💝Chappitter 102💝

1K 21 0
                                    

"Hahaha! Wawa ka naman pala bbf! Buti hindi kami mayaman like you" sabi ni Lau(nickname for Laurence). Pansamantala silang nagku-kwentuhan ngayon dito sa cafeteria dahil b.t namin. Hindi parin ako nakaget-over sa nalaman ko. Sa mukha niyang yun, bakla siya?! Mukha kaya siya Hollywood actor!

"Omg.....hindi ko talaga matake! Hey Lea! I heard that you have a new papabol nanaman"sabi ni...ni...ni...ni... Ni Audrey...ang sakit sabihin ng pangalan niyaaaaa! Yan daw talaga ang pangalan niyaaaa...well according sa mga pinsan ko

"Bakit? Inggit ka?"taas kilay na tanong ni Lea

"Nooooo! Chaka naman yung boyfie mo no! Wag mong itulad sa boyfie ko!" boooom! May boyfriend ang juding

"Gaga! Wag kang assuming! Hindi ka papatulan ni Robert Pattinson" sabi ni Lau at inikot pa ang mata

"Here! May chocolate akong dala! Oh para sa inyong magkapatid!" Sabi ni Audrey sabay bigay ng dalawang Cadbury sa mga pinsan ko. Ayoko naman ng Cadbury, masyadong matamis para sakin.

"Wawa,walang para sayo" bulong sakin ni Lea at bumelat pa ng patago

"Oh, Zandra! Dahil you are my new friiiiiiieeeend... Eto para sayoooo" sabi ni Audrey sabay abot sakin ng isang box ng Ferrero. Biglang kuminang yung mata ko kasi absolute favorite ko talaga tooooo

"Wow! Thank you Aud! Favorite ko to!" Sabi ko ng nakangiti at ngumiti din siya.

"Bwahaha sakin Ferrero na malaki, sayo Cadbury na maliit" bulong ko kay Lea sabay belat

Briiiiiiing!!!

"Omg! Baka malate tayo sa class!!" tili ni Lau kaya nagsitayuan na kami at naglakad papunta sa room. Ang layo pa naman nun sa cafeteria.

"Bakit ka nakanguso diyan?" napa-tingin ako bigla kay Aud ng tanungin niya ako. Naunang maglakad yung magkapatid at iniwan kaming dalawa kasi nagtatampo sila kasi akin Ferrero.Yiee!

"Ang layo kasi ng room sa cafeteria. Anong year mo na?"tanong ko

"Parehas lang tayo but iba lang ng section. Though, magkatabi lang tayo ng room"

"Babye na baklaa!"sabi ni Lau sabay beso kay Audrey at pumasok na ng room

"Halika na Zands! Bye Auds! Salamat sa maliit na chocolate!" Sabi ni Lea at pumasok

"Nag-inarte pa. Siya na nga yung binigyan" bulong ko at nagulat ako ng medyo tumawa si Aud pero biglang nag-giggle.

"It's alright. Sanay nako sa ugali nun. It's nice meeting you, Zands! Kita-kits nalang mamaya!" sabi niya sabay wave at bumeso sakin. Which is feeling ko malaking effort kasi medyo matangkad siya

"Nice meeting you too! Salamat sa chocolates, Aud!" ngumiti ako with matching dimples at ngumiti din si Audrey

"Oh. My real name's Andrei" sabi niya bigla ng tumalikod nako kaya napa-harap ako sa kanya.

"Ang ganda ng name mo. Pero I'll call you Aud nalang since.. you know haha" I said at medyo tumawa at ganun din siya

"Ms. Castillo! Tama na ang harutan at nagsa-start na ang klase!" napatalikod ako at nakita ko yung mukhang unggoy naming prof at nakatingin din yung mga classmates ko

"Oops!" humarap ako kay Aud at nag-wave "Bye, Audrey!"

"Bye, Zands" sabi niya at lumakad na papunta sa room sa kabila. Totoo ngang magkatabi lang kami ng room
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Nakabusangot akong lumabas ng room habang may nakasalpak na headset sa tenga ko.

"Haiiii Baklaaa! Punta ka sa house ahh!" rinig kong sabi ni Lau

"Sorry pero hindi ako pwede. Knows niyo naman ang mudrakels at pudrakels ko diba? Oh! What happened to Zandra?" rinig ko tanong ni Aud

"Hahaha parang timang no? Naka-pout at parang nagsasalita pero wala namang sinasabi hahaha!" rinig kong sabi ni Lea

"Eh kasi bbf! You know naman si miss Gugunching mukhang matsing diba? Yung sumita sa inyo kanina. Pinag-tripan kasi itong si Zands. Tinawag ng tinawag para sagutin yung questions niyang walang kwenta eh wala namang masagot tong isa kasi hindi naman pala aral at may pagkabobo to" sinamaan ko siya ng tingin sabay tingin ulit sa harap at naglakad ng mabilis. Kabadtrip! Makauwi na nga lang!

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon