27 - The Bold Move

6.8K 320 23
                                    

Glaiza

"So it's more than crush?" tanong ni Binibining Cess. Tinawagan niya ako para sa isang private meeting at kinuha ko na rin ang pagkakataon para makausap siya ng sarilinan. Hindi ko alam pero kailangan kong mapatunayan kay Rhi na mahal ko siya, ang hindi ko pagpayag na maging open siya sa publiko ang nagapapalala ng alinlangan niya sa aming relasyon. Hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan pero sana tama itong desisyon ko.

"Oo, paumanhin kung itinago namin sa'yo ang relasyon namin ni Rhian, Binibining Cess." sagot ko.

"Just Cess, I understand Glaiza. Wala naman kayong obligasyon sa akin or to anyone, I don't find it offensive na hindi niyo inamin sa akin agad. It's understandable naman eh. Mahirap umamin sa bansa natin, mas maraming mang huhusga kesa makakatanggap and I admire you for protecting Rhian and don't worry you're secret is safe with me." tugon niya saka ngumiti ng pagkatamis tamis. "You really love her, don't you? It shows at how you look at her and I can see how she loves you too."

"Handa siyang umamin sa aming relasyon pero ayaw ko Cess."

"I know, si Rhian pa."ngiti niyang sabi "She's always been brave and bold. When she's in love she's in love. Kaya madalas sumasakit ang ulo ni Ronnie." natatawa niyang komento.

"Para sa akin at sa Tito niya hindi pa nararapat dahil masyado pang maaga." dugtong ko.

"I understand, G. Is it alright to call you G? I heard Sheena calls you that."

"Walang problema, Cess. Maaari mo akong tawaging G."

"Nakakatuwa ang pananagalog mo,  ganyan ka pala sa personal.Hindi halata sa mga pelikula mo." pansin niya at napangiti lang ako.

"It's always nice to see you smiling G, so don't worry ok? I perfectly understand now and thank you for trusting me." pag alis ni Cess sa pangamba ko.

"Malaki ang tiwala sa'yo ni Rhi."

"I love Rhi, she's been very supportive of me and what I believe in. And I trust her, too. It's just that hindi ko sinasadya na pag samahin kayong tatlo sa iisang project. Anna made it and I can't just outcast her because you know that's not fair."

"Nauunawaan ko naman, Cess at ayaw ko ding maging unfair ka sa mga cast dahil lamang sa personal naming problema."

"You should've told me earlier." sabay kindat niya. "But don't worry, akong bahala sa inyong dalawa. I'll protect you both.

"Maraming salamat, Cess. Gusto ko rin sanang maging maayos ang lahat bago magsimula ang proyekto."

"You have all the time,G. We still have things to work out and prepare. Just let me know kung ready na kayo ni Rhian to start, ok?" malambing niyang sagot. Gumaan ang aking pakiramdam sa naging kinalabasan ng aming paguusap.

- - -

"Hello Ate, kumain na ba siya?"

"Hello Cha, hindi pa eh. Kung tutuusin mo hindi pa siguro siya nagalmusal kasi maaga siyang dumating dito. Sabi lang niya nagalmusal daw sa daan, nagkape lang mula nang dumating at andon pa rin sa kwarto mo." sagot ni Ate Tina.

"Sige Ate, kayo na munang bahala sa kanya. Huwag niyo siyang pauuwiin kahit magpilit siya."

"Oo na. parang sirang plaka lang? Nakausap mo na ba ang pamilya niya?"

"Hindi pa, pero natawagan ko na ang Ate Nadine niya at nakiusap ako kung pwede kaming magusap."

"Ganon ba, o sige magingat ka sa biyahe mo pauwi. At yong mga bilin mo nasabi ko na kay Alchris. Siyanga pala nakausap mo na ba sila Tatay at Nanay?" tanong muli ni Ate.

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon