Chapter 1- The Heartbreaking Story

29 0 0
                                    

Ako si Satsam. Bakit Satsam? Ang kabuuang pangalang ibinigay sa akin ng aking ina ay Maria Saturnina Samantha Gonzaga Concepcion.

Ang haba-haba noh? Kaya marami ang di nakakakilala sa akin sa pangalang iyan dahil napakahaba nga! Hay... Di ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Naiiyak ako dahil naalala ko na naman ang aking ama't ina. Naiisip ko lang ang mapait na nangyari sa buhay ko...

(flashback)

Abalang-abala si Satsam sa paghahanda ng kanyang gamit para sa camping nila out of town. Kasama nya ang mga co-members nya sa school choir. napapatingin sya lagi sa kanyang cellphone na tila nag-aabang ng texts o tawag. Maya-maya ay nag-ring ang phone.

"Krrrrrriiiingggg!!!!", pinulot kaagad ng dalaga ang phone at sinagot ito.

"Athena! Ang tagal mong tumawag, ah? Kaasar ka...", pumukol ng masamang tingin sa kung saan.

"Sorry naman! On the way na ako. Malapit na ako dyan sa inyo. Bubusina na lang ako."

"Ay nako, antagal!"

"Heto na nga eh... Heto na... Malapit na malapit na!", at magbubusina ng pagkalakas-lakas.

"Salamat! Hehehe!" Mapapalundag at kukunin ang mga nakaimpakeng gamit sa kama.

dali-daling bababa sa hagdan ang dalaga...

"Mama!!! aalis na po ako!" Lalapit ito sa nanay at hahalikan ito sa noo.

"O, sya... Mag-iingat ka. Magtext ka kaagad kung pauwi ka na. Aalis kasi kami ng Papa mo."

"No probs, Ma! Sige, aalis na po ako. Nagmamadali po kami eh, mali-late na kami."

"Mag-iingat ka palagi." at hinalikan ang anak sa noo at niyakap ito ng mahigpit.

"My gosh, mother... Awkward. Late na ako, oh."

Kakalas sa pagkakayakap ang nanay ni Satsam at tumakbo na si satsam papalabas ng gate.

Nakarating sila sa paroroonan. Masayang-masaya silang lahat dahil nagtagumpay ang presidente ng choir sa kanilang balak. Doon lang naman pinaranas ang hirap ng mga obstacles at consequences sa di pagsunod sa technique sa pagkanta. Marami ang natuto. Pero ang masama, di nila kasama ang kanilang adviser at di talaga ito alam ng conductor.

"Bakit kasi camping, Satsam?", tanong ni Sheena.

"Mas mahirap pag camping, eh. anong ine-expect nyo? Outing? Hello?!"

Sumingit naman si Albert na may dala-dalang cookies at mineral water.

"Hayaan mo na Sheena! Di ka pa ba natutuwa nyan? Marami na ang natututo."

"Kahit na, kawawa naman yung mga new members! Parang ipinaramdam natin sa kanila na hanggat di nila iyon nagagawa ay di sila belong sa grupo. Naiintindihan mo ang point ko? Satsam, albert, President and Vice, bakit kayo ganyan? Pwede naman sana tayong mag-in-house! Oh, diba? Di ba?!"

"Kumain na tayo." Dadampot si Satsam ng cookies at isusubo kay Sheena. "O ayan, kumain ka! Gutom lang 'yan! Hahaha!"

"Hmmmm! Yummy!"

Napalundag si Sheena at OA na ang reaction nito matapos tikman ang cookies.

"Ikaw ba ang gumawa nitong cookies Albert?! My gosh! Ang sarap!!! Pahingi pa nga!"

"Wala na!" at itinago kaagad ni Albert ang kanyang bag.

"Hmmmm!!!!! Yummmy yummmy yuuuuuuummmy!!! Tsalap-tsalap eh! Isa pa!"

Si Satsam naman ay naiirita na sa reaction ni Sheena.

"Shet naman, ang OA! Para cookies laang?! Maka-yummy wagas?! Tumigil ka nga dyan, Sheenapot!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forgotten LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon