Shaz's POV
Nakaramdam ako ng liwanag, then I knew na umaga na. Looking the clock on my phone says it's 6:05 am. I quickly got up and put my glasses on. I went to the restroom and did my daily routine. As I was brushing my teeth. Gawain ko ng titigan ang aking sarili sa salamin. But I feel something strange. It's like someone's watching me. I just shrugged it off at tinapos nalang ang aking gagawin.
Pag balik ko sa kwarto ay nakita kong gising narin ang ilan. I ponied my hair and went out.
"Oh my gosh!" Hiyaw ko habang nakahawak sa aking dibdib. A young woman standing in the door with a white shirt and white kaki shorts, nakalugay ang buhok at walang ekspresyon ang mukha niyang nakatitig sa akin.
"Kakain na daw kayo sabi ni tiya Nora" she said in a low voice with no emotions at all.
Still shocked pero nakuha kong tumango. She is so weird! Pupwede naman siyang kumatok or something!
"Gisingin nyo na ang lahat. Breakfast is ready daw"
Still not forgetting the shock ay nagtungo ako sa dinning. Nandoon na si lolo at si lola kaya masaya akong yumakap sakanila. I also greeted my parents and my titos and titas.
"Saan po si tita Weng?" I asked.
"Inabot na siya ng madaling araw kanina, kaya malamang ay puyat iyon" there she is again. The weird girl serving us some food. Nakatitig ako sakanya maging ang mga tita at tito ko.
"Ah nakoo pasensya na kayo ate, isinama ko ang pamangkin kong si Ana para tulungan ako dito at maasikaso kayo, wala rin kasi siyang kasama sa bahay" ate Nora said.
"Ayos lang iyon. Halikayo at sabayan nyo kami sa almusal" tita Marife said.
"Hindi na ate Fe, kumain narin kami kanina sa bahay" ate Nora said.
"Shaz, where is your cousins?" Mom asked me.
"Papunta na iyong mga yon mom" I said without glancing at her. I am focused on Ana. Para syang wala sa mundo. She is just looking straight with wide eyes open without any emotions.
When my cousins arrived we started eating and chatting. It is not the typical breakfast we eat but it is my favorite kind of breakfast lalo na sa province. Tuyo, pritong mga gulay and fried rice. Wow.
After the breakfast, sila mommy ay nag uusap usap about the wedding and the reunion.
Habang nag yoyosi si Dan sa may harap ng gate ay nakwento ko rin sakanya iyong si Ana. How weird she is.
"I wasn't able to see her Shaz" wika nito.
"But man, she is so weird" pag depensa ko.
Dan and I are on the same age line. Roby is a year younger than us, ngunit kaming tatlo talaga ang pinaka close. At hindi na bago saamin ang mga weirdo at nakakatakot na ganap dito sa probinsyang ito. I remembered the reason why almost all of dad's sibling went to Manila at doon na piniling palakihin ang mga anak nila.
"Shaz, anak mag tatakip silim na, pumasok ka na" tawag saakin ni daddy.
"Tito, mag lalaro pa po kami saglit pwede po" Tanong ni Robby kay daddy.
"Osige hijo. Bilisan ninyo na at magsipag ligo na kayo bago tayo kumain" sagot ni daddy.
"Kabilugan ng buwan... labas ang aswang, langit lupa impyerno, sino sino ang kukunin mo?" Pakanta namin sa simula mg laro namin.
"Shh! Wag nyong kantahin iyan" saway sa amin ng isang matanda, may talukbong na itim na ulo may hawak na bayong at tungkod.
"Naglalaro lang naman po kami" sagot ni Dan.
"Masama ang larong iyan. Alas sais pasado ng hapon, bilog na bilog ang buwan. Maraming nag lalarong demonyo sa oras na ito. Umalis na kayo rito!" Sa takot namin sa matanda ay nag tatatakbo na kami papasok ng bahay.
Kinabukasan sabay sabay kaming tatlo na linagnat. From days naging week. Isang linggo na at walang tigil ang pag taas baba ng aming lagnat. And the doctor from the city cannot explain it. Ilang gamot na ang naubos namin ngunit wala parin. Then lola decided na dalhin kami sa isang mag tatawas.
"Napaglaruan ng mga batang engkanto itong mga batang ito. Nais nilang makalaro ang mga ito ngunit may pumigil sa kanila" ang sinabi ni mamang mag tatawas.
"Paano po sila titigil?" Tanong ni lola.
"Hanggat nakikita nilang masayang maglaro ang mga ito ay maeengganyo silang makipag laro"
May ipinainom sa amin at kinabukasan magaling na kaming tatlo but the day after that. Lumuwas na kami sa Manila at doon na nanirahan. I don't think na naikwento ito ng aming mga magulang sa mga mas bata ko pang pinsan.
"Shaz, 2017 na. Hindi na siguro tayo dapat maniwala sa ganyan" seryosong tugon ni Dan sabay hithit muli sa sigarilyo nya.
"Not in this place Dan, parang hindi mag poprogress ang lugar na ito" he looked at me as if I had a point.
"Huwag na kayong magtagal rito" halos sumigaw ako ng marinig muli ang himig nya.
"Omygosh! Bakit ba parati ka nalang sumusulpot? Worst, nanggugulat ka pa!" I said without remembering what she had just said.
"Umalis na kayo. Delikado kung magtatagal pa kayo rito" ulit nya at hindi pinansin ang sinabi ko.
"What? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan ring wika ni Dan.
Tumalikod na si Ana at pumasok na muli sa bahay.
"What does she mean? Weird!" Naguguluhang wika parin ni Dan.
"I told you" sagot ko sakanya.
Itinapon ni Dan ang upos ng sigarilyo niya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
Cassy's POV
"Sige na naman Cassy? Samahan mo na akong mag hanap ng malakas na signal. Naka letter E lang ito oh. Kahit 3G manlang" pangungulit sa akin ni Ayana.
"Ayana alam mo namang pareho nating hindi kabisado ang lugar na ito. Paano kung maligaw tayo?" Pag aalinlangan ko.
"OA mo girl. Hindi yan. Dyan lang naman eh"