💝Chappitter 112💝

404 9 0
                                    

"Aud!" Gulat na sigaw ko. Naka-hood nanaman siya at naka-cross arms

"Why aren't you replying to our text messages? And don't give me that ' Wala akong load' excuse because I won't fall for it. You should've answered our calls!" Napatakip ako ng tenga kasi nakakatakot yung boses ni Aud. Diyos ko po! Help me! Hindi na po siya si Audrey! Si Andrei na po! Naka-cross fingers pako niyan at nakapikit. Binuksan ko ang mga mata ko ng maramdaman kong niyakap niya ako kaya nag-taka ako.

"You made us worried!" Sabi niya sa akin

"Nasa library lang ako" sabi ko at alam kong nag-roll siya ng eyes

"Duh!"

"Tsaka galit ka sakin diba?" Sabi ko at kumalas sa kanya

"Duh! Tinawag mo kaya akong Andrei tapos kinakausap kita kanina nung breaktime pero busy ka sa panginginig" sabi niya at inirapan ako

"Panginginig?"

"Oo kaya! You are like some crazy person who received some vomit-worthy message from your love-sick boyfriend" sabi niya at mga one minute akong hindi kumurap habang iniintindi ko pa yung sinasabi niya

"Pictures yun! Like OMG! Drool-worthy kaya sila James, Brett and Tanner!" Depensa ko pero inikutan niya lang ako ng mata

"And hello! Hindi mo kaya ako pinasin!" Dagdag ko

"At first I didn't,because nagtatampo ako sayo because you didn't even let me drive you to your house! But I called you and you ignorned me but grinning from ear to ear while looking at your phone. I called you again and asked kung nagtatampo ka but I was again ignored by you but you are acting like a vibrating phone while letting out some squeeky noises" mahabang sabi niya. Eto lang ang masasabi ko. If and only if maging lalaki to at maging boyfriend niyo to, mag-ready na kayo ng cotton pang takip sa ilong niyo. Grabe! After one minute ng pagka-tunganga ay pumikit ako sandali at tumunganga ulit

"Wa epek yan bbf! Mahina sa English yan" rinig kong sabi ni Lau na kakalabas lang mula sa dilim

"Bebshiecake! Gaga ka talaga! Pinag-alala mo kaya kami! Etong sisteret mo oh hindi na magka-ugaga sa kakahanap sayo" sabi ni Lea na lumabas din from somewhere at tinuro si Aud

"Eh kasiiii ehhh" nakapout kong sabi

"Eh kasiiii ehhh" pang-gagaya ni Aud then niyakap ako

"Don't do that again! Halika na at umuwi!" Sabi niya at tumango ako
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Three weeks na ang nakalilipas nang maging okay na kami ni bakla at ayun! Mas malambing na kami! Feel na feel ko siyang maging big sister kasi malaki siya hahaha! Medyo naging hectic nga nung past weeks kaya hindi na kami naka gala mode. Natapos na din ang exam namin.... kanina kaya eto, nag-re-ready na kami kasi magba-bar kami! Wooh! Actually after exam party to ng buong year namin kaya marami-rami din. Nag-suot ako ng maroon na fitted 3/4ths na dress with matching shoes and my make-up. Nag-curl ako ng hair like Lea pero mas maikli naman hair niya. Si Lau naman ay nag-wig at mukha siyang Lady Gaga hahaha! Susunduin kami ni Aud maya-maya lang at habang wala pa siya ay nilelecturan kami nila mama at tita Mon.

After ilang minutes ay dumating na din si Aud, wearing dark blue shirt and jeans pero syempre pinatungan niya yung shirt niya ng hood.

"Aud ang lakas mo talaga! Hanggang ngayon nakahood ka pa din" sabi ko

"Syempre! Iwas paparazzi kung meron man. Alam mo naman ang business world" maarteng sabi niya.

Nang makararing na sa venue ay bumaba na kami ng sasakyan at pumasok na sa loob pero pinakita namin yung pass kasi exclusively for our year and university lang ang bar tonight. Humiwalay muna si Aud para pumunta sa mga classmates niya at ganun din ginawa namin.

"Ang ganda ganda mo talaga, Zandra" sabi ni Tomas sakin at umakbay ng makaupo nako

"Salamat Tom" sabi ko at nginitian niya. Uminom muna ako ng konti bago ako nag-excuse para sumayaw. Gumiling lang ako ng gumiling at marami-rami din ang nakikisayaw sakin. Ang ganda ko talaga, tsk!

"Hey, sister!" Inangat ko ang tingin ko at nakita kong katapat ko na pala si Aud

"Hey Aud!" bati ko ng nakangiti

"Punta tayo kela Mickey! Nahihiya ako eh" sabi niya at tumango ako at nagpahila sa kanya. Sumasayaw-sayaw ako habang papalapit kung san man sila. Nakita ko yung mga katropa ni Aud na sila Nikko, Mickey, Gab at Lance tapos may dalawa pang bago na lalaki at tatlong babae.

"Hi!" Bati ni Aud at nakita kong nagbulungan yung tatlong babae

"Hey guys!" Bati ko

"The four of you remembered Zandra right?" Tanong ni Aud

"Of course! How would I forget Zandra's beautiful face?" sabi ni Mickey na nakalapit na at hinawakan ang mukha ko. Bineso ko siya at nginitian

"Andito na si Minnie!" Natatawang sabi ko and he chuckled

"Wag mo ngang landiin ang sister ko" sabi ni Aud at sinamaan ng tingin si Mickey. Ang protective si sissy

"By the way, sa mga hindi nakaka-kilala, this is Zandra, my sister. Zandra, these two are Iñigo and Dawin. These three are Natascha, Queen and Bernice"

Nagwave ako sa kanila at nag-wave naman yung dalawang lalaki pero yung tatlong pokpok ay dinedma yung beauty ko kaya hinayaan ko nalang.

"Aud! Sayaw lang ako ah" paalam ko

"Oy wag kang masyadong mag-lasing at ayokong mag-buhat dahil witit ko like ma-develop ang muscles ko" bulong ni Aud

"Eeeh! Konti lang naman eh! Babyee!" Sabi ko sabay punta sa bar at nag-shot ng isa then balik sa dancefloor para sumayaw.

Medyo nalasing nako kaya hindi nako nakapag-focus kaya ang natandaan ko nalang bago mag-black out ay nakasayawan at nakainuman ko si Mickey.

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon