Alam ko naman ang magiging trabaho ko once na dumating ako sa Reachest International School. Alam ko na kaylangan kong sundin at asiksuhin ang pito kong alaga.
Pero iba ang tingin kong madadatnan ko."Bro, sino sya?"
Mukhang napasobra ata ako sa suot ko. Para kasi akong naging instant celebrity sa mga tingin ng mga taong nakapaligid samin pagka baba ko palang ng sasakyan.
"Si Riley."
Nginitian ko ang mga kaybigan ni Galen. Mga gwapo sila pero di kagaya ng mga mukha ng mag kakapatid.
"Girlfriend mo?"
Hindi ko naiwasang mapatingin kay Galen kung ano ang sasabihin nya.
"P.A namin sya."
Napalingon ako sa likod at nakita ko si Alexus at ang iba pang mag kakapatid. Suot suot ang kanilang uniform at talagang pinag kaguluhan sila. Masama ang tingin sakin ni Alexus, si Zac naman kumindat sakin, si Bryon... Wala si Bryon. Baka may pinuntahan. Si jaythan agad lumapit sakin at kinurot ang pisngi ko.
Hindi ko kaagad napansin si Daemon at Vicku.Hindi hanggang sa napansin ko ang grupo ng mga babaeng parang mga reporter na may sinusundan.
"Bonsai. Ikaw pala."
Nakilala ko kaagad kung sino ang lumitaw mula sa kumpol ng mga tao.
Mag kasama si Daemon at Vicku.
Mayabang ang itsura ni Daemon habang nakatayo sa harapan ko.
Pero si Vicku hindi talaga ako pinansin."Sinama ko na sya. Mahirap kasing umasa sa kung kani kanino pag dating sa mga kaylangan natin."
Hindi ko alam kung may pakialam ba ang mga babaeng nasa paligid sa sinabi ni Galen. Basta napapansin ko lang hindi matanggal ang mga tingin ng mga ito sa kanila.
Nag expect ako na kabilang sila sa mga mayayaman at gwapo sa RIS. Pero hindi ko inakala na sila pala ang pinaka ggwapo sa lahat.
At ang galing.
Ilang minuto ang dumaan natapos na ang setup ng lightings at background para sa photoshoot nila. Sinimulan ng ayusan ang mag kakapatid. Dumating na rin si Bryon na dumaan mula sa likod ko."Bryon!"
Kumaway ako sa kanya na para bang namalikmata at agad ako muling nilapitan at tinignan ng diretso.
"Kilala ba kita?"
Hindi ko napigilang hampasin si bryon sa braso at tumawa.
"Ano ka ba? Si Riley 'to! Haha"
pero mas nauna pang mag react ang mga tao sa paligid bago ako nakilala ni Bryon.
"Ah. Oo ikaw nga."
Actually nag aabang ako na tanungin nya ako kung bakit ako nandito pero hindi, yun lang ang sinabi nya at muli ng lumakad at sinalubong ng isang makeup artist.
Hindi ko alam kung ano bang maitutulong ko ngayon sa kanila. Parang lahat naman kasi ng kaylangan nila kayang asikasuhin nung mga make up artist.
Nag lakad lakad ako at pasimple akong ngumingiti sa mga taong nasa paligid.
Pero imbis na ngumiti sila lumalayo sila.
Parehong pareho nung pito. So dito pala sila natuto ng ganun, yung mag paka alien sa maliliit na bagay.Napansin ko si Vicku na nag aantay lang na tawagin sya ng photographer. Nauna ng kuhaan si Jaythan at Galen. Si Alexus at Bryon ang susunod.
"Hi Vicku."
Pasimple akong umupo sa upuan na katabi ng inuupuan nya.
"Hi."
Lumingon lang sya sakin sandi at saka muling tumingin sa malayo.
Bakit napaka hirap nyang pangitiin?
Pakiramdam ko ang awkward habang katabi ko sa ng upuan. Pero ako lang ata ang nakakaramdam ng pagka awkward sa kanya. Hello? Wala namang spark diba? Paanong mafe-feeling awkward din sya?"Gusto mo ng tubig?"
Saka ako dali daling kumuha sa Lamesa ng bottled water na nakalagay sa maliit na cooler. Iniabot ko ito sa kanya na tumingin lang sa akin saka umiling.
Mejo napahiya ako sa nangyari. Kahit na wala syang sinabi ramdam ko sa expression nya na hindi sya interesado sa alok ko.
Muli kong ibinalik ang bottled water sa cooler at tahimik na naupo sa upuan malapit sa kanya.
Gustong gusto ko syang kausapin.
Sa lahat ng ginawa nya, hindi ko pa nagawang mag pasalamat. Pero paano ko yun gahawin kung panay ang layo nya sakin."Babe."
Agad akong napalingon sa gilid ko ng may marinig akong boses na pamilyar. Pati na ang kalandian nya ay kilalang kilala ko; si Zac. Nakangiti sya sakin habang nakabukas ang dalawang butones ng school uniform nya at palapit sakin.
"Babe?"
FYI. Hindi ko sya crush para kakiligan ko.
"Oo, si Babe. Yung baboy."
Nakakaisa kana sakin Zac. Tawagin mo ulit ako nyan matutulog ka sa kamang punong puno ng ipis mamaya. Makikipag kontrata na ako sa pangulo ng mga ipis sa bahay na sugurin ka ng ipis army ng alas dose ng gabi. Anyway.
Tinarayan ko lang sya saka ako muling lumingon sa direksyon ng upuan ni Vicku pero nawala sya!
Lumingat lingat ako pero wala!"Babe."
Naramdaman ko ang kamay ni Zac sa braso ko.
"Ano ba? May iuutos ka ba?"
Pinipilit kong hinaan ang boses ko kahit na gusto ko na syang sigawan. Lalo na pag lumilingon ako at nag bbeautyfull eyes lang naman sya. Naupo sya sa kanina lang na inupuan ni Vicku at tumingin ng diretso sakin.
"Ano? Hindi ko nababasa yang isip mo."
Hindi ako gaya ng mga babaeng mabilis mabasa ang iniisip ng tao lalo na pag tamang hinala sila especially sa mga jowa nila.
"Nako. Wag mo ng basahin. Marami kang mababasang R18 sa utak ko."
Pag mamayabang nya pa. Nakakatuwa ba yun?
Nakakadiri yun! Kumindat pa sya sakin.
Nakatingin parin sya sakin na para bang nag aantay na gawin ko ang iniisip nya."Ano nga?"
Nag beautiful eyes pa sya sakin. Lumingon ako sa mga tao sa paligid na nakatingin lahat samin. Parang natatabunan na ako ng pang babash sa mga isip nila.
"Pwede bang pag nag pa photoshoot na 'ko, kasama kita?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano bang nasa isip ng lalaking ito at nag fflying kiss pa sa mga babaeng nakapaligid samin at kinikilig naman.
"Anong sinasabi mo jan?"
Narinig ko nalang si Galen habang paparating kasama si Jaythan na nauna ng lumakad at dumila sakin.
"Gusto ko kasing mag karoon ng picture kasama 'tong maganda nating P.A."
Gaya nga ng sabi ni Aling perla noon. Napaka playboy nga talaga nitong si Zac.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romansa#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...