Unexpected Vacation

212 11 4
                                    

Marco's POV

Puti! Puro puti ang nakikita ko pagkadilat ko. Puting kisame, puting pader. Pati kumot at unan ko puti! Nasaan ba ako? Kailan pa naging puti ang kwarto namin? Babangon na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko kaya napahiga na lang ako ulit.

"Dahan-dahan lang hijo. Baka mabinat ka." kahit hindi ko sya kilala sa pangalan, alam kong doctor sya ayon sa kanyang suot. At ngayon alam ko na rin na nasa hospital pala ako.

"Teka po, nasaan po ako? Ano pong nangyari?" tanong ko sa doctor

"Hindi mo alam kung nasaan ka?" nakangiting tanong nya

"Hospital po?" tanong ko rin

"Tama, at nakalimutan mo nangyari?" aba! Namimilosopo yata?

"Yung tear gas! Muntik akong namatay sa tear gas!" sigaw ko

"Alam mo naman pala eh. Feeling mo naman kung may Alzheimer's disease ka na! Hahaha, sige maiwan muna kita saglit. Kukunin ko lang yung mga apparatus ko para masuri kung okay ka na ba talaga." sabi nya at tatalikod na sana nang hilain ko sya sa braso pabalik

"Doc, makakalabas ba kaya ako ngayong araw? May klase pa po kase ako eh." sabi ko sa kanya

"I don't think so hijo. At wala naman kayong pasok ngayon." sagot nya

"Walang pasok? Bakit po? Eh sa pagkakaalam ko may exam pa po kami ngayon eh." ewan ko kung bakit natawa sya sa sinabi ko

"Ang alam ko walang Saturday class ang Mortem Academy?" napanganga naman ako sa sinabi nya

"Sat-Saturday? Nakatulog ako ng anim na araw?" nagtataka ko pa rin tanong. The F! Ganoon ako katagal natulog???

"Hindi lang anim na araw hijo! Dalawang linggo!" kung pwede lang malaglag ang panga ko sa sahig sa narinig ko baka nangyari na. Grabe lang! Ganoon ba kalala ang epekto ng tear gas?

"Saglit lang po! Yung mga kasama ko po? Nasaan po sila? Kumusta na po sila? Nakaligtas ho ba sila?" tuloy-tuloy kong tanong

"Yah, actually nasa magkakaibang kwarto sila gaya mo. Natutuwa nga ako at sa wakas nagising na ang isa sa mga pasyente ko after ng ilang medications na nagawa ko sa inyo. Sa katunayan nga ikaw pa lang ang nagigising sa inyong lahat na isinugod noon dito." paliwanag nya. Hindi naman siguro sya tuwang-tuwa ano?

"Talaga po?" napayuko na lang ako sa lahat ng narinig. Grabe, nangyari ba talaga lahat ng yun? Eh parang nightmare lang kumbaga. Hindi ko nga inakala na mangyayari ito lahat.

"Sige mauna na ako hijo. Kailangan ko pang bisitahin ang iba mo pang kasama. Baka gising na rin sila kagaya mo? By the way, I'm doctor Matthew Carino. ANg may-ari ng hospital na ito." pagpapakilala nya. Say what?

"Carino? In some other instances, meron po ba kayong kilalang Zandrex Carino?" tanong ko sa kanya

"Yah, yah. Pamangkin ko sya. Ako yung tito na na syang gumamot rin sa girlfriend ng kapatid nya. Kung kilala mo sina Kyle at Grace? Hayun, ako yung nagligtas sa baby ni Grace sa pamamagitan ng test tube baby method." namangha naman ako sa isinagot ni doc

"Doctor po kayo diba? Na-try nyo naman po sigurong suriin kami isa-isa kung sino ang anak nila tito Kyle at Tita Grace diba?" tanong ko sa kanya pero natawa lang sya.

"Bakit ko pa gagawin yun kung kilala ko na sya? Kasama ko si Zandrex na nagpalaki sa bata. Actually wala pang isang buwan simula pa noong lumipat sila ng Pilipinas eh." nagulat naman ako sa sagot nya

"Sino po sya? Ano pong pangalan ng apo po ninyo?" tanong ko, malay nyo, makalusot

"Uhm, I have to go na pala. Kailangan ko na ring suriin ang iba mo pang nakasama sa pagsabog umano ng tear gas." wow, over sa palusot ah. Pero pumayag na rin naman ako para na rin sa kapakanan ng mga kasama ko.

"Doc, saglit lang po." pagpigil ko sa kanya "Pwede ho bang pakipatay yung aircon? Giniginaw po kase ako eh."

"Thanks God!!! Isa na naman pong matagumpay na operasyon ang nagawa ko!!! To be honest lang hijo, ang mga katulad mong nawalan ng malay dahil sa pagkalanghap ng tear gas ay nagiging numb. Ibig sabihin, hindi mararamdaman ng isang coma patient ang sobrang init o ng sobrang lamig. Ibig lang sabihin, congratulations dahil fully-recovered ka na!!!" napangiti naman ako sa sinabi ni doc. So makakalabas na kaya ako soon?

"Uhm, doc? Makakalabas na po ba ako soon?" tanong ko sa kanya

"Makakalabas ka na soon, but not very soon." sagot nya

"Ho? Bakit naman ho? Ano hong ibig nyong sabihin? Ang dami ko na pong nasayang na school days eh." tanong ko.

"Honestly hijo, nagkaroon ng meeting between my hospital and Mortem Academy and nagkaroon kami ng deal na i-excuse na muna ang lahat ng estudyante ng inyong section para manatili muna dito sa hospital. Napagkasunduan na rin kase namin na imbes na ang mga magulang o mga kamag-anak nyo ang magbantay sa inyo, sinabing mas mabuting ang mga nakaligtas na kaklase nyo na lang ang magbantay para fair daw na excused ang lahat." paliwanag nya

"Nice! Salamat po sa info. By the way, baka nakakalimutan nyo na po, pakipatay po yung aircon. Sobrang giniginaw na po ako eh." sabi ko kay doc

"Huh? Anong aircon? Wala naman kaming aircon dito sa hospital ah!" sagot nya

"Talaga po? Eh bakit po ang lamig dito? Wag nyo pong sabihing nasa Baguio kami ngayon?" ngiting-ngiti ko pang tanong dahil instant vacation kung sakali

"Anong Baguio? Wala tayo sa Baguio. Nasa America kaya tayo. Sige bye! Aalis na talaga ako." at umalis na nga sya

1%

3%

5%

Weh? Buffering? Ang bagal naman yata mag-loading ng utak ko ngayon?

99%

99.1%

99.2%

Okay, tama na! OA na eh!

100%

SERIOUSLY??? AMERICA??? SAY WHAT??? NASA AMERICA KAMING LAHAT??? WEH??? DI NGA??? TOTOO??? WALANG HALONG BIRO??? AS IN A-M-E-R-I-C-A??? NASA AMERICA TALAGA KAMI??? WOAH!!! AKALAIN MO NGA NAMAN!!! AKALA KO SA BAGUIO LANG??? AMERICA??? AKALAIN MO NGA NAMAN OH! WALA PANG GAANONG NAMAMATAY TAPOS MAGKAKAROON AGAD KAMI NG INSTANT COOL OFF??? UNEXPECTED OUT OF THE CONTINENT VACATION!!! ANSABEEE!!! Wait lang, ang sagwa naman yata nung last line ko. Ang bading lang pakinggan eh. Eh paano kase excited eh. Nasa America lang naman ako, America!!! Basta I'm so happy! First time kong makatapak dito sa territory ni Lucas! Hahahaha!

Author's Note:
That's it guys! Ito na yata ang pinakamahabang chapter ko so far? At ito na nga ang isa sa mga pinakahihintay na twists! Ang kanilang America adventure!!! Pero ano kayang mga kaganapan ang haharapin ng ating mga bida sa mga susunod na araw nila dito sa America? Makumbinsi kaya ni Marco ang tito ni Zandrex na paaminin kung sino nga ba talaga ang anak nila Kyle at Grace? Aatake kaya ang bunny mascot dito sa America? May mamamatay ba kaya sa kanilang pags-stay dito? Hanggang kailan sila mananatili dito? At pagkatapos ng kanilang America adventure, balik Mortem na kaya ulit ang ating mga bida? O baka naman sa kung saan na namang lugar sila dalhin ng kanilang mga kapalaran? Kailan rin kaya babalik si Zandrex? Yan at iba pa ang kailangan po ninyong abangan sa mga susunod na kabanata ng Mortem's Curse! That's it for now guys! Hope you like it. Bye!!!

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon