isang buwan, aalis na ako dito, as in bye-bye na talaga.
Makakaramdam na ako ng lungkot at panghihinayang. Magsisimula na akong alalahanin ang mga alaala ko sa lugar na ito. Magpapaalam na ako sa mga lugar kung saan nakaramdam ako ng lungkot at saya. Hah! Kung gan'on lang sana akong tao. Kaso hindi. Hindi ako nalulungkot o nanghihinayang. Wala akong alaala na gusto kong balikan. Hindi ko rin gustong magpaalam sa mga lugar na balang-araw ay lulumain ng panahon. Or quite possibly vanished through time. Hindi kasi ako sentimental na tao.
Sabi ng iba, masama ang ugali ko.
I shrugged. As if I'd care.
Naglakad ako sa catwalk papunta sa botanical garden. Nag-cutting classes ako dahil balak ko sanang matulog sa wooden bench sa tapat ng fountain sa botanical garden ng school. Masarap matulog doon kapag trip kong managinip ng fantasy. Fantastic kasi ang place na iyon at nahahawa ang location ng panaginip ko.
Pero ang trip ko sa fantasy dream land ay naudlot ng may makita akong mga tao sa tapat ng fountain. Isang babae at isang lalaki. Sobrang ganda noong babae. Meztisa at may rossy cheeks. Naka-bangs at straight na straight ang mahaba niyang buhok. Chinita din siya. Samantalang iyong lalaki ay pwede na lang. Average. Tayo-tayo ang buhok niya na may highlights. Matangos ang ilong pero sumobra naman. Nagmukhang deadly weapon sa tulis. Pati iyong kapal ng kilay niya ay sumobra din. Parang na-misplaced ng gorilla ang kilay niya sa mukha ng lalaki. Sa totoo lang ay mukha siyang kontrabida sa mga action films. Iyong isa sa minions na nabubogbog ng mga bata o komedyante. Pwede rin siya iyong tatanga-tangang kidnapper na natatakasan ng bida. Mukhang pinagsasamantalahan noong lalaki ang babae.
Siguro iniisip niyo na isa itong kwento na—ako—ang "bidang" lalaki ay ipagtatanggol ang babae sa nang-aapi sa kanya at pagkatapos ay mabibighani iyong lalaki sa babae at gan'on din iyong babae sa lalaki. Naku, mali kayo.
"Bitiwan mo ako! Ano ba?!" sigaw ng babae sa lalaki. Nakahawak kasi iyong lalaki sa dalawang braso noong babae habang pumipiglas naman iyong babae.
Hm. Mukhang maganda ito. Mapanood nga.
Naupo ako sa railing ng catwalk para maging komportable ako habang pinapanood ang eksena.
Sayang, wala akong popcorn at soft drinks. O maski candy man lang.
"Hindi! Matagal na akong nagtitimpi sa iyo! Ilang beses na akong lumapit sa iyo ng maayos pero hanggang ngayon ay sinusungitan mo pa rin ako! Hindi ko na hahayaang ipahiya mo pa ulit ako!" sigaw din ng lalaki sabay lapit ng mukha niya sa mukha ng babae.
Ooh...! Sinusubukan niyang halikan si Miss Chinita Beautiful! Tsokoy ka, 'tol!
"Ano ba! Lumayo ka sa akin! Maniac ka!" tili ng babae sabay iwas ng mukha niya sa nguso ng kontrabida.
BINABASA MO ANG
One-Shot-Chocolate Confession
Teen FictionNash was very willing to leave his school. He was even almost excited about it. But one month before he left, he met a girl. A very weird girl to be exact. After meeting her, Nash suddenly felt lonely about leaving his school. He was not willing to...