💝Chappitter116💝

392 10 0
                                    

"Ahhh! Ayoko na pagod nako!" Hinihingal na sigaw ko saka humiga sa kama

"Ikaw. Lang. Ba?" Tanong niya sabay yakap sakin

"Hay nako! Mainit!" Sabi ko sabay kalas sa kanya pero parang pinanggigigilan niya talaga ako

"Buksan natin yung A/C?" Malambing na tanong niya at tumango ako kaya tumayo siya at binuksan ang aircon. Natawa ako kasi nakita ko ang sexy back niya at kitang-kita ang tattoo niya sa may upper left side ng likod niya

"Chalamat!" Sabi ko at humagikhik.

"Giggle ka jan! Hahahaha. You're welcome, Zandy" sabi niya na natatawa at tumabi ulit sakin. Inabot ko ang phone ko at tinext si mama para paalam na nandito kami mag-pipinsan.

"Anong oras na ba bakla?" Tanong niya

"....3 naaa!! Ang harot mo kasi eh!" Sabi ko sabay hampas sa kanya ng mahina

"Wow ah! Ikaw din kaya!" Natatawang sabi ko

Flashback(2 hours ago)

"Surprise, Zandsss!" Sabi niya na nakangisi habang nakatitig sakin ang bluish-green eyes niya na parang nag-twi-twinkle.

"A-" magsasalita na sana ako pero kiniliti niya ako

"Hahahahaha! Aray! Ayoko na! Hahaha!"

"Malakas pala kiliti mo sisteret! Eh sa... Leeg kaya?" Kiniliti niya ako bigla sa leeg

"Iiiih! Hahahaha!" Pagulong-gulong nako at tinry ko makawala kaso ginawa akong kabayo nitong baklang to eh. Tawa na din siya ng tawa at kung saan saan niya ako kinikiliti. Matagal-tagal din bago ako nakawala at hingal na hingal ako

"Humanda ka saking bakla ka" hingal na hingal na sabi ko. Tumakbo ako at tumakbo siya papalayo

"Hahaha! You'll never catch me!" Sigaw niya kaya ang ginawa ko ay dinoble ko ang bilis ko sabay talon kaya napahiga kami sa kami pero syempre ako na yung nasa taas

"May kiliti ka ba, bakla?" Nakangisi kong tanong

"Iiih!! Don't! Wala! Wala!" Tili niya at napatawa ako. Kala mo rereypin eh. Hinawakan ko siya sa leeg at naipit ang kamay kaya kiniliti ko ang bewang niya at para siyang bulate!

"Hahahaha! Ayaw na! Ayaw na!" Sabi niya

"Ehhh.... Ayoko nga" nakangiti kong sabi at kiniliti siya at dahil mas mabigat siya, ginawa niya itong advantage kaya pinaikot niya kami

"Bwahaha! Akala mo ah!" Sabi niya sabay ngiti ng malisyoso

"Beb ang hot mo! Maging lalaki ka nalang!" Sabi ko at lumaki ang mata niya kaya natawa ako kaya pinaikot ko ang puwesto namin

"Hahaha! Gaga ka! Pag ako naging hombre baka ma-fall ka sakin" sabi niya with a husky voice. Napatitig ako sa mga mata niya then nagsmirk

"Ang tanong.. kaya mo ba?" Ginawa ko ding husky ang boses at nilapit ang mukha ko sa mukha niya

"Depende...siguro?" Sabi niya ng seryoso. Tinilt ko ang ulo ko ng konti at napatili ng i-ikot niya kami

"Ayoko nga. Babae ako no. Ayoko magpaka tomboy" sabi niya at tumawa kami at syempre hindi na namin namalayan ang oras dahil nagkilitian nanaman kami

Sa kalagitnaan ng kilitian portion namin ay napunit ko yung damit niya sa bandang likod kasi tatakas dapat hahaha!

End of flashback

❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
"Salamat po talaga mom ah" sabi ko kay mom na ngumiti lang

"Humaygad! Driver nanaman akesha" nag-da-dramang sabi ni Aud

"Hay nako Aud ang arte mo! Mag-tataxi nalang kami tita" sabi ni Lea at tumayo

"Bye po tita" sabi ni Lau at nag-beso kay mom

"Salamat po tita" sabi ni Lea at nakipag-beso din

"Thank you po ma." Sabi ko naman at nakipag-beso na din.

"Jokie jokie lang naman! Grabe kayong tatlo! Sige mama, hatid ko lang sila pauwi" sabi ni Aud at bineso si mom tsaka niya kami hinatid pauwi

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon