ONE LAST TEXT (chapter-6)

137 12 9
                                    

Kriiing! Kriiiing!
Kriiing! Kriiiing!

Nakakainis naman yung alarm ko, inaantok pa ako. Pinatay ko muna yung alarm ko at tumulog ulit, maya maya nagising ulit ako at pagtingin ko sa orasan ko 15minutes nalang klase na namin. Dali dali akong bumangon at nataranta, agad kong kinuha yung tuwalya at mga susuotin ko para sa swelahan. Nagdadalawang isip pa akong ibuhos yung tubig sa tabo sa katawan ko dahil napaka lamig pero no choice na ko kaya binuhos ko bigla. Tumalon talon ako sa sobrang lamig at biglang nadulas ako. Natatawa nalang ako sa sarili ko kasi para akong baliw na nakawala sa selda sa patalon talon. Ang sakit ng pwet ko at sigurado akong mamamaga to pero di ko nalang pinansin kasi malalate nako.

Konte lang yung kinain ko at kinuha ko nalang kaagad yung bag ko at tumakbo papalabas ng bahay.

Sakto lang yung dating ko kakapasok lang ng teacher namin kaya hindi nako kinabahan.

"Please copy the whitings on the board, kung walang kopya absent." -ma'am

Nawawala yung science notebook ko at natataranta ako kung nasan ko iniwan. Nagmamadali panaman ako para makapasok sa first subject tapos absent pa ako, napakalaking katangahan.

"Baks, nakita mo ba yung notebook ko?" -me

"Wala, yan kasi inuuna pa yung paglalandi kaysa sa pag-aaral, pinapairal mo talaga yung katangahan mo" -bern

Si bern, ang bago sa barkada namin transferee sya. Mayaman, kalog at walang hiya kaya pinasok namin sya sa grupo namin, wag kayong umasang gwapo kasi bakla sya as in baklang walang hiya. Haha

"Tinanong kulang kung nakita mo yung notebook ko para na kong nagsimba sa mga sinabi mo sakin." -me

"Tanga kananga sa pag-ibig tanga kapa sa mga gamit mo! Kaloka ka." -bern

Hinanap ng hinanap ko yung notebook ko at naalala ko na naiwan ko sa plaza kahapon kaya tumakbo ako papuntang plaza. Malapit lang yung swelahan namin sa plasa, Ilang minuto nalang at patapos na si ma'am pero nga nga! Wala na don yung notebook ko.
Badtrip nanaman ang lola nyo kaya bumalik nako kaagad sa klase namin.

"Jam ito yung notebook mo akita ko dito sa upuan ko" -clxmate

"Uyyyy. salamat talaga." -me

Napaisip nalang ako kung bakit doon napunta yung notebook ko at yung nakakapanghinayang pa may copy na ako ng lecture namin, nagsusulat palang si ma'am pero sa notebook ko tapos na ako. May biglang nalaglag na sulat sa notebook ko.

Jam, pinakopya ko yan sa kaklase mo. Naiwan mo yan sa plaza kaya kinuha ko.

Sino nanaman kaya yung gumawa nito. Hindi manlang ako makapagpasalamat, marami nasya ginawa sakin. Haha. Pero bahala siya kung yun yung gusto nya wala nakong magagawa.

"Uy bakla, dyan kanalang sa stalker mo kaysa dun sa camille mo,"-bern

"ayoko nga, sya lang yung gusto ko at wala nang iba okay.?"-me

" jam, makilig ka sakin may iba nang gusto si camille may boyfriend na saya as in boyfriend jam. Huli kana kasi ang hina hina mo."-bern

Nanahimik ako nang narinig ko yung mga sinabi ni bern, di talaga ako makapaniwalang may bf na si camille,
umasa nanaman ako sa wala. Sabagay masyado akong nag expect kaya nasasaktan ako ng ganito.

Matamlay akong umuwi ng bahay galing sa skwelahan, gusto kong ibuhos yung mga luha ko kaso para sa ano pa?
Sinuntok at sinampal sampal ko yung sarili ko baka panaginip lang lahat ng to kaso pinapairal kunanaman yung katangahan ko kaya sakit lang yung nadanas ko.

Hindi ako kumain ng hapunan at dumiretso agad ako sa kwarto ko, pinatugtug ko yung paborito kong musika at bigla nalang tumulo yung luha ko. Naalala ko noon nung sinabi nyang wala daw kaming iwanan pero ano? Iniwan na nya ako! Ang tanga ko naman kasi ang tanga tanga ko. Siguro kaibigan lang talaga yung tingin nya sakin.

****

Mabuti pa ang walang muwang na sanggol ay may darwinian reflexis yung alam nilang kung pano kumapit, hindi gaya nya bumitaw nanga nagawa pa akong ipagpakit.
Mabuti pa ang one plus one ay may equal na two, hindi gaya natin na ako nalang at wala ng "tayo" pero ang mas masakit naging kmi ba? Wala! Walang kami!

Napakadrama ko talaga nung gabing iyon. Nakakabuwisit lang kasi di nya alam na nasasaktan na pala ako, ako na yata ang pinakatangang tao sa buong mundo.

Kinaumagahan sabay kaming pumunta ni toni sa skwelahan,
Kinamusta ko sya.

"Toni, musta na?" -me

"Okay lang yung." -toni

"Yung iba ba nating barkada kamusta na.?"-me

" okay lang yung iba pero si july palaging absent sa klase." -toni

"Oh. Bakit? Alam mo ba kung san sya pumupunta?" -me

"Hindi eh, pagsabihan dapat natin sya pag nakita natin, nag aalala narin kami sa kanya eh." -toni

"Barkada tayo dapat magturingan tayo sa ikabubuti ng bawat isa, okay?"-me

Pumasok nako sa room namin, iba iba kasing section yung naming magbarkada kaya minsan lang kami nagkikita. Pinagsasabi ko kung ano yung pinanggagagawa ni july at lahat ng kaibigan ko uminit talaga yung ulo sa mga nalaman. Nag promise kasi kami na bawal mag bulakbol at dapat mag aral ng mabuti kaya ganon yung galit ng kaibigan ko.

****
Habang papauwi ako ng bahay nakita ko si july.

" july, ano bang nangyaru sayo bakit di kana pumupunta ng klase."-me

"Bukas papasok maguusap tayo jam, importente talaga" -july

"Oh sige basta pumasok ka ha nag aalala na kami sayo." -me

Kinabukasan nag kita kami ni july sa school. Pumunta kami sa CR para sabihin sakin kung ano yung nangyayari sa kanya. At may lihim syan tinatago saamin.

****
Ano kaya yung yung importanteng sasabihin ni july kay jam?
Next chapter abangan nyo yung POV ni july.

****
Thanks for reading guix. Don't
Forget to hit vote after you read nageffort naman ako kahit papaano. Salamat ulit abangan nyo nalang yung next chapter. Thanks.

ONE LAST TEXT   (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon