Naisip ko po ang istoryang ito dahil naiinis ako. Swear. Ito po ay true to life story. Pero yung kwento po ay base sa observation ko sa dalawang taong bida rito. Basta! Mahirap i-explain. Sana basahin nyo pa rin.
===================
"Yang kayayabang ni Mcdo." Rinig kong sabi ni Kenneth, palabiro sa aming magkakaklase.
Napalingon ako sa gawi nila. Si Mcdo naman ay ngingiti-ngiti lang. Iba yung ngiti niya. Medyo namumula pa nga siya eh.
"May pinabasa sa akin si Mcdo, ang sabi ay I love you." Dagdag pa ni Kenneth.
Parang may bombang sumabog sa loob ko. I love you? May girlfriend na siya?
Iniwas ko ang tingin ko. Bakit... masakit?
"Huwag nga kayong ganyan. Nasasaktan si Rica." Boses yun ni Patricia.
Kunwari nagulat ako at napatawa. Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Rona. Sana di niya makita sa mata ko ang sakit. Mahirap kasi magsinungaling kay Rona, magaling bumasa ng emosyon yan sa mata eh.
Nagpatuloy pa sa pag-uusig si Kenneth. Sinabi raw ni Mcdo kay Kenneth one time na may babae raw nagkagusto ka sa kanya. Na may picture raw si Mcdo nung babae sa cellphone niya.
Kunwari na lang wala akong naririnig. Kunwari hindi tunay yung mga sinasabi nila. Masakit eh.
***
Kinahapunan akala ko tapos na ying usapan tungkol dun sa babaeng katext ni Mcdo. Kailan ba yan matatapos?!
Maya-maya ay may pinagkaguluhan ang mga kaklase ko. Nakita kong hawak ni Rona ang cellphone ni Mcdo at ipinakita kay Shanny. Pilit namang kinukuha ni Mcdo ng cellphone niya, pero wala. Naipakita na ni Rona kay Shanny.
"Chinita." Rinig kong may nagsabi na kaklase ko.
"May kamukha yan. Yung naglaban ng Campus Idol." Boses ni Mariel yun.
"Si Cindy Mae." Tipid na sabi ni Rona.
Yung picture ata ng babaeng katext ni Mcdo ang tiningnan nila. Chinita raw at kamukha ni Cindy Mae?
"Anong pangalan nyan?" Tanong pa ni Mariel.
"Julie Ann daw." Si Kenneth yun.
"Julie Ann San Jose?" Hindi ko alam kung nagbibiro si Rona nung sinabi niya yun.
"Anong apelyido?" Tanong pa ni Mariel.
"Di nga naimik si Mcdo. Nakakasura. Pangiti-ngiti lang ba." Si Patricia yun.
"Mamaya mahahampas ko na talaga yang si Mcdo. Napakasimple ng tanong di pa masagot." Parang inis na si Rona nung sinabi niya yun.
Bumuntong-hininga na lang ako. Bakit feeling ko mas affected pa sila sa akin?
"Whatever. Solid RicaDo pa rin ako." Rinig kong sabi ni Rona.
"Kung nagkataong nandito si Antonnette at Irene, yari yang si Mcdo, RicaDo rin ang mga yun." Sabi ni Mariel.
Nung Physics time na namin ay may pinasulat si Sir sa akin sa blackboard. Secretary 'to eh XD
Pero unang word pa lang na naisulat ko, mali na. Heck! Anong nangyayari sa akin?
"Yan tuloy, sa pagsusulat na lang idinadaan ni Rica ang inis niya." Hindi ko alam kung sino ang nagsalita nun. Ang ingay eh.
"Kanina pa text nang text si Mcdo." Si Kenneth ulit yun.
"Sir, si Mcdo nga po text nang text." May halong pagkabwisit na ang boses ni Rona.
Kanina ko pa siya naririnig na naiinis siya. Masama rin ang tingin niya kay Mcdo.
At naiinis din ako. Ang daming beses nang namali ang sulat ko!
Dalawa lang ang board dito sa room namin. At malapit nang mapuno itong ikalawang board. Mahaba pa ang isusulat ko. Ipag-eerase kaya niya ako gaya ng dati?
"Mcdo, ipagpahi mo si Rica. Parang ipagpapahi lang." Pambabatos ni Kenneth.
Kapag hindi niya ako ipinagpahi, ibig sabihin, wala talaga.
Napuno na yung board na sinusulatan ko kaya kinuha ko na yung eraser. Nagsigawan naman yung mga kaklase ko kay Mcdo at sinasabing ipagpahi ako.
"Hindi talaga mabitawan ang cellphone eh. Talagang tumingin muna sa cellphone bago tumayo." Sabi ni Rona. Kita ko sa mukha niya na inis na inis siya.
Lumapit si Mcdo sa akin at kinukuha yung eraser pero hindi ko ibinigay at ako na ang nagpahi.
Nagsigawan ulit ang mga kaklase ko. Yung parang malungkot? Kahit ako rin naman nalungkot.
Umupo na ulit si Mcdo at ako naman ay nagpatuloy na pagsusulat. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Masakit talaga.
"Tandaan mo 'to Mcdo." Hala, nagbabanta na si Rona. "Kapag nabigo ka sa babaeng yan, hinding-hindi kita papayagang bumalik kay Rica. Hinding-hindi kita palalapitin."
"Huwag kang iiyak-iyak dyan pag nagbreak kayo." Dagdag pa ni Mariel.
"Bakit? Sila na ba?" Tanong ni Patricia.
Wala akong narinig na nagsalita.
"Oo o hindi lang ang isasagot, di pa masagot." Inis na sabi ni Rona.
"Sinayang mo yung dalawang taon. Ah ah... dalawang taon!" Batos ni Kenneth.
Dalawang taon. Oo nga, dalawang taon. Second year kami nun nung magsimula ang RicaDo, pinagsamang pangalan namin yan ni Marc Dominic Magat o mas kilala sa tawag na Mcdo.
Narinig ko na patuloy pa rin sina Rona sa pagtatanong kay Mcdo. Taga Tayabas daw yung Julie Ann, saka sa Luis Palad daw nag-aaral.
"Luis Palad?!" Gulat na sabi ni Rona. "Sa dami ng school, dun pa?!"
Bakit? Anong meron sa Luis Palad?
"Luis Palad pa talaga. Ang ating best friend." Rinig kong sabi ni Patricia.
Mukhang tungkol ito kapag may quiz bee sila. Nagkaroon siguro ng issue sa pagitan nila.
Natapos na yung klase namin at kasabay ko sa paglabas sina Mariel, Mary Joy, Shanny, Jamelle, Angela at Rona.
Kasabay ko si Angela pauwi. Iba ang daan naming dalawa sa kanila.
"Rica!" Si Mary Joy kaya lumingon ako. "Ayos lang yan! Lalaki lang yan!"
Natawa na lang ako.
"Bukas huwag kang papasok na depress ha!" Pahabol pa ni Rona.
Tumawa na lang ulit ako at tumalikod na kami ni Angela para maglakad pauwi.
Naalala ko yung sinabi ni Shanny na ang mga babae raw na nagpapagupit ay mga broken hearted. Balak ko pa namang magpagupit.
Napabuntong-hininga ako. Dalawang taon... naglahong parang bula dahil lang sa isang babae na nakilala niya nung birthday ng lola niya (narinig ko kanina).
Pero anong magagawa ko kung wala talaga di'ba? Sabi nga niya "We're just friends."
Nadala lang ako sa pang-aasar ng kaklase ko sa amin. Mga kinikilig kasi kahit maglapit lang kami ng konti.
Kaya kahit masakit, kailangan kong kalimutan ang nararamdaman kong ito.
Sana yung feelings ko parang bula rin, madaling maglaho sa isang iglap.
THE END...
First time ko tuloy gumawa ng sad ending story. True to life po ito, inuulit ko. Kung kilala nyo ang characters dito, eh di kilala ko XD
P.S Taga Pagbilao po ang characters dito XD