His secret side

7 0 0
                                    

His secret side.

Chapter 1

rrriiinnnggg.... rrriiinnnggg....

G-R-R-R-R!!! ang aga aga namang tumatawag nito? naku! pag yan hindi importante babatukan ko kung sino man tumatawag!

tumayo na ko para kunin ang cellphone ko and to my surprise ang bespren kong gaga ang tumatawag

"hello!?? ano ba naman khris ang aga aga nambubulabog ka ng tulog? bakit ba?!"inis na sabi ko

"hoy loka loka! wag mong sabihin na kagigising mo lang? kung hindi sasabunutan kita!"aniya

"makasigaw ka naman bakit ba ano ba meron?"medyo naguguluhang sabi ko

"ay tanga! sabi ko na nga ba nakalimutan ng gaga! hoy maligo ka na at bilisan mo pumunta rito dahil pinapaalala ko lang sayo na ngayon na ang enrollment sa school na papasukan natin ha?!" 

"eh ano naman ngayon kung ngayon ang enrollment eh mamaya pa yun?! gaga talaga to.! 8 am pa ang enrollment eh 7:30 palang ngayo---? 7:30 na?"

napatingin ako sa orasan ko at pagkakita ko 7:30 na nga

" aaaahhhhhhhh.... malelate na ko

 sige baba ko na huhuhu..." sabi ko

" yaan napapala ng kakapanood ng buble gang. gaga kasi. o siya bilisan mo na at mukhang gagabihin ka na pag nagpalate ka pa lalo. sige bye" paalala niya

nagmadali na ako pumasok ng banyo para makaligo na at magtoothbrush.

pagkatapos ko maligo ng 3 minutes? eh ?umalis na ako ng hindi na din kumakain with my requirements.

and tarrrraaaannnn...!!! andito na ko sa jeep pero hindi umaandar dahil trapik. ang swerte ko noh.?

by the way im Yana Angela buenavista yaman ng surname no? but hanggang apilyido lang yon dahil ang totoo medyo may kaya lang. im 16 years old 1st year college this pasukan and HRM ang course ko. pangarap ko maging cook someday pero mahal kasi culinary kaya HRM muna

buhay naman parents ko wala naman dramatic na pangyayari sa buhay ko eh simple lang. OFW ang tatay ko then housewife naman si mama. then i have 2 siblings si Yzo (12 y/o) and Yomo(8y/o) pareho boy and yes panganay ako. i have my very best friend si khris my buddy since gradeschool para na nga daw kami kambal dahil lagi kami magkasama eh.pero mas maganda ako sa kanya

ahmmm itsura ko? hindi masyado maputi. pero maganda naman

hindi din masyado matangkad pero maganda naman

hindi masyado matalino pero maganda naman

at higit sa lahat maganda naman ako. hahaha! lakas ba? OK lang yun maganda naman ako ehh.^_^

and after 123556808  years nakarating na din sa SAN JUAN UNIVERSITY

pababa na ako ng magring ang telepono ko sure ako si khris lang to.

hinahanap ko sa bag ko ang phone ko habang tumatawid ng biglang may nanghila sa akin.

"aray! ano b---?"reklamo ko

nagulat ako sa taong nanghila sa akin

naku po! ano bang nilalang ang nasa harap ko? 

ang tangos ng ilong

ang ganda ng mapupungay niyang mga mata

kasing pula ng rosas ang kanyang labi

parang flinorwax ang kutis dahil sa sobrang kinis

at ang tigas ng katawan niya.

pero nagising ako sa pagpapantasya ng may biglang dumaang sobrang bilis na motor sa likuran ko

"muntikan na yun ah.!! ano ba miss! tumingin ka kasi sa dinadaanan mo! muntik ka na mapahamak oh. tatanga-tanga ka kasi eh."kalmadong insulto niya

still nakahawak parin ako sa mga matitigas niyang dibdib

niligtas niya pala ako? niligtas pala ako ng gwapong nilalang na ito. siya pala ang prince charming ko. kahit masama ang tabas ng dila

"ah eh g-ganon b-ba? s-salamat ah!"utal utal kong sabi

"pwede mo na ba kong bitawan.! at favor namn wag kang tatanga tanga sa daan madami kang naabala eh"inis na s abi niya at umalis na

grabe hiyang hiya ako sa sinabi niya sakin pero kahit ganon nakatitig parin ang mata ko sa kanya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

GOD eto na po ba yon? dito na ba? dito na ba mag-uumpisa lablayp ko?

--------------------------------------------

A/N:

waaahhh... first time ko po magsulat kaya sensya na po. leave comment and vote na lang po  pag nagustuhan^_^

His secret sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon