32 - The Family (Bonus Chapter)

10.9K 403 108
                                    

Glaiza

"Nay, huwag ka muna po papasok sa bahay sabi ni Mama kasi may tigre." harang ng anak ko pagdating ko sa harap ng aming bahay.

"Tigre?" takang tanong ko. "Anong tigre, Anak?"

"Hindi ko po alam sabi ni Mama salubong daw po kita at huwag papasok muna kasi baka makawala daw tigre." ulit ng panganay ko. Matagal ako nag isip, saka ako natigilan at muling hinarap ang anak ko.

"Anak, asan si Ate Patricia mo. Bakit hindi pa kayo pumapasok, tanghali na oh?" tanong ko habang tingin tingin ako sa relo ko.

"Andon po kasama ni Mama sa loob, wala daw pasok po ngayon si Ate" nakapamewang pa na sagot sa akin ng tatlong taon kong anak. "Bakit kasi ngayon ikaw lang Nay, sabi ni Mama hintayin ka namin nong gabi pero hindi ka naman nagdating, nakatulog na nga kami ni Ate Tricia eh. Hindi na po siya nag uwi kagabi sabi ni Nanay Tina para daw po kasama ko." Sermon at paliwanag ng aking panganay. Deretso na siyang magsalita kahit hindi ganon minsan kalinaw, ngunit makulit at matalino. Hindi agad ako nakaimik sa tinuran niya. Kagabi pa nga ako hinihintay ng pamilya ko. Alam kong galit si Rhian dahil hindi na siya sumasagot sa mga tawag at mga text ko.

"Nay, hindi muna ako sama kay Ate Tricia sa school kasi iyak sa gabi si Mama. Lonely siya. Stay lang ako sa kanya." muling sambit ni Denden. Sinunod sa pangalan ni Rhian, Glenn Denise.

"Bakit umiiyak si Mama?" tanong ko habang pareho na kaming nakaupo sa labas, sa may damuhan. Maganda at mahusay ang pagakaka landscape ng paligid kaya madalas nasa labas kaming pamilya. May upuan sa gilid at gitna ng maluwang na paligid ngunit mas pinili naman ng anak kong umupo ngayon sa tabing daanan ng sasakyan.

"Love mo si Mama, Nay?" sagot tanong niya. Nagulat ako.

"Oo naman Anak, mahal na mahal ko si Mama mo. Tulad ng pagmamahal ko sa'yo. Bakit mo natanong yan?" balik kong tanong.
Hindi siya umimik pero tiningnan niya lang ako.

"Kita ka po namin sa tv, Nay. Ganda mo po." Ngiting puri sa akin ng aking anak. Napangiti ako. Saka ko naalala ang okasyon kahapon. Oo nga pala SONA kahapon. Bakit ako nasa TV? Dahil isa ako sa mga Kongresista sa isa sa mga distrito ng probinsiya namin.

Ilang taon na ba ang nakalipas mula ng ikasal kami ni Rhian? Limang taon na, unang taon ng siya'y umamin sa publiko ay tulad ng inaasahan ako ang naging tampulan ng mga usap usapan na maaring sumira sa career ni Rhian.Hindi madali, unti unti ay naging maayos din ang lahat para sa kanyang career. Hindi man katulad ng dati ang takbo ng kanyang career ay masaya na siya dahil sa oras na nailalaan niya sa akin. Andon man ang kanyang mga tagahanga ngunit ang mga proyekto ay hindi naging katulad ng dati. Ngunit maluwag niya yong tinanggap, walang bakas ng pagsisisi sa kanyang mukha. Patunay yon ay ng banggitin niya isang gabi ang bagay na lubhang nagpabigla sa akin ngunit lubos kong ikinatuwa:

"Love, do you want us to have kids?"

"Oo Mk, gusto. P-pero kung ayaw mo, nauunawaan---"

"I want to have kids, too." Walang sisidlan ang aking kaligayahan sa tinuran niyang yon.

"Maari bang ikaw ang magdala, Mk? Kung gusto mo lang naman."

"I loved to, Love. Of course I want to carry your baby, our babies."

"Babies? Sigurado ka Mk, higit sa isa ang gusto mong anak?"

"Yes. Why? Ikaw ba, how many do you want?"

"Marami kasi kami sa pamilya, Mk---"

"Oh no! Love! Not that many!"

"Haha! Hindi naman Mk, siguro mga tatlo o apat?"

"Are you serious, Glai?"

"Oo Mk, kaya ba? "

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon