Chapter 6 - Lachanophobia

2.7K 53 0
                                    

5:00pm

Uwian na!

"Aia, mauna na akong lumabas, punta lang ako ng library." si Kat. Ako naman inaayos ko na yung bag ko.

"Sige. Ingat ka pauwi ah?"

"Ikaw din, so paano bye!" nagwave lang siya tapos lumabas na ng pinto ng classroom namin.

Habang busy ako...

"Emmm... uuwi ka na Prince Jake? Sabay na tayo umuwi gusto mo?" isa sa mga classmate kong babae na kinikilig kay Jake! Tss!...

"Ah oo, pauwi na ko, ang kaso may kasabay na ako eh!"

"Sino naman?" si girl pa-cute

"Ah yung princess ko." sabay tingin sa akin.

"Hmph! So she's the lucky girl??? arghh! Anyway Prince Jake," kumapit siya sa braso ni Jake "take care!" tapos hinawakan niya yung pisngi ni Jake, bago siya umalis tumingin muna sa akin yung girl at ini-scan ako mula ulo hanggang paa sabay irap!

Kumokota na sa irap sa akin ang mga tao ngayong araw na ito ah!

"Ah okay! hehe..." isa pa 'tong lalaki na ito eh, pa-cute din.

Tumayo na ko at saktong palabas na ko ng room ng hinigit niya yung braso ko.

"Hey, uuwi ka na?"

"Oo eh!." pagod  ako ngayon. Wala na kong energy para makipagsagutan sa kanya.

"Hatid na kita, remember pumayag si Renz kanina?"

"Uhm.. okay!" ililibre niya kaya ako ng pamasahe? hehe

Naglakad na kami palabas ng campus, pero dumiretso kami sa parking lot ng school at hindi sa waiting shed.

Woah, siguro naka-kotse kami pauwi? Na-miss ko tuloy si manong driver sa probinsya!

Huminto kami sa tapat ng isang Porsche na black. Sa kanya kaya ito? Oo siguro kasi iilan na lang naman ang kotse dito sa parking lot,tapos puro big bike na lang yung iba, alam niyo yun, yung mga pang-drag racing. Dapat siguro ganitong kotse pabili ko kay Daddy kapag nag-debut ako.

"Okay lang ba?" - Jake

"Ang alin? itong car? Oo naman sobrang okay, I like the color!"

"No, hindi akin yan."

"Ha?"

"What I mean is okay lang ba kung dun tayo sumakay," sabay turo niya dun sa red na big bike, suzuki ata yun. "here's the helmet, wear it!"

Eh?

"Is it safe?" tanong ko sa kanya. First time ko kasing sasakay ng single.

"Sure! Do you trust me?"

"What?"

"Do you trust me?"

o___________o

Alladin is that you?

Bigla po siyang kumanta ng "A whole new world" at lumipad na po yung big bike niya.

Dejoke lang.

"Don't worry babagalan ko lang." he winked.

Eh kung mag-taxi  na lang kaya ako pauwi? Ang kaso madilim na rin, anong oras na akong makakauwi niyan sa bahay. No choice! Andito na eh!

"Okay!" inabot ko yung helmet. Medyo nahirapan akong magkabit kasi ngayon lang ako nagsuot nito.

"Ah Jake.." napatingin siya sa akin, err.. ang cute niya! "patulong naman?"

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon