Chapter 26 : Mark My Words

7K 176 32
                                    

- SOPHIA'S POV -

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may humahaplos sa aking buhok. Hindi nga ko nagkamali ng hula, si Raven nga ito na nakangiti ako at mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Ginantihan ko naman siya ng napakatamis kong ngiti.

"Good morning.." Bati niya.

"Good mor---" hindi na niya ko pinatapos dahil mabilis ulit niya kong hinalikan sa labi, pero agad ko rin siyang pinatigil. "Teka. Okay ka na ba?" Tanong ko sabay hawak ko sa kaniyang noo, "may sinat ka pa."

Kahit masama na ang pakiramdam niya ay nagpatuloy pa rin kami sa pag-iisa naming dalawa kagabi.

"Don't worry, kaya ko na sarili ko. You're my great medicine, you know." Natatawang sabi pa niya.

Hahalik pa sana siya ng bigla ko ulit siya pinigilan. "Tsk! Kapag ako nahawaan, humanda ka sa akin!"

"I will take care of you, so you don't have to worry. Basta dito ka lang."

"Bakit ka nilagnat?"

"Maybe its because of tiredness.."

"Ikaw talaga, magpahinga ka naman minsan. Masyado kang nagpapa-stress. Teka, maliligo na muna ako."

"Sabay na tayo." Aniya

"Ayoko nga!"

Mabilis akong tumakbo sa patungong banyo, isasara ko na sana nang bigla niyang pinigilan kaya no choice, masyado siyang malakas.

Hindi ako pinapasok ni Raven ngayon sa hotel, dahil gusto niya kong isama sa isang okasyon. Ngayong araw na daw kasi magaganap ang binyag ng anak nila Tanya at Leo.

"Ninong ka ba ng anak nila?"

"Yes and also William."

Mabilis kaming nakarating sa isang simbahan. Agad umagaw sa aking pansin ang batang karga-karga ni Tanya na tahimik lang habang sinusubo nito ang munting kamay. Habang si Leo ay abala sa pag-eentertain sa mga dumalo.


"Hey, Rave.." Si William, naglalakad siya papalapit sa amin. "Woah.. You again, Miss Sophia, right? I thought si Julia ang kasama mo."

Hindi ko alam kung ano irereact ko kaya napasulyap ako kay Raven, napansin ko ang naging seryosong tingin niya kay William. "Tanya who's the one requested na isama ko si Sophia dito."

Di nga?

Bigla kong naalala ang sinabi noon ni Tanya sa akin na mas gusto niya ako para kay Raven kesa kay Julia. Kaya pala ang gaan agad ng loob ko sa kaniya dahil magkakasundo kaming dalawa.

"Ganun ba? Oh well, sorry.." Paumanhin ni William, mabuti na lang lumapit sa amin sina Leo at Tanya kasama ang kanilang anak.

"Nandiyan na pala kayo.. Hi!" Masayang bati agad sa akin ni Tanya. Hindi ko alam kung sinong titignan ko, ang baby o yung ina.

"Hi.. Kumusta?" Nahihiyang bati ko.

"Mabuti. Ito pala baby namin, his name is Markus."

Napatango-tango ako at nginitian ang bata. Sandaling kamustahan lang ang naganap sa aming dalawa ni Tanya dahil nagsimula na pagbibinyag sa bata. Nang matapos ang binyag ay nagtungo na kaming lahat sa reception. Napaka-simple, blue at white lang ang motif ng mga designs.

Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang tanggalin ang paningin ko kay Raven na ngayo'y karga-karga si Baby Markus.

Nakaka-turn on talaga ang mga lalaking mahilig sa bata. Nakakatuwang tignan kaya napangiti ako.

"Mahilig ka sa bata?" Tanong ko kay Raven.

"Bakit? Bibigyan mo ba ako?" Aniya sabay ngisi niya.

Ako naman ay tila gusto ko siyang batukan. Iniwasan ko na lang siya ng tingin, feeling ko kasi ay namula ako sa sinabi niya. "Tse! Masyado kang excited.."

"Yes, I'm very excited kung ikaw lang naman ang magiging ina ng mga anak ko."

Natigilan ako sa kinakain ko.

Sana nga ay ako na lang ang future mo, pero imposible..

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Paano ka naman makakasigurado na ako na talaga ang future mo?"

"I will prove it to you.." Sabay kindat niya pa sa akin.


- RAVEN'S POV -

Kumunot ang noo ko kung sino ngayon ang tumatawag sa akin. Its Julia.. It means, bumalik na siya dito sa Pinas. Damn it! Naglakad muna ko papunta sa tahimik na lugar at iniwan muna sandali si Sophia kasama si Tanya.

"Julia.."

[I'm home! Where are you? Nandito ako ngayon sa bahay mo.]

Fvck!

Biglang kumulo agad ang dugo sa sinabi niya.

"What did you came back?"

[Dahil malapit na tayong ma-engage. Kaya lang naman ako nagpunta ng LA to invite my friends on our engagement.]

I clenched my fist at para pakalmahin ang sarili ko.

"Walang engagement na magaganap!"

[Edi deretso na tayong kasalan. Invite mo pa si Sophia para masaya, I have a surprise for her.] Then she laughed like an evil bitch!

"Hindi ka nakakatuwa, Julia."

Bigla din siyang huminto sa pagtawa. [Hindi rin ako nagpapatawa, seryoso ako. Mark may words, Raven.]

Damn it! She's really a bitch!

Bumalik ulit ako sa loob at agad kong hinanap si Sophia.

"Where's Sophia?" I asked to Leo.

"Sinamahan ni Tanya sa CR, nakaamoy lang ng wine naduduwal na.."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sagot ni Leo.

Si Sophia, naduduwal?





#ChaTara08

All Yours Are Mine [TGKS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon