💝Chappitter 114💝

400 7 0
                                    

O...M...G...

May ganon?!

Napawalling ako ng wala sa oras dahil hindi ako makapaniwala na ginawa ko yun! 

Ano ba nangyare pagkatapos nun????

Flashback

"Our Princess of the night is Marjorie!" Naghiyawan ang mga tao. Hindi na ata ako mananalo nitoooo

"And the Queen of the night!!!!!!!! Zandraaaaa!!" Lumaki ang mga mata ko at napanganga ako kaya tinawanan ako ng ibang mga kasama ko pero tinulak nila ako papalabas after nilang mag-congratulate. Binigyan nila ako ng crown at kung ano-ano pa then may picture taking. Lumapit sakin sila Lau, Lea at Aud na ngiting-ngiti

"Ay grabe girl! Pang miss universe na yung sagot mo!" Sabi sakin ni Lea

"Pak na pak! Nganga si Marjorie eh" sabi ni Lau na narinig ni Marjorie na nasa tabi ko kasi narinig kong tumikhim

"Congratulations, sister! I am so proud of you!" Sabi ni Aud sabay kiss sa pisnge ko

"Salamat sister! Picture!!" Nagpicture kami then nag-selfie ako then pinost sa IG #QueenOfTheNight

After nun ay nag-party-party nanaman kami then uminom. Nag-congrats din sakin ang mga tropa nila sister ko. Nagsayaw sayaw kami at napilit kong makipag-sayaw si Aud sakin. Taray! Ang lambot ng katawan!
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
"Jusmeeeee! Girl sabi ko sayo ayokong mag-buhat eh!" Rinig kong reklamo niya. Naka piggy back ride akoooo

"Edi bitaw!" Sabi ko at tatalon na sana pababa ng likod niya pero sinecure niya yung paa at kamay ko

"Manahimik ka na nga lang!" Sinakay niya ako sa loob ng kotse at nagsabi siya na wait lang daw kasi tatawagin niya yung dalawa kong pinsan.
.
.
.
.
"Mga lasing na sila!"

"Hay nako ma! Nakakairita! Hoy kayong magkapatid! Kaya niyo na yan...langyaa"

Pagbukas at pagsara ng pinto

"Hoy sister! Gisiiiing magpalit ka or better yet maligo!" Umiling lang ako pero nahilo ako kaya nagsuka ako

"Eeeeewww!" Natawa ako ng narinig ko siyang tumili. Naramdaman ko nalang na binuhat niya ako at may narinig nanaman akong pag sara at pag bukas ng pinto saka ako nilapag sa malamig na sahig. Naramdaman kong may nagbababa ng zipper ko kaya napadilat ako. Nasa loob pala kami ng CR

"Huhubaran moko? Lalaki ka na ba?" Tanong ko sa kanya pero inikutan lang ako ng mata

"Ikaw maghubad ng damit mo, kukuha ako ng pampalit" sabi niya sabay labas ng CR. Hinang hina kong tinanggal ang dress ko saka ako nahiga. May narinig nanaman akong pagbukas ng pinto bago ko may maramdamang may parang towel sa hinagis sa katawan ko para takpan ako

"Ay gaga! Wag kang matulog!" Sigaw ni Aud at pinaupo ako.

"Upo ka lang ah" sabi niya at tumango ako. Nakarinig ako ng pagbukas ng gripo then nakaramdam ako ng lamig sa mukha at leeg

"Be gising ka muna please! Toothbrush ka muna" dumilat ako at nakita kong may nakatapat na saking toothbrush na may toothpaste. Nag-gargle ako ng may iabot siyang baso na may tubig pero hindi ko kayang mag-sipilyo kaya siya na nag-sipilyo sakin  pagkatapos ay dinamitan niya ako tapos binuhat pabalik ng kwarto at inihiga sa kama.

"Sister, tulog ka na ah! Mag-wa-wash-up lang ako" sabi niya
.
.
.
.
.
"Bebe tabi tayo ah! Babantayan kita" tumango ako at nakaramdam ako ng init sa tabi ko kaya yumakap ako

"Wow! Kanina alalay, ngayon unan!" Sabi niya kaya napadilat ako

"Love mo naman ako diba?" Tanong ko sabay pikit

"Oo girl pero naging alalay talaga ang ate mo" napatawa ako ng konti at hinayaan ko nalang makatulog.
.
.
.
Napadilat ako the bumangon para hanapin ang phone ko. Nakita ko na nasa table sa tabi ni sister na masarap ang tulog kaya inabot ko

"Hahaha gaga! Wag mong gahasain!" Napatingin ako sa sahig at nakita ang baliw na si Lau na nakatingin sa amin habang naghuhubad. Kukunin ko na sana ulit ang phone kaso biglang dumilat ang mga mata ni Aud. Ang ganda ng eyes niya...

Nagkatitigan kami bago kumunot ang noo niya

"Ah.. kukunin ko yung phone ko Aud" sabi ko at tumango siya sakay kinuha ang phone ko at inabot sakin.

"Ang ganda ng mata mo, Aud. Parang may magic" nakangiti kong sabi

"May magic talaga yan Zandra" sabi niya na nakangiti then pumikit

"Wag kang pumikit!" Sabi ko then dumilat siya

"Magsleep kaya akels" sabi niya kaya nag-pout ako then napatingin sa magkapatid. Si Lau ay nakabold na talaga pero may nakabalot na kumot pwera lang sa upper body niya at si Lea naman ay.... Wala namang bago

In-open ko yung phone ko at pinicturan yung dalawa then nag-selfie ako then pinost ko yung selfie ko sa IG na may caption #TotallyNotDrunk

Nakita kong tulog na si Aud kaya pinicturan ko siya then humiga na ako sa tabi niya then niyakap niya ako. Humikab ako pero nag-picture muna. Syempre kasama siya hehe. After nun ay nakatulog nalang ako.

End of flashback

Waaaaaah!!!! Cellphone koooo!!!!! Naduduwal akong lumabas ng CR para lang mapatili ng makita kong nakabulagta si Lau ng wala ni isang saplot. Napabangon sila at ako tulala habang nakaturo kay Lau

"Anong nangyare?!" Panicked na tanong ni Aud

"What th-" hindi na natuloy yung sasabihin ni Lea kasi napatili nanaman ako tapos tumakbo papunta kay Aud at nagtago sa likod niya

"Anong meron?" Inaantok na tanong ni Lau

"Zandra... What happened?" Dinala ako ni Aud sa harap niya at mukhang concerned siya

"M-may p-python" sabi ko ng malaki ang mata

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon