"ay grabe talaga. Paano nya nagawa yan sa'yo.'
Tama sya ng sinabi.
Paano nga bang nagawang basagin ng isang ipis ang cellphone ni Daemon.
Hindi ba obvious? Hinagis ni Daemon ang cellphone nya para mapatay ang ipis! Watta great idea! Napakagaling. Yung tinutukoy nyang kaya nya akong bayaran ng pang isang sahod ko. Sana totohanin nya yun.Sayang ang effort ko na sumigaw at mag pumiglas habang pilit nya akong pinapapasok sa kwarto nya. Sayang ang pagod at kunwaring api kong itsura dahil wala naman syang ibang planong ipagawa sakin kundi damputin ang cellphone nyang may patay na ipis sa ilalim.
Swerte nya, bulls eye sya. At malas nya din dahil amoy ipis na ang cellphone nya."Ano bang nangyari?"
Tanong ni Jaythan na parang may karumaldumal na nasaksihan. Nakatayo sila at nakalibot sakin na parang may krimeng nangyari. Habang ako nakaupo at dadamputin ang cellphone ni Daemon.
"Hindi ko alam! Basta parang balak nya ata nakawin ang phone ko?"
Jusko Daemon. Ang laki ng katawan mo ang liit ng utak mo. Paano mo naman naisip ang ganung dahilan? Nanakawin ng ipis ang cellphone mo? Talaga?
Hinawakan ko ang cellphone nya mula sa keychain nito at tumayo. Yung mga itsura nila parang nakakita ng bagay na kakaiba. Para silang Alien.
"Ano ba yan Riley! Wag mong ilalapit yan paano kung may sakit pala ang ipis na yan?"
Si Galen hindi ko alam kung saang mundo nanggaling. Pwedeng may dalang sakit ang ipis pero ang ipis? Nag kasakit?
"Ilagay mo na sa plastic yan para maitapon."
Sabi ni Daemon sakin saka nag suot ng facemask. Jusko. Bakit ba may mga lalaking ganito?
Hindi nagugulat pag may away o anong meron na nagaganap. Pero pag maliliit na bagay gaya ng ipis na dumikit sa cellphone parang apektadong apektado.
"Itatapon?"
Alam nya ba ang presyo ng Nokia? Nokia-ng Adroid? Alam nya ba kung gaano sya kaswerteng isa sya sa mga taong nag karoon ng bagong unit ng isang nag babalik na brand?
Tapos itatapon nyang parang tissue?"Anong gusto mo? Kunin ko pa ulit yan? alam mo ba kung gaano kadumi yan?"
Napapabuntong hininga nalang ako habang nakatayo at hawak ang key chain ng cellphone nya.
"Kaya nga. Delikado na pag gumamit ka pa ng gadget na marumi."
Napapangiwi ako sa kanila. Sigurado akong kaylangan nga talaga ng mga lalaking ito ng taga pangalaga dahil lahat ng maliit na bagay na bata lang nang mmroblema, pinu- problema din nila.
"Sayang 'to! Pwede pa 'to!"
Saka ko tinignan ang cellphone nyang nakatiwarik ng bigla itong mag ring at malaglag ang ipis sa sahig.
"Ahhh!!! Ssshhhheeet!!"
Nag sigawan sila at kanya kanyang akyatan sa sofa. Nakita ata nilang tumakbo ang kaluluwa nung ipis sa kanila. Nakakatakot talaga yun grabe.
Nag rring ang cellphone ni Daemon."Sasagutin ko ba?"
Umiikot ang cellphone nya habang hawak ko.
"Sino ba yan? "
Alam kong may radiation ang cellphone. Pero yung radiation ata na mararamdaman nila ay yung radiation ng ipis na parang mag papapangit sa kanila.
Hinipan ko ang cellphone nya para umikot at makita ko ang tumatawag."Number lang eh."
Saka ako lumakad papalapit sa kanya at halos umiyak na silang lahat at nag tutulakan pataas ng sofa. Sa ganitong paraan lang pala ako makakaganti sa kanila ah.
Nakaisip ako ng paraan para mapag laruan sila."Oy! Sige subukan mo kunin yan. Madumi na yan!"
Alam ko, yun nga ang point ko kunin yun dahil madumi at ilagay sa kanila. Hawak sa kaliwang kamay ang cellphone, kinuha ko ang antenna ng ipis sa kabila kong kamay at unti unti nilapit sa kanila.
"Sagutin mo na 'to Daemon. Paano kung mahalaga pala 'to? "
Siguro pinag ttripan ko lang sya kaya pinipilit ko syang sagutin. Actually wala naman akong pakialam kung sagutin nya yun o hindi. Ang gusto ko lang naman maidikit ito sa mukha nya para makita ko at reaction nya.
Nag dadalawang isip sya dahil napapansin ko ito sa kanyang mga kamay na hindi malalaman kung kukunin ba ang cellphone o hindi ."Sagutin mo."
Sabi nya sakin na dinidemo kung saan ang pipindutin para sa sagot.
"Ganito?"
Inislide ko ang screen. Well, kung iniisip nya ang ipis dun. Wala naman talaga. Namatay ang ipis pero hindi yun nadurog kagaya nang nakikita ko sa mukha ni Alexus ngayon na napaka lakas ng loob na mang asar takot din pala sa ipis.
Nag open ang call at agad kong nilapit kay Daemon ng nakangiti. Para syang nakatapak ng dumi ng aso sa itsura nya kahit na papalapit palang ang cellphone at hindi pa dumidikit sa pisngi nya.Habang papalapit ako. Pagusot ng pagusot ang mukha ng mag kakapatid.
Muntik pang masubsob ang mukha ni Daemon sa nakatiwarik na screen ng cellphone nya nang itulak sya ni Zac mula sa taas ng sofa."Wag kasi! Epal 'to!"
Tapos anong susunod mong sasabihin? Iuupload ko 'to sa facebook? Mamatay kana? Mamatay ka na?
"I loudspeaker mo."
Sabay turo nya sa screen kung paano ang gagawin.
"Sure ka?"
Pinuprotektahan ko lang ang privacy nya. alam kong masama makisabat sa tawag kaya nga hindi ko sinasagot kahit na naririnig ko ang mahinang "Hello" mula sa cellphone nya.
Alam ko naman na hindi uso ang loudspeaker dito. At lahat sila may kanya kanyang buhay. Alam ko naman kung gaano ka awkward sumagot ng tawag habang nakatayo kayo ng mga kapatid mo sa taas ng sofa dahil sa pandidiri sa ipis."Hindi na. Wag na."
Para sa mga mata ng kapatid nya, napaka tapang nyang tao dahil nagagawa nyang mailapit ang cellphone nya sa tenga ng ng 3inches. So wow! Congratulations Daemon ang tapang tapang mo.
Kung maiimagine ninyo: nakatayo silang lahat sa sofa, nakatayo ako sa sahig habang hawak ang cellphone ni Daemon ng nakatiwarik at hawak ang ipis sa kabilang kamay samantalang ang mga kapatid nya ay nakataas ang kamay sa pandidiri sa ipis.
Para akong hostage taker na pinauusap si Daemon sa mga magulang nya para sa ransom.So, mukha akong hostage taker na gumagamit ng ipis at isang amoy ipis na cellphone para takutin ang mga hostage ko. Ang galing galing mo Riley. Hindi pala malayong maging hostage taker ka someday.
May talent ka.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...