Dahil Friday night ngayon ay magkaclub kami kaya nagsuot nako ng get-up ko at bumaba. Kasama ko sila Lau at Lea ngayon pero hindi makakasama si Aud kasi busy daw.
Pumunta kami sa club and uminom agad ako ng tequilla. Favorite ko kasi tsaka para hindi gaanong malakas ang tama. Sumayaw na ako after that pero ang kasayawan ko ay ang mga pinsan ko at sumakit ang tiyan ko sa kakatawa dahil kay Lau! Nagtwerk kasi tapos ang daming nag-cheer sa kanya! Nakipagsayawan na din ako sa iba at nakita ko din si Mickey at may kasama siyang girl habang nakatambay sa bar. Malande talaga yun kahit kelan hahaha!
Mga alas dose na ng umuwi kami kasi alam kong kailangan kong umalis ng bahay ng maaga kasi ayokong mag-pang abot kami ni papa. Medyo galit pa ata sakin yun eh kasi I lost my virginity. Yes, hindi nako virgin at nagjoke lang ako ng sinabi kong virgin ako. It's a one night stand but okay lang sakin yun kasi may naexperience akong bago tsaka hindi naman mahalaga sakin ang virginity ko. Ewan ko ba kasi yung iba kung ituring ang virginity parang treasure eh hymen lang naman ang batayan diyan. Ang natandaan ko lang sa naka one night stand ko ay may brown eyes siya at medyo mahaba yung buhok niya. Ang yummy!
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Kinaumagahan, sinabi sakin nila mama at tita Mon na padating na daw si papa kaya nag-impake nako ng konting gamit and guess what? Kasama ko din ang mga pinsan ko. Pero mas madami, mas masaya. Wag lang sana magalit si Aud. Hindi ko pa naman sinabi sa kanya na doon ako mag-sestay sa kanila hanggang Monday ng madaling araw. Pero napaalam na daw ni Lau sa mommy ni Aud kaya okay lang.Medyo malayo yung bahay ni Aud kasi 30 minutes na ang nakakalipas ay hindi pa kami nakakarating. Pumasok kami sa isang exclusive village at syempre hindi kami pinayagan kaya tinawagan ni Lea si Aud at pinakausap sa guard kaya nakapasok kami. Huminto kami sa isang bahay na made of glass and wood at hindi siya basta bastang bahay, mansion siya mga sisterets. Pinapasok na kami ng guard at after ipark ni Lau yung kotse ay pumasok na kami sa loob. Grabe ang elegante at may chandelier pa!
"Lau, Lea, Zands!" tawag samin ni Aud habang pababa siya ng staircase at grabe mukha siyang lalaking lalaki kasi naka formal attire siya. Bineso niya kami at niyakap ko siya
"Uy salamat talaga ah. Utang ko na sayo yung buhay ko" sabi ko
"Okay lang yun,girl. Iwan ko muna kayo ah kasi may aattendan akong business meeting. Jusme tatanda ako ng wala sa oras" sabi niya at natawa ako
"Hello,children!" bati ng isang magandang babae
"Tita naman! Makachildren ka jan eh may pubic hair na nga kami!"sabi ni Lau at natawa yung babae
"It's nice to see you again Lau and Lea. I guess you are Zandra" sabi ng babae sakin na nakangiti
"Ahhh...opo hehe" ang gondo niya sheeets😮
"I am Zerina but you can call me mom. I am Drei's mom"
"Mama naman! It's Drey and Zandra don't call her mom. Kaloka" nag-roll eyes niyang sinabi
"No, call me mom. Even Lau and Lea calls me mom" tumingin ako sa dalawa at lihim silang umiling pero sige mom nalang tatawag ko sa kanya since pinayagan naman kaming magstay dito
"Sige po mom. Nice to meet you" nakangiti kong sabi
"Omg ang cute mo!!" pinisil niya yung pisngi ko at awkward kong tinignan si Aud.
"Ma tama na yan. I have to get going kundi majombag ako ni pudra huhu my fez" sabi ni Aud at binitawan ako ni mom at hinalikan si Aud sa pisngi.
"Byee bakla!" sabi ni Lau at nagbeso sila
"Babush baklang hukluban-aray!" tinampal si Lea ni Aud sabay beso. Hahaha hukluban daw
"Bye Aud! Thank you aloooots!" sabi ko habang niyayakap siya ng mahigpit
"Ang hina mo naman. Mahigpit na yan para sayo" natatawa niyang sabi
"Grabe ka naman! Laki laki kasi ng katawan" nakapout ko nang sinabi yung huli at pinisil nanaman niya yung pisngi ko
"Magtatampo ka nanaman haha! Babye na" kiniss niya ako sa cheeks at bineso ko naman siya
"Babyeee! Pasalubong ko ah! Okay nako sa cream tart!" pahabol ko ng makalayo na siya pero hindi ata ako narinig
"Kapal mo be hahaha" sabi ni Lea
"I'll show you all to your room" sabi ni mom at dinala kami sa second floor at pumasok kami sa isang room na may isang queen sized bed
"Okay! Kasya tayo dito!" sabi ni Lau sabay lapag ng gamit
"Thank you po" sabi ko sabay ngiti
"It's okay. Now, hindi pa ata kayo kumakain so baba na kayo para makapag breakfast" sabi niya at bumaba kami para mag breakfast. Nagkwentuhan kaming lahat buong umaga at medyo OP nga ako kasi matagal na pala silang magkakakilala. Sabi ni mom, tanggap daw naman ng buong clan nila na bakla si Aud pero syempre hindi siya pwede magcross dress at tsaka ayaw daw naman ni Aud eh. Akalain mo yun?
Uuwi daw mamayang gabi yung papa ni Aud kaya expect na daw na susungitan ako, sabi ni Lau. Jusme masungit ang pudrakels. Oh no
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Teen FictionAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...