"Yung feeling na personalan kang nag tapat ng feelings mo sa crush mo pero sinabi niyang normal lang 'yong may magkagusto sakanya. Bakit ba kasi ang gwapo ng crush ko to the hell na napakamanhid niya? 'Tsaka kapag tinanong ako kung nakapag move-on na ako sakanya, umu-oo agad ako pero alam ko sa sarili kong hindi pa. Shit lang diba?"~First hugot ng author niyong pinaasa! Joke. Pero totoo. Shh lang kayo!
A/N: Comment down if you are one of naging victim ng pinaasa.
-
Chapter 10: Too fucking short!
"Salamat sa paghatid. Akin na ang susi. Uutusan ko nalang si guard na ipasok sa loob ang sasakyan." Sabi ko sakanya matapos magpasalamat sa paghatid.
Binigay nito saakin ang susi. "No problem. Sleep well. Don't forget to dream of me.. Naked." Sabi niya saakin habang parang asong ngumingisi.
Sinapak ko agad siya sa braso at ngumuso ako. "Bastos!" Tsaka tinulak palabas ng gate.
Tumawa lamang ito. "Stop pouting. Your seducing me to kiss you." Ani nito habang tinutulak ko.
Nanlaki ka agad ang mata ko. "Anong seducing ka jan! Ang daldal mo! Umalis ka na nga! Chupi!" Taboy ko sakanya.
He let out a sexy laugh. "Yeah. Matagal ko ng alam na gwapo ako." Panghahambog nito saakin. Akala mo kung sinong gwapo, pero oo, aaminin ko ang gwapo mo nga kaso ang sungit mo at napaka bipolar na tao. Hayst! Hanep ka rin eh! Yan tuloy... Your making me feel something unexplainable.
"Don't forget to accept me, 'kay?" Pagkasabi niya 'non ay sumakay na siya sa ducati niya.
Nang hindi ko na siya natatanaw sakay ng ducati niya ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap si manang.
"Manang Kelly, andito na po ako!" Sigaw ko para marinig niya kung nasa basement man siya naglalaba.
"Oh, hija, kumusta ang klase?" Nag mano ako sakanya at ibinigay sakanya ang susi ng sasakyan namin.
Nakangiti ako habang binibigay ang susi sakanya. Wala lang, ewan pero mukhang masaya kasi ako ngayon.
"Ba't parang ang saya mo ngayon Faye hija?" Tanong ni manang saakin ng napansin ang ngiti kong abot tenga.
"Wala naman po. Hindi ba pwedeng good mood lang?" Tanong ko pabalik.
Tumawa si Manang. "Hay nako, ikaw talagang bata ka! 'Nga pala. Si Godwin hinatid ka ba niya dito?" Tanong ni manang.
Tumango ako. "Ah, manang. Maliligo muna ako kasi dadalo ako mamaya sa birthday celebration ni Sean." Aniko.
"Ay jusko. Oo nga pala't kaarawan ng batang iyon. Kanina kasi napadaan ako sa isang tindahan tapos bigla akong napaisip ng makita yung sports car na laruan. Birthday niya pala kaya naaalala ko na naman yung paboritong laruan niya. 15 years old palang yon. Hay ang bilis ng panahon." Kuwento ni manang saakin.
Napaisip ako bigla, oo nga ano? Teen ager na 'non si Sean. Pero gustong gusto niya talaga ang sports car na laruan kaso hindi siya binilihan kasi ang tanda na niya daw para doon.
"Eto, buti at nabili ko itong laruan na 'to. Ibigay mo yan sakanya at para maalala niya ang kabataan niya." Tumawa si manang at ibinigay saakin ang isang malaking box na ang nasa loob ay ang laruan na yon.
"Sige po."
Pagkapasok ko sa aking kwarto hindi parin mawala sa aking isipan ang nangyari kanina.
"Ni hindi mo man lang ako inaccept sa facebook. Why so snob?" Sabi sakin ni Godwin.
Talaga? Inadd niya ako? Hindi ko 'yon na pansin ah?
YOU ARE READING
Forever Yours
RomantikThis story contains a lot of grammatical errors. But if you insisted reading even there's a lot of wrongs or errors you called well, thank you. I appreciate your kindness. By the way, sa mga nagtatanong kung bakit wala akong prolouge. Nakagawa na k...