💝Chappitter 111💝

441 9 0
                                    

Nag-pasa na yung grupo namin ng project. Buti nalang at natapos namin kahapon! Speaking of kahapon! Hindi pumasok si Aud! Hala baka naman nag-tampo na yun! Kanina din wala siya!

After ng second period ay dumiretso na kami ng cafeteria at nag-order ng makakain.

"Sister, baka hindi nanaman papasok yan bbf mo" sabi ni Lea kay Lau na sumisipsip ng juice sa straw

"Pumasok ako" napaangat ang tingin namin sa taong naka-hood na may dalang tray. Umupo siya sa tabi ni Lau instead sa tabi ko kaya ako lang tuloy ang nakaupo sa isang side. May tampo nga ang bakla!

"Hoy bakla! MIA ka kahapon ah!" Sabi ni Lau na nagbeso kay Aud

"I have something to take care of" sabi ni Aud at nakipag-beso kay Lea

"Hindi mo talaga papansinin si Zandra?" Tanong ni Lea kay Aud na tinuloy lang ang pakikipag-chika kay Lau.

K nalang!

Kumain lang ako pero nag-online ako sa IG at nakita kong dumami pa yung followers ko kaya napangiti ako. Nabasa ko din yung mga positive comments sakin pero may negative yun pero deadma na! Baka magka-wrinkles at pumanget! Ini-stalk ko nanaman si James Reid at nakita ko yung post niyang naka-topless kaya nag-laway ang lola niyo! Napasubo ako ng kanin ng wala sa oras kasi ulalam! Model ng Century Tuna!

Hindi ko napansin na ubos na pala yung pagkain ko eh kaya sumipsip nalang ako ng juice. Grabe ang hawt niya!!! Wala akong pake kahit gf na niya si Nadine! Crush lang naman eh tsaka fan nila ako no. Napatango ako sa isip ko at muntik nang mapatili ng makita ko ang picture ng isa kong crush na friend ni fafa James! Si Brett! OMG ang hawt niya talaga! Tili ko sa isip ko habang tinititigan ang topless body niya

"Ehem!" Napa-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin silang tatlo sakin at tinaasan ko sila ng perfect kong kilay.

"You're causing disturbance" simple at seryosong sabi ni Aud. Aray! FO na ba itey?

Dinedma ko nalang ulit at nag-scroll down at napatili na talaga ako ng makita ang picture ni Tanner my love so sweet na naka brief lang! OMG! Magising lang ako sa umaga ng siya ang bubungad sakin ay okay nang makuha nako ni Lord!!!!

"Ehem! You. Are. Causing. Disturbance" rinig kong sabi ni Aud kaya napabusangot nanaman ako at tumingin sa kanya. Nakita kong nagka-tinginan ang mag-kapatid. Aba! Inaano ko ba to!

Binalik ko ang tingin ko sa picture ni Tanner at ini-screenshot bago mag-salita

"Is it bad for me to fantasize? No, it's not. I am not disturbing anyone, as far as I know and as far as I'm concerned. So  if I disturbed you, then sorry" sabi ko habang nakatitig sa phone then ng mai-screenshot ko na ay tumayo nako

"Excuse me, balik nako sa room" sabi ko. Jusme napasabak ako sa English! Nirevise ko lang yung lines nung isang artista sa isang movie eh!
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Hindi naman ako badtrip sa ginawa ni Aud kaya eto ako ngayon, keri pa naman ang buhay. Wala yung prof namin at namigay lang ng hand-outs yung class president namin para sa subject na yun kaya pumunta muna ako dito sa library. Kumuha ako ng isang book about sa Greek mythology habang nakasalpak yubg headset at nag- sa-soundtrip. Sumandal ako sa shelf habang nakaupo. Inistretch ko yung paa ko hanggang sa nakasandal na sa isang shelf.

Nag-text sakin si Lea at sinabing, pati yung susunod na prof ay wala pero namigay na din ng hand-outs kaya tinuloy ko lang yung pag-tambay ko dito. Hindi man ako matalino at hindi ako pala-aral, pero pala basa naman ako kahit papaano lalo na pag tungkol sa Greek mythology.

Ewan ko ba pero parang wala kaming professors sa lahat ng subject after ng b.t kasi yun lahat ang text ni Lea. 5:30 na at 30 minutes nalang ay uwian na namin. Nakatulog nga ako eh pero one hour lang at buti walang sumita sakin. Tumatawag sakin si Lea at Lau pero hindi ko sinasagot. Maski mga texts nila hindi ko rin sinasagot. In-airplane mode ko yung phone ko then nag-basa ulit. Ang saya kasi mag-basa lalo na pag ini-imagine mo. Kailangan ko ng krimstix para imagination ko ang limit! Hahaha!

Hindi ko na rin namalayan ang oras at 6:30 na pero hindi pa naman mag-sasarado ang library dahil hanggang 7 ito. Tumayo na ako at nag-unat bago ko ibalik yung libro na natapos ko na sabay dampot ng bag ko at laking gulat ko talaga nang pagka-talikod ko ay nakita ko si Aud na masama ang titig sakin habang nakaupo sa isang upuan na katapat ko lang. Ano nanaman ang ginawa ko?

Nag-lakad ako papalabas ng library at in-off na ang airplane mode at muntik ko nang mabitawan ang phone ko ng makita kong may 30 missed calls ako from Lau, 20 from Lea and 50 from someone. Then may 23 messages from Lau, 19 from Lea, 2 from Luca and 38 from someone. Lahat nag-tatanong kung nasan ako. Sino naman tong unknown number?

"It's mine" sabi ng isang pamilyar na boses sa tenga ko at hinipan ito kaya napatalikod ako

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon