💝Chappitter 104💝

606 16 0
                                    

Naligo na ako then bumaba dahil 10 na ng magising ako. Buti nalang hindi ako masyadong uminom kaya wala akong hang-over ngayon pwera lang dun sa dalawa na naka higa sa kama ko. Malay ko ba diyan sa dalawang yan! May sari-sariling kwarto at kama pero dito natutulog! Buti nga nagkasya pa kaming tatlo

"Mga bata talaga kayo! Inom kayo ng inom!"sabi ni mama

"Atleast ma ako walang hang-over" sabi ko

"Yung mga anak ko lang ang meron" sabi ni tita

Nagwalis na ako since ito talaga ang nakataka sakin at pag hindi ko ginawa, wala namang magsa-sub.

"Insan! Ang pokpok mong tignan!" sigaw ni Lea na papikit pikit pa

"Trulaley! Tita! Pokpok po yung anak mo" sabi naman ni Lau

Tinignan naman nila yung suot ko at itsura ko at ganon din ang ginawa ko. Naka short-shorts ako tapos naka white na almost transparent na sando kaya halata yung electric pink kong bra at naka tali ako ng mataas na ponytail.

"Pokpok nga" sabay na sabi nila tita at mama kaya napa pout ako

"Ang bad niyo sakin!" sabi ko pero tinuloy ko lang ang pagwawalis. Narinig kong may nagdoorbell pero ang sumagot ay si Lau

"Hello-ay! Hindi mo man lang kami ininform na pupunta ka!"sabi niya pero nakatalikod ako kaya hindi ko nakita kung sino. Gusto ko na matapos magwalis para makakain nako. Gutom nakooo!

"Hoy pokpok! Yung pukyutan mo nakikita namin! Mahiya ka naman sa bisita!"napaharap ako sa epal kong pinsan at swear! Muntikan nakong mapamura

"Ha. Ha. Ha. Aud! Bakit ka nandito?" Awkward na tanong ko after ko umayos ng tayo. Nakakahiya kasi ang laki ng mga mata ni Aud. Jusko kelan lang kami naging magkaibigan, mamaya ayaw niya na sakin kasi mukha akong pokpok

"I told you that I will come here. Hindi mo naalala, girl?" nakakunot noo niyang sabi

"Luh! Kelan?" kunit noo ko ding tanong

"Kanina nung hinatid ko kayo. Ala siya! Ulyanin ang lola niyo" sabi niya sabay harap kay Lau

"Asan sila tita?"

"Andun sa kusina. Punta ka na dun. Mag-aayos lang aketch at mukha akong narape!" natawa kami sa sinabi ni Lau at umakyat na siya.

"Girl, anyare sayo?" tanong ni Aud sakin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa

"Wala lang! Eh ganito ako sa bahay tsaka mainit lang kaya ganito ang tali ko. Layas na!" kumunot nanaman ang noo niya

"Punta na dun kela tita. Halika na nga! Sasamahan na kita" kinuha ko yung kamay niya at hinatak papuntang kusina

"Oh! Drei! Andito ka pala"sabi ni tita Monique, mama nung dalawa kong pinsan

"Tita, I told you to stop calling me Drei. Audrey kaya ako so dapat Drey ( read as Dri)" sabi niya at napatawa ng konti si tita

"Magkakilala na pala kayo nito ni Zandra"

"Yes, nung isang araw lang po. Oh kayo po mommy ni Zandra?" Napatingin ako kay mama na kakalabas lang ng cr na nasa gilid ng kusina

"Ah,oo. Mon may bisita pala tayo"

"Oo Leng. Eto pala si Audrey which is Andrei dapat talaga. And Drei, mommy ni Zandra, si Alena but call her tita Leng"

"Nice to meet you po!"

"Bakla ka?"

"Ma naman!" nilakihan ko ng mata si mama sabay harap kay Aud

"Hayaan mo na yan si mama hahaha"

"It's okay,girl! Akyat lang po kami ah!"
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Monday na at eto nanaman ako, ina- admire yung sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pala sa uniform namin na white long sleeved blouse at short skirt pero hindi ako nag long socks kasi mainit sa legs. Kinabit ko yung navy blue necktie ko then nagselfie at pinost sa IG. 3k na kaya followers ko

Bumaba na ako at nakita kong ready na rin yung dalawa so sumakay na kami ng sasakyan ni Lau at nagdrive siya papuntang school. Siya lang ang may kotse kasi siya ang lalaki which is unfair kasi ako ang pinaka matanda saming apat.

After niyang ipark yung kotse ay bumaba na kami at ako ay busy sa kakacheck ng accounts ko sa iba't ibang website kaya nabunggo ako ng wala sa oras. Buti nalang at nasalo niya ako.

"Salamat...." sabi ko at inaninag yung nakabangga sakin na naka hood

"Jusme ka girl buti nasalo kita. Tingin tingin din sa dinadaanan" inalis ko yung hood niya at nakangiting Audrey ang sumalubong sakin

"Audrey! Good morning!" bati ko sabay beso at bineso niya din ako

"Saya natin today ah"

"Lookie oh!" umikot ako pero dahan dahan lang kasi baka umangat yung short skirt ko

"Taray! Be ang hawt mo! Pero look!" Umikot din siya at natawa ako kasi nakabusangot siya

"Ang daya kasi witchikels aketch naka skirttles" tinawanan ko siya at hinila papunta sa library kasi andun yung dalawa. Nakibasa na din ako pero hindi talaga maiwasan ng mata ko yung mga malisyosong tingin eh. Lalo na yung mga lalaki! Kaya ang ginawa ko ay rumampa ako ng parang model at nagpose at nagsmirk. Hehe maski bakla mapapaibig sa ganda ko

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon