"One day makikilala ko ang Prince charming ko tapos titira kami sa malaking palace na may maraming maraming chocolates. Tapos magiging masaya kami. Magkaka anak kami ng tatlo lang kasi sabi ni mama masakit daw manganak eh. Tapos------" naputol ang sasabihin ko sana ng may biglang umepal. Kausap ko kasi ang bestfriend ko."Ano nanaman bang katangahan ang pinagsasabi mo jan huh. Ang feeling mo rin eh noh. Sino namang baliw ang papatol sa isang pangit na gaya mo?"sabi ni Abby. Sumangayon naman ang mga kaibigan niya. Ewan ko kung bakit ganun nalang kalaki ang galit niya sa akin eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
"Ikaw talaga Abby ang sama sama ng ugali mo. Ingit kalang kasi maganda si Lily. Di tulad mo na pinagkaitan ng kagandahan. Sigura nang nagpaulan ng kagandahan tulog na tulog ka kaya wala kang nasalo kahit kunti."sabi ni Dixie ,ang bestfriend ko.
Nadadabog naman na umalis si Abby kasama ang mga kaibigan niya.
"Totoo ba yung sabi nila na pangit ako?"naiiyak kong tanong sa kanya.
"Hindi ah. Naniwala ka naman sa mga yun. Ingit lang ang mga yun sayo kaya ganun."naka ngiti niyang sabi niya sa akin.
Tumango naman ako habang naka ngiti rin.
"Basta pag-nakilala ko na ang Prince charming ko ikaw lang ang bibigyan ko ng chocolates. Tapos hindi natin bibiyan sila Abby kasi bad sila eh."
"Promise yan huh."
"Oo,promise ko yan sayo."sabi ko habang naka taas ang kanang kamay na parang namamanata.
YOU ARE READING
The Nerd That He Owns
Romance"Promise babalik ako at hindi na kita iiwan pa ulit." "Talaga? Promise mo yan huh?." "Promise." "Pinky promise ?" "Pinky promise ." But promises are made to be broken.