Chapter 7 - Sugat

3.2K 87 0
                                    

Dumating ang Lunes at ng ako'y nagtungo na sa paaralan ay nagpaalam na sina Linke sa akin. Pagdating ko sa klase ay nakangiti sa akin si Manzano, "... Sa araw ng swimming nalang daw magpapasalamat ang kapatid ko." sagot ko. "Buti nakuha niya." sabi naman niya.


"At tsaka... salamat na rin, na napangiti mo siya." sabi ko. "Welcome, masaya rin naman makakita ng nakangiting mukha." bigkas niya. Nagsimula na ang aming lesson ngayong araw na ito.


Ang bad news ngayon ay nag-extend kami ng dalawang oras dahil pinautos ng principal na ipa-advance raw ng isang araw kasi wala raw pasok sa susunod na araw dahil may gagamit daw ng school. "Agh... ano ba naman yan... hanggang 5 pa tayo..." sabi ko.


"Oo nga eh." sabi ng mga kasabwat ko. "Hindi lang naman kayo yung nababad trip." komento ni Manzano.


Nagsimula na muli kami sa aming bagong lesson namin na para raw bukas at pagkatapos ay isang oras na lamang at uwian na! Hay salamat! Ilang sandali at bigla akong nakakuha ng isang tawag, "Ah- sorry, excuse me, sasagutin ko lang." sabi ko't lumabas ng room.


"Hello, Tay?" tanong ko. "Anak, punta ka sa ospital, dalian mo!"

"P-po? Bakit? Ano nangyari?" tanong ko kaagad.

"Si, Linke..." at ng marinig ko ito. "Opo." sabi ko.


Bigla akong pumasok sa room at sinabi, "Kailangan ko ng umalis." sabi ko sabay kuha ng bag. "Ha? San ka pupunta?" tanong ni Manzano. "Basta!" sigaw ko. "Alvrin, teka-" bigkas niya ng nasa pinto na ako.


"Si Linke!" sigaw ko at napayuko, "... Na-ospital siya, hindi ko pa alam kung bakit.. pero sadyang nag-aalala ako. Kaya kailangan kong umalis." sabi ko't umalis na ng school, nakatakas ako since yung guard ay wala sa post niya.


Nakarating ako sa ospital na tinext sa akin ni tatay at pagdating ko dun ay sadyang takbo ako't tanong kina nanay at tatay na naka-upo, kasama sina Ryan at ang mga kasama rin ni Linke kanina. "Pa? Ano nangyari?" tanong ko agad.


"... Sorry, Alvrin... hindi... hindi ko nakita kaagad, napakabilis eh." paliwanag ni Marcus. "Ano ba talaga nangyari!?" tanong ko. "Hit and run... isang motor... nasagasaan si Linke." sabi niya. Nanlaki ang aking mga mata't linapitan siya, "Tapos hinayaan mo lang siya?!" sigaw ko.


"Hindi ko siya hinayaan! Pinagsabihan ko siya! Habang tumatawid kami'y may nagtangkang magbeating the red light na motor!" sigaw niya pabalik. Gusto ko siyang suntukin, naiinis ako, napupuno ako ng galit.


Bumuwelo ako't bago ko pa siya maisuntok ay may pumigil sa akin at hinawakan ang aking pulso. "-!" Napalingon ako sa likod at, "Alvrin, wag." bigkas ni Manzano. "Bitawan mo 'ko!" sigaw ko.


"ALVRIN!" sigaw ni Manzano na nagdulot ng lamig sa aking likod, natakot ako...


Bumuntong-hininga siya't sinabi, "... Hindi niya kasalanan." sabi niya. "Wag kang magsasalita, dahil 'di mo naman kasi alam ang nararamdaman ko." bigkas ko't umalis ng ospital. Nakarating ako sa parking lot ng ospital at umupo sa isang bench.


Napayuko ako't unti unting lumuha, ilang sandali lamang ay tuluyan akong umiyak. Napa yuko ako't ipinatong ang aking siko sa aking mga tuhod at tsaka tinakpan ang aking mga nagluluhang mga mata...


"Alvrin." dinig ko ng ramdam ko ang presensya at boses ni Manzano na umupo sa aking tabi. "Sorry, sumigaw ako kanina." bigkas niya, pero hindi ako nagreply. "..." Bumuntong hininga siya't sinabi, "Naiintindihan ko yung nararamdaman mo.." sabi niya.


Pinunasan ko ang mga nagluluha kong mga mata't lumingon sa kanya, "Paano?" tanong ko. "... Kasi dati na rin akong nakaranas ng malaman na may na-aksidente sa aking pamilya." sabi niya. "... Kaibigan ko siya, pero naging kapamilya ko na rin. Sa totoo lang crush ko siya nun, pero... hindi siya umabot." kwento niya.


"... Alam ko yung pakiramdam na nag-aalala sa taong mahal mo ng sobra sobra..." sabi niya. "Pero... sana, maintindihan mo rin na... kahit na anong mangyari eh, nandito lang naman ako, kung kailangan mo ng maiiyakan na balikat." sabi niya't ngumiti.


Bumalik ang pang-iinis ko sa kanya, pero ngayon, hindi ko maiwasang ngumiti pabalik, "Wag ka nga..." sabi ko't napasandal sa bench at unti unting napasandal sa kanyang balikat. "..." Tahimik ang paligid at ilang sandali ay nag-alay siya ng kanyang kamay.


"..." Hindi ko maiwasang tanggapin ito't ipatong ang aking kamay at linock ang aming mga daliri sa isa't isa. "... Salamat." bigkas ko. "Ipagdadasal ko kapatid mo." sabi niya.


Lumipas ang isang araw at nakakuha na raw ng resulta kaagad mula sa doktor. "Doc, musta na po kapatid ko?" tanong ko. Kasama ko sina nanay, tatay, si Manzano at ang mga kaibigan ni Linke. "Okay na yung anak niyo, minor injuries lang naman, kaonting sugat, and napakaswerte niya na walang na-apektuhan na buto. One week lang sure na gagaling na kaagad ang kanyang mga sugat." sabi ng doktor.


Napabuntong hininga ako ng malalim, at napa-iyak si nanay ang yakapin siya ni tatay, "Pasalamat sa Panginoon..." bigkas niya. Nag-sign of the cross ako't tumingala. "Thank You, Lord." bulong ko at inakbayan ako ni Manzano ng may ngiti.


"Pwede na po ba namin siya bisitahin?" tanong ko. "Pwedeng pwede, though I don't think na gising pa siya." sabi ng doktor.


Nagtungo kami sa room ni Linke at ng kami'y nakapasok, siya'y tulog at may balot ang kanyang ulo at maraming patches dahil sa sugat. "... Anak..." bulong ni nanay. Hinawakan ko ang kamay ni Linke at napangiti. Magiging okay ka rin...


Natapos ang aming pagdalo at sabi ko, "Ma, ano, dun na po muna ako kila Manzano..." sabi ko. "Sige, basta magpapa-alam ka kung gusto mong matulag sa kanila at eh sure mag-aaral ka pa." sabi ni nanay. "Alagaan niyo po anak ko ah." sabi ni nanay. "Po? Ah- o-opo." sabi ni Manzano na halatang lutang dahil sa sinabi ko bigla bigla.


Pagdating namin sa kanyang kotse, tinanong niya, "Bakit?" at ang sagot ko ay, "Gusto ko lang muna lumayo sa kwarto ko, baka mas lalo akong mag-alala sa kanya." sabi ko. "Eh okay na siya diba? Wala ka ng kailangang alalahanin." bigkas niya. "Okay lang. Basta..." at sumang-ayon na lamang siya't nagdrive pauwi.


Nang kami'y makarating sa kanyang apartment at pagpasok namin sa kanyang kwarto ay napayakap ako agad sa kanya't nabuhos ang lahat ng luha ko. "Sorry... sorry... ngayon lang.. please..." bigkas ko.


"Ah-... sige..." nang marinig ko ito, yinakap niya ako pabalik ng mahigpit, at sa ngayon nakahanap na ako ng balikat na maiiyakan...

Teacher's Unexpected Move: Summer School [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon