“Nasa’n ka na?”
Napaikot na lang ang mata ni Reese habang nakikipagpatintero sa mataong hallway ng building nila. Halos lahat ng estudyante ay aligaga dahil kasalukuyang Finals na. Ang iba nga ay nag-eexam pa sa mismong hallway dahil one seat apart magpa-exam ang ilang professor. Nagkalat naman ang mga estudyanteng nagre-review sa bawat sulok ng unibersidad.
“Malapit na ‘ko, nandyan na ba si Sir?” sagot niya sa telepono.
“Wala pa, bilisan mo na!” sagot ni Jenny, kagrupo ni Reese sa lab experiment na siyang Finals nila.“Eto na nga e!” Reese almost shouted, training her eyes on the floor para mas madaling iwasan ang mga taong makakasalubong niya.
Nagmamadali siyang maglakad at dali-daling umakyat ng hagdan papuntang third floor kung saan matatagpuan ang lab nila.
“Natatanaw ko na yung room,” sabi ni Reese sa kabilang linya, nang may biglang humarang sa dinadaanan niya. She immediately side stepped to her right, but the black converse shoes mirrored her move. She then side stepped to her left, but the black converse shoes did the same. Annoyed, she finally looked up to stare at the white—presumably—British guy with 5”7’ height with a brown messy hair, who was grinning from ear to ear in front of her.
“Hi!” The British guy said while waving his right hand. On a normal basis, Reese would have liked the guy’s Godlike features for she has a thing for Brit people and coming across one would’ve made her smile.
But this is not a normal basis. She was running late and she has no time for idle chats that would only waste more of her time. And she knows she would blame this Brit guy if she will actually be late.
“Nakaharang ka sa daan.” Reese arched a delicate brow.
“Have we met before?” The boy cheerfully asked.
“Not in this lifetime.” Inis na sagot ni Reese sa lalaki dahil kanina pa ito nakaharang sa daanan niya at konti na lang male-late na siya.
Reese groaned, exasperatedly. “Do you need something? No? Then excuse me, I have a class to attend to,” sabi niya at iniwan ang lalaking nakatayo pa’rin sa pwesto nito with a sly smile plastered on his face.
Nagmamadali at halos patakbong pinasok ni Reese ang room nila na nakahinga ng maluwag dahil wala pa namang ginagawa at hindi siya pinagalitan ng professor nila dahil na late siya ng mga dalawang minuto.
Madalas kasing magalit ang professor nila na binansagan nilang “Sir Tres” dahil sa panakot nitong tres na grado. And today he seems to be in a pretty good mood dahil hindi niya sinita ang pagkahuli ni Reese sa klase.
“Antagal mo naman.” Bulong sa kanya ni Jenny paglapit niya rito.
Inilapag niya ang mga gamit sa rack na pinaglalagyan ng mga bag nila at isinuot ang lab gown niya. “May humarang kasi sakin, e.”
“Sino?” Tanong nito na puno ng kuryosidad.
“Hindi ko rin alam.” Walang ganang sagot ni Reese.
“Come to think of it, may naghahanap sayo kanina. . . lalaking foreigner tapos may accent na pang Harry Potter.” Natatawang sabi nito.
Tinitigan ni Reese si Jenny na nakangisi sa kanya saka bumuntong hininga. “Hindi ko siya boyfriend.”
“Wala naman akong sinabi ah,” pagtanggi nito kasabay ng pag-iling kahit pa bakas sa mukha nito ang malisya.
“Hindi rin ako defensive.”
“Binabasa mo na ba nasa isip ko?” Kunot noong tanong nito na para bang hindi nito alam kung mamamangha ito, o maguguluhan sa nangyayari.
“I’m not a mind reader, Jenny.” Sabi ni Reese na napabuntong hininga muli.