Sabay-sabay kaming lumabas kanina ng sasakyan ni Aud na naka-hood nanaman. Ewan ko ba sa baklang to at ang hilig mag-hood. Feeling Robin Hood na bakla.... Edi Little Red Riding Hood....ay matangkad... Edi..
"Hoy! Mabubunggo ka sa lagay mong yan, Zands" sabi ni Aud sakin
"Kung ano-ano kasi ang iniisip" sabi ni Lau
"Leka na! Babye" sabi ni Lea at hinatak ako kaya hindi nako nakapag- paalam kay Aud kaya kumaway nalang ako.
Wala namang kakaibang nangyare buong araw at ngayon ay uwian na pero babalik muna kami sa bahay nila Aud para kunin ang mga gamit at mag-paalam.
Pagkarating namin ay nag-ayos agad kami ng gamit at etong si Lau ay nag-iinarte at may nalalaman pang walling. Binaba na namin ang mga gamit, pagkatapos namin mag-ayos at naka-abang na sila mom and dad sa amin.
"Good-bye po mom, dad" sabi ko na naluluha ng konti. Uy konti lang ah!
Niyakap ako ni mom at nginitian lang ako ni dad
"Good-bye po tita, tito. Salamat po ah" sabay na sabi ng dalawa. Si Lau ay naka waterproof na make-up kasi alam niyang iiyak siya, at eto nga siya, akala mo namatayan!
"Kinakamusta po pala kayo ni mama" sabi ko. Nagulat nga ako na mag-kakilala sila eh.. ibig sabihin ako lang ang out hahaha!
"Paki sabi okay lang ako at padalawin mo siya dito kasi madalas ako mabored dahil iniiwan ako ng asawa ko" sabi niya sabay tingin kay dad na sinamaan lang siya ng tingin. Tumango ako sabay inikot ang paningin ko
"Si Aud po?" Tanong ko
"Ay andun sa kwarto niya. Ikaw na bahalang tumawag" tumango ako at pumunta sa kwarto ni Aud. Kumatok ako at walang sumagot kaya pumasok nako. Nakita ko siyang naka-dapa sa kama habang nag-lalaro ng games
"Uy, Aud.. aalis na kami" sabi ko sabay upo sa tabi niya. Hindi niya ako pinansin kaya nag-taka ako. Dumapa din ako at sinilip ang mukha niya. Umiiyak siya..
"Aud naman eh... Grabe ka naman jan mag-drama! Kitams mo nga ako oh! Hindi ako umiiyak" sabi ko pero deep inside naiiyak ako kasi syempre kahit naman sino no! Kahit maikiling panahon lang ako nakapag-stay sa bahay nila ay na-feel ko na din na bahay ko to.
"Hindi ako madrama no! Nag-mumukmok na nga lang ako dito eh! Ang nag-dra-drama ay si bbf, hindi ako" sabi niya at tumagilid ng higa at in-off ang phone. Aba! Tinalikuran ako!
Niyakap ko nalang siya at hinalikan sa likod
"Wag ka na ngang umiyak jan! OA nito! Parang hindi na tayo mag-kikita eh!" Sabi ko
"Witit ko keri!" Humagulgol pa siya!
"Hay nako beks... Mag-sisters naman tayo no! Parehas nga tayo ng mom and dad! Hahaha!" Natatawang sabi ko
"Ehhh! Ayoko! Wag na nga kayong umalis!" Sabi niya then humarap sakin. Nakita ko tuloy yung bluish-green eyes niya na puno ng luha
"Hindi pwede! Wag ka na ngang umiyak at naiinggit ako sa mata mo" sabi ko at nag-pout siya
"Hindi ako natutuwa! Dito ka nalang mag-stay! Kahit wag na yung mga pinsan mong may dalaw!" Sabi niya at natawa ako
"Tsk tsk! Grabe naman! Bbf mo pa naman din ako!" Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa ang hukluban kong pinsan
"Mas love ko si Zandra kesa sayo no" sabi ni Aud sabay yakap sakin
"Mmmmdi mmmko mmmkahnga!" Sabi ko dahil nakabaon na ang mukha ko sa dibdib niya
"Bahala ka! Ako nalang ang titira sa inyo" sabi niya
"Drei! Mas pipiliin mo pang mag-stay sa kanila kesa dito?" Rinig kong kunyareng na-hurt na sabi ng isang boses. Mama ni Aud. Tinulak ko ng konti si Aud tapos huminga ng malalim at piningot siya sa tenga at hinila hanggang sa makaupo
"Araaaaay!" Daing niya. Nang makaupo na ay umupo ako sa lap niya pero nakaharap sa mga madla
"Grabe naman po tong mag-drama!" Sabi ko sabay pahid ng pawis. Niyakap ako ni Aud parang ayaw ako pakawalan
"Hoy bakla! Umiiral nanaman yang pagka-childish mo!" Natatawang sabi ni Lea
"Tita hindi na po kami mag-pa-pa-hatid kay Aud at baka hindi na kami makauwi" sabi ko sabay ikot kaya kaharap ko na si Aud
"Ang laswa!" Sabi ni Lau at narinig ko silang tumawa
"Eyes on me, Aud" sabi ko na seryoso kasi baka hindi na talaga kami makauwi at may pasahan pa kami ng project sa isang araw at dahil hindi kami nakagawa kahapon at kanina, bukas kami gagawa.
Ayaw tumingin sakin ni Aud at nakatingin lang siya sa area kung nasan sila mom
"Dr-"
"Andrei, eyes on me" seryosong sabi ko. Narinig ko din na sana tatawagin si Aud ng papa niya pero naunahan ko. Napatingin sakin si Aud na medyo malaki na ang red niyang mga mata. Napabuntong hininga ako. Ayoko pa naman ang seryoso. Napapout nalang ako sa isip ko
Narinig kong napasinghap yung iba. Syempre ako lang ata ang tumawag sa kanya ng totoong pangalan niya at kita niyo! Nakatitig na siya sa akin. Buong atensyon niya ay nasa kagandahan ko na HAHAHAHA😂
"Uuwi na po kami at bukas may gagawin kami project. Kailangan ko ng beauty sleep kasi mapupuyat at mahahaggard ako tomorrow. Intiendes?" Dahan-dahan kong pinaliwanag na parang sinasabihan ay maliit na bata. Tumango siya ng konti pero yung mata ay nasa bandang tiyan ko
"Eyes on me, Andrei" napatingin agad siya sakin at ngumiti ako at muntik nang tumulo yung namuong luha sa mata ko. Muntik lang ah!. Hinalikan ko siya sa noo niya at umalis na sa kandungan niya
"Sorry sa pag-tawag sa real name mo bakla ah! Drastic times calls for drastic measures" naka peace sign kong sinabi
"Babye!!! Kitakits nalang tomorrow" sabi ko at tumalikod na kung saan nakanga-nga sila pwera kay dad na naka titig samin kaya kinilabutan ako.
Bumaba na kami after nilang mag-paalam kay Aud then nag-paalam na kami sa kanila mom and dad at nag-taxi nalang kami kasi nag-agree naman sila sa sinabi ko na baka hindi kami maihatid pauwi hahaha
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Teen FictionAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...