Royal Academy: 4

283 25 18
                                    

Chapter 4: Mildred Buenaventura


MIGRID'S POINT OF VIEW

Nagising ako sa tunog nang alarm clock ko. Anung oras na ba? Pagtingin ko, it's already 5:45 am. Well, medyo maaga pa. Makakapaghanda pa ako. I stood up and fix my beddings. Pagkatapos, sinilip ko si Julian kung gising na. And to my surprise, naka sakbit na ang kanyang tuwalya sa balikat nya. Ibig sabihin, maliligo na sya!! ^_________^

Napatingin sya sa direksyon ko. Pumasok na lang ako sa loob. Anung sense nang pagtatago ko eh nakita na naman nya ako?

"Wanna join me to the bathroom?" Ani nya sabay evil laugh. Jerk.

"Wanna taste my fist?" Sagot ko. Alam kong hindi magandang sagutin ang isang tanong nang isa pang tanong. Pero, iba kasi yung pick up nung pagkakasabi nya dun sa bathroom! *----*

"Hindi ka naman mabiro. O, bakit parang gulat ka kanina?" Tanong nito. Lumapit ako sa umupo sa kama nya.

"Ang aga mo kasing nagising. Dika naman ganyan eh. Kung tutuusin, ako pa nga ang nang- gigising sayo. Pero, okay nayun. Very good!" Sabi ko.

"May pa very good very good ka pa dyan. Sige na. Maliligo na ako. Ikaw, mag almusal ka na. Nagluto na ako. Sige na. Maghanda kana." Ani nito.

Nakakapanibago talaga si Julian ngayon. Tsk. Hayaan mo na. Okay nga yun. Kakain, maliligo mag aayos at WALA!! Pwede na akong umalis.

Sandali lang, nakatapos na akong maligo. Nag hugas na rin ako nang pinggan. Pagkatapos, naligo na rin ako. Kinatok pa nga ako ni Julian na bilisan ko daw at mag aala-syete na daw. Iyon kasi yung oras nang klase namin. 6:40 natapos na ako mag ayos. Tapos tinawag ko na si Julian para kunin namin yung schedule namin sa faculty room.

(Faculty Room.)

Bumungad sa amin ang pangalan ni Miko sa lamesa nya. Oo nga pala. Sya yung faculty leader. Lumabas ang isang pormal at makisig na lalaki. Si Miko.

"So, you are Julian Bartolome and Migrid Aguas. So, let's see. What brought you here?" Tanong nito.

Nagsalita na si Julian. "Sabi po kasi ni Prinsipe Jordan, kunin daw po namin yung schedules namin dito. Pwede po ba?" Ani Julian.

Umupo na si Sir Miko sa upuan nya. Nandoon pa rin ang pagiging pormal nya. Ang angas.

"Ah okay. Yes. Jordan also told me about that. Okay. So here's your schedules. You better go to your class. Baka ma late pa kayo. Alam nya namam siguro na may kaparusahan na  kakabit kapag na late kayo." Ani Sir Miko.

Nagpaalam na kami. Mabait naman pala talaga si Sir Miko kagaya nang sabi ni Prince Jordan. Nagpatuloy na kami sa paglakad habang binabasa amg schedules.

"Magkakaklase tayo sa trigo, history at English. First class ko ang Filipino. Ikaw?" Tanong ni Julian.

"Physics." Malamya na sagot ko. Anu bayan??!?! First day na first day ang unang klase ko, Physics?! Katamad!!

Naghiwalay na kami ni Julian. Nag ring ang bell at saktong nasa room na ako. I entered the room amd occupy seat.

THIRD PERSON'S Point of View

Pumasok na si Migrid sa room nya. Naghanap sya nang mauupuan pero mukhang malabo iyon kasi medyo marami nang nasa loob nang silid aralan.

Anu bayan!! Sabi ni Migrid sa utak nya. Pero may nakita syang upuan ngunit bandang hulihan na yon.

Ilang minuto lang din, dumating na ang kanilang physics teacher, si Mrs. Bulawin. Pero may kasama itong babae. Maganda siya at katamtaman lang ang kanyang tangkad. Naka bun amg buhok nito at naka skirt.

Royal Academy: Earth VS. Fire  (On Going)Where stories live. Discover now