28 - The Godmother

6.9K 320 53
                                    

Glaiza

"Bakit sila nasa iisang tent at dressing room? Bakit may sarili silang kwartong dalawa?" rinig kong tanong ni Anna sa isa sa mga staff. Napadaan ako at hindi sinsadyang narinig ko sila.

"Ms. Anna yon po ang utos ni Mam Cess, para daw ma-internalize ng dalawa ang role nila sa movie at hindi sila maging awkward sa isa't isa. Kung may kailangan ka sa kanila andiyan naman si Ms. P, hindi rin kasi basta bastang makakapasok sa kwarto nila sabi ni Mam Cess." sagot ng staff. Bahagya akong nangiti, mula ng pinagtapat ko kay Cess ang tungkol sa amin ni Rhian ay naging kakampi namin siya sa bawat galaw namin set at sa lahat ng lugar ng shooting. Nandoon ang kanyang suporta.

Halos hindi magkamayaw ang tuwa ni Rhian ng nalaman niyang pinagtapat ko na kay Cess ang tungkol sa amin. At nang bumalik kami ay makikita ang suporta ni Cess sa aming dalawa, siya pa ang unang nagtanong ng makita niya ang singsing na suot ni Rhian.

"Wow it doesn't look like an engagement ring but more like a wedding ring na." naalala kong sabi niya ng makita ang singsing. Natawa na lang kami ni Rhian. Ilang araw pa lang matapos ang pagtatapat ko kay Rhian ay may nakapansin na sa kanyang singsing, ngunit ang tanging isinasagot lamang niya sa bawat tanong ay sa pagkakataon daw na ito sana hayaan na siya sa personal niyang buhay. Naging maugong din na maaari daw ay kasal na siya, ngunit tanging ngiti lang ang isinasagot niya. At ngayon nga ay nagsisimula na kami sa aming bagong pelikula na magkasama.
Ganito pala ang malaking production, magara, sagana sa lahat at maraming tauhan.

"What Cess did is not a good idea." tinig ni Anna na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Hindi ko siya napansin na nakalapit na pala sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" seryoso kong tanong.

"People might suspect...alam nila na you're---"

"---I don't care..." tinig mula sa tagiliran namin at pareho kaming napalingon sa ngayon ay nakalapit ng si Rhian.

"You know very well that I'm ready Anna. But for the sake of my career and unfinished projects and contracts I need to keep it secret." tuluyan na niyang sinabi sabay dikit sa akin at nakangiti na parang casual lang ang nangyayaring usapan upang hindi makakuha ng atensiyon sa paligid. "But if you want to let the whole world to know, by all means. I won't stop you." hamon niya sa ngayon ay mukhang nag ngingitngit ng si Anna.

"Mk..." mahina kong tawag kay Rhian at nginitian niya rin ako.

"Ayos ba sweetheart? Did I deliver my line well?" sabay niyang sabi sa mataas ng boses at akbay sa akin.

"Perfect! That's how you should deliver the line, Rhi. Intense." rinig namin sabi ni Cess habang pumalakpak. "Parang totoo. I hope to see that kind of intensity, ok guys?" sabi na niya ng makalapit sa amin. Walang nakaimik sa aming tatlo at saglit na napatingin ang mga tao sa paligid.  "Oh I'm sorry, mukha na ba akong director?" natatawang sabi ni Cess. "Be ready, we'll start to shoot the next scenes in a few." sabi niya habang papalayo muli sa amin at nagsibalikan na rin ang mga staff sa kanilang mga gawain.

"I'll just get ready Love..." mahinang paalam ni Rhian sa akin.

"Don't be too obvious..."habol ni Anna.Lumingon si Rhian at humakbang pabalik. "...that you're in love." dugtong niya.

"Then don't be too obvious too..." balik ni Rhi kay Anna "...that you're bitter." saka muling tumalikod at humakbang ng palayo.

"Pakiusap Anna, andito tayo para magtrabaho." mahina kong sabi kay Anna.

"Then do your job well, Cha. Hindi yong hanggang dito naglalandian kayo." inis niyang sabi.

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon