Study Habits

7.8K 14 3
                                    

1..  Ano   ang “ study habits” ?

                   Ang una at pinakamahalaga sa lahat, ang study habits ay pagiging responsable para sa inyong tagumpay. Ang pagtanggap sa responsibilidad na ito ay nagpapahiwatig ng pagkakaintindi sa mga prayoridad, desisyon, “habits”, at pinagmulan.   Lahat naman ng mga estudyante ay nakakaranas ng problema sa pag-aaral ng isang leksyon. Marahil ang dahilan nito ay hindi nagtatala, walang libro, o kaya naman ay kinulang sa oras. Mayroong iba’t ibang gawi sa pag-aaral ang bawat estudyante upang maibsan ang problema o ang paghihirap nila sa pag-aaral. Ang kadalasang ginagawa ng mga estudyante sa pag-aaral ay ang pagtatala sa klase, pagha-highlight ng mga impormasyon sa libro, o kaya naman ay umiinom ng kape o energy drink upang hindi makatulog sa klase. Kadalasan ay nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagbabalanse ng oras kung kaya’t nasasanay sila sa last minute work o cramming. Napakahalaga ng tamang pagbabalanse ng oras dahil dito nakasalalay kung matatapos mo ba lahat ng dapat gawin sa limitadong oras lamang. May mga bagay din na nakakaapekto sa pag-aaral ng estudyante tulad ng edad, kasarian, kurso at taon sa kolehiyo. May dalawang paraan ang pag-aaral, maaaring pag-aaral mag-isa o kolaborasyon. Ang pag-aaral nang mag-isa ay makakatulong upang makapagpokus sa pag-aaral. Ang kolaborasyon naman o ang pag-aaral nang may kasama ay makakatulong sa isang estudyante dahil maaari silang magtulungan sa pag-aaral ng isang leksyon. May mga isyu na kaugnay ng pag-aaral. Ito ay ang peer pressure, isyu sa pamilya, pera, at istilo ng pagtuturo o pagdidisiplina.



2. Wastong “ Study Habits “  ng Mag-aaral

     

Una : Pagpaplano at Tamang Paglaan ng Oras

                Ano ba ang kailangan unahin, ano ang dapat ihuli sa mga kailangan aralin? Unahin mo ang mga aralin na sa tingin mo ay nangangailangan ng intensibong pag-aaaral, gaya ng mga subject kung saan ka mahina, kung saan mababa ang mga nagdaan mong mga asignatura at mga exams. Bigyan ng mas malaking panahon ang mga ito, pagkatapos ay ang mga madaling aralin naman ang isunod. Remember, good study habits includes how you plan and how you manage your time efficiently.

Ika-Dalawa : Pagbabasa

                Kung may makitang texto na sa tingin mo ay mahalaga, isang paraan para matandaan mo iyun ay ang pagguhit o pag-highlight ng salitang iyon. Sa ganung paraan, ay magiging madali para sa iyo na balikan ang salitang iyun. Mas mabilis mo itong maaalala. Make notes and a summary of the topic you've read.


Ika-tatlo : Paghanap ng Lugar kung Saan Mag-aaral

             Kung may malapit na park sa inyo, duon ka mag-aral. Kapag kasi nakakakita ka ng mga bagay na magaganda gaya ng mga puno, bulaklak, fountains at halaman o anumang kaaya-aya ay na-rerelax ang iyong pag-iisip. Kung magkagayon, mas mabilis kang makakapag-isip, mas mabilis kang makakapagsa-ulo. Also consider going to a quiet place and not crowded.



 Ika-apat: I-konek ang Pag-aaral sa iyong Karanasan


             Para sa mas mahirap na mga aralin, like those lessons that don't need memorization but analization. Isang mabisang paraan ay ang i-relate mo ang mga aralin na ito sa iyong mga karanasan sa buhay. Mas magiging madali para sa iyong isipan na iproseso ang isang bagay na may kinalaman sa iyong buhay. Ika nga ng marami, experience is your best teacher.

Ika-lima: Malaking Tulong Para Ma-develop ang Good Study Habits 

            Marami ring mga libro ngayon sa mga bookstore at mga e-books sa internet pati ang magbibigay tulong sa iyo para ma-develop ang iyong good study habits. Nabanggit na rin lang ang ebooks, kahit nasa Pilipinas ka ay maaari kang makabili ng mga ito sa pamamagitan ng pag-order sa Amazon, isang kilalang shopping site online ng mga electronic books o ebooks kung tawagin. Ito ang ilan sa mabibili mo: How To Be A Student  by Sarah Moore,How To Study  by Ron Fry at How To Become a Straight A Student  by Cal Newport.


Ika-anim: Kailan Ka Dapat Mag-aral?


             Sabi nga daig ng maagap ang masipag, kaya naman mas maiging mag-aral ka ilang araw bago dumating ang iyong examination. Huwag mong ugaliin ang ipagpabukas ang mga pwede namang tapusin na ngayon. You should have no room for procrastination and work your tails off to study your lessons as early as possible. 

Pang-huli: Tamang Oras ng Pag-aaral
 


            Daig nang maagap ang masipag, one of the good study habits is to study your lessons early or review your lessons ahead of time. Huwag kang magpuyat upang magising ka sa umaga na maginhawa ang iyong pakiramdam. Mas maigi ang pag-aaral sa umaga kaysa sa gabi. Isang masarap na almusal na masustanya ang isa pang malaking tulong.



Study HabitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon