CORAZON
"You're pale as ghost, Corazon. I'm just kidding," he chuckled before moving closer to pinch her cheek.
Tinabig niya ang kamay nito. Mabilis iyong ibinaba ni Donny ngunit hindi tuluyang lumayo sa kanya. Dapat talaga masanay na siya sa kalokohan ni Donny at hindi kaagad nagpapaniwala sa mga banat nito.
"We're done here. We should go now kung ayaw mong mapagalitan ka ulit ng tita mo," saka lamang ito humakbang palayo sa kanya. Tinignan niya ito ngunit likod lamang nito ang nakikita niya.
Bumuntong-hininga siya. Tinignan niya ang suot niyang sapatos at muling napa-ngiti. Kinuha niya ang kahon nito maging iyong lumang sapatos ni Miles. Naupo siyang muli sa gilid ng kama bago sinimulang kalasin ang sintas ng suot na rubber shoes.
"Bakit tinatanggal mo?" ang baritonong tinig ni Donny na nakatayo sa pintuan.
"Ilalagay ko na muna sa box. Hindi pa naman ako naglalaro, eh. 'Tsaka baka maluma agad," nginisihan niya ito.
Nagsalubong ang mga kilay nito bago nailing at impit na natawa. Sumandal si Donny sa hamba ng pintuan at pinag-krus ang mga braso sa dibdib. Pinanood siya nito habang abala sa kanyang ginagawa.
"Silly little girl," anito sa tonong naaaliw.
Tumayo siya nang matapos. Niyakap niya ang kahon sa kanyang dibdib na para bang kayamanan ang laman no'n at hindi sapatos. Hindi nawawala sa mga labi ni Donny ang ngiti habang inaabangan siya sa kanyang paglapit. And when she did, he took her hand in his again.
Habang naglalakad sa pasilyo ng mala-mansiyon na bahay ng pamilya nito ay pinagmasdan niya ang magkahawak nilang kamay. Her small palm perfectly fits on his large hand. Nararamdaman niya ang init at proteksiyong nagmumula dito patungo sa kanyang katawan.
Humigpit ng kaunti ang kanyang kapit kasabay ng halos nakabibinging tibok ng puso sa kanyang dibdib. Hindi niya makita ang reaksiyon sa mukha ni Donny ngunit tumugon din ito ng marahang pisil. Napa-ngiti siya sa na parang tanga sa sarili.
Pababa na sila ng hagdanan nang muling salubungin ng mama ni Donny. The look on her beautiful eyes is hopeful. Nais niyang huminto ngunit dahil hawak-hawak ni Donny ang kanyang kamay ay naitatangay siya nito.
Tumigil lamang si Donny nang wala nang mapagpilian. Iniharang ni Mrs. Pangilinan ang sarili.
"Donny, Corazon, hija, why don't you have snack first? I baked cookies," she told them in a warm and motherly tone.
"We're not hungry. Kailangan ko na ring iuwi kaagad si Corazon sa kanila para hindi siya mapagalitan," blangko sa emosyon ang tinig ni Donny nang sabihin nito iyon.
"Ayos lang naman, Donny. Hindi pa naman gaanong gabi—"
Donny stared daggers at her, urging her to shut up. Iyon ang kanyang ginawa. Hindi dahil sa natakot na maaaring magalit ito sa kanya kung hindi dahil sa pakiusap na nakikita niya sa ilalim lamang ng matalim nitong titig.
He doesn't want to be here. Even if this is his home, he doesn't like this place. Pinagdikit niya ang mga labi at tinikom ang kanyang bibig.
"K-Kung ganoon, mag-iingat kayo. And son, please, be here for dinner. Your sister misses you," lugmok na sabi ni Mrs. Pangilinan.
"I'll try."
Hinila siyang muli ni Donny para makapagsimula nang maglakad. She looked back at his mother and nodded apologetically. The beautiful woman gave her a tight nod and a faint smile.
Mabilis ang bawat hakbang ni Donny habang papalabas sila ng bahay. She needed to double her pace to keep up with him. Nararamdaman pa rin niya ang tensiyon na bumabalot sa buong katawan nito.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)
FanfictionAlam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in to the picture and made her experience strange feelings. But why? He's the total opposite of her dr...