XVII: Hidden

44 11 0
                                    

Dannica's PoV

7:30 a.m. Thursday

"Time's up." sabi ko sa mic na automatic na iniiba ang aking boses. Sorry Maika. Kailangan ko nang gawin ito. Para sa buhay ko. Para sa kaligtasan ko. At ni Ryan.


3:12 a.m. Thursday. After the Saint Ophiuchus Hospital Massacre.

Madaling araw na pero gising ako at kailangan magbantay sa iniingatang basement ni Eskar. Nakatingin lang ako ngayon sa mga katawang nabubulok, buti nasisikmura ko lahat ng ito.

Naitali ko na rin si Cedric sa kanyang upuan at ngayon tumba pa rin dahil sa pampatulog na binigay namin.

At buti napigilan ko ang pagtakas ni Faith. May balak pa siyang pakawalan si Cedric. Not on my watch.

Naisipan kong sumilip sa kwarto kung nasaan si Faith. Tulog siya. Pinagmasdan ko siya at grabe na ang sinapit niya. Paano niya nakayanan ang lahat ng iyan?



Napansin ko ang kurtina na nagtatakip sa corkboard, nakabukas ito ng kaunti. Hinawi ko ang kurtina at bumungad sa akin ang iba't-ibang litrato naming magkakaklase. Lahat ng napatay na ay may ekis sa kanilang litrato.

Napansin ng mata ko ang isang litrato nila ng kuya ni Eskar. Si Felix. Ang saya pa nila. Kung sana naiwasan lang ang nangyari, dalawang taon ang nakakalipas.


"I'll get that revenge and justice you never sought!" ang nakasulat sa litrato.

Napansin ko rin ang tatlong litrato na dikit-dikit. Class picture namin noong Grade 8, isang babaeng naka-hood at mga taong nag-uusap.


Ang litrato ng dalawang nag-uusap ay halatang kinuhanan ng patago. Medyo namumukhaan ko sila pero malabo pa.

"Ikaw pala Dannica." salita ng nasa likuran ko.

Tumalikod ako at hinarap siya. "Oo, ako nga." sabi ko sabay ngiti. "May balak ka na naman bang tumakas?"

"Bakit ka nagkaganyan? Bakit mo siya tinutulungan?!" sunod-sunod na tanong ni Faith.

"Alam kong kaya niya akong tulungan. Kaya niya akong i-ganti kay Cedric. Siya lang naman ang may kasalanan kung bakit ako nakababoy! Kung bakit ako nawala sa isip, nabaliw!" Inilabas ko na ang aking nararamdaman.

"Ikaw may gusto niyan, hindi na kita mapipigilan. Pero Dannica tandaan mo, ang mamamatay tao ay walang inaawaan." babala niya.

"Wag kang mag-alala, may awa pa ako. Kung sana pinatay na kita ngayon." pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi ikaw ang tinutukoy ko. Siya." seryoso niyang sabi.


Tinalikuran ko nalang siya at lumabas na sa kwarto. Nilock ko ito at naglakad-lakad. Ano kaya ang ibig-sabihin ni Faith?

Sa kakaisip ko ng sinabi ni Faith ay napadpad ako kung saan mang lugar ng basement. Ang laki masyado ng basement kaya di ko na alam kung nasaan ako.


May nakita akong kakaibang kwarto pero may passcode.

"Ano ito?" Merong sign na sobrang alikabok. "Matagal na sigurong hindi nagagamit."

"Fragmented Memories." ang nakasulat.

Gustong-gusto ko malaman kung ano ang nasa loob. Puno rin ng alikabok ang passcode kaya hinipan ko ito. Lumitaw ang mga numero. "Sinasabi ko na nga ba." May mga mantsa ng dugo.

Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon