Royal Academy: 5

220 17 21
                                    

Chapter 5: Doppelganger

MIGRID'S POINT OF VIEW

Nasa kalagitnaaan na ako nang paglalakad papunta sa kwarto ko. Ang weird talaga ni Julian. Tsk.

Kakatok pa sana ako sa kwarto nya, tutal nadaanan ko na rin naman, kaso parang nahiya din ako. Baka tulog na yung tao.

Pilitin ko mang maka tulog, hindi ko pa rin makalimutan si Julian. Uy, wag kayong malisyoso. Diba nga yung kanina. Weird.

Di talaga ako makatulog. Kaya nag browse na lang ako nang mga bagong story sa Wattpad. Favorite author ko si yoyogamer_. Ang astig kasi nang mga story nya.

Nag discover ako nang mga story sa fantasy section. Ang gaganda nga nang mga story. Pero isa lang ang naka pukaw nang pansin ko.

The Doppleganger written by ****.

Interesting!

Kaagad ko itong pinindot at in-add sa library ko. Binasa ko ang plot story or yung description nang story.

In the world full of lie, hurt, disapointment and dismay...
**
There would be a person who will guard you..

But how can you sure it is a person? Or maybe a ghost?

Or maybe the doppleganger.
**

Doppleganger. Unfamiliar. Naisipan kong tumigil na at matuloy dahil dinatnan na rin ako nang antok. Bukas ko na ipagpapatuloy.

I stood up and yawned. Hindi ako katulad nung isang beses na masyadong excited pumasok. Kasi, medyo na wei-weirdan din ako. Nakaka kilabot talaga si Julian kagabi. Anu kayang nangyari sa kanya?

Nakarinig ako nang footsteps sa labas nang room ko. Naghilamos muna ako sandali at sinilip kung sino ang nasa labas.

Naakarinig pa ako nang ilan pang hakbang bago ko buksan ang pinto. 

"Ah.. SHIT!!"

Sa sobrang gulat ko, parang pati yung nasa labas, nagulat rin. 

"Paumanhin kung nagulat namin kayo. Pabales."

Sa sobrang lakas nang pagka sigaw ko kanina, parang nagising ko na yung ibang studyante dito sa dorm. 

"Okay lang po. Ang hindi nga lang po okay.. yung kasama ko. Hehe." sabi ko.

Magsasalita pa sana ako nang may nag pop. 

Isang ermitanyo may balbas na kasing haba nang buhok ni Rapunzel. Pero syempre charot lang yun.

WAIT-- Parang natatandaan ko yung pagmumukha nitong ermitanyo na 'to.

10..

30..

50..

70..

99..

100!!!!

NATATANDAAN KONA!!! Sa papunta namin dito sa Royal Academy!! Yung nagturo sa amin nang daan.. Wait. OO nga no. Yung tula na sinabi nya sa amin. May kaugnayan sa nangyari sa amin. 

Una. 

Buhay na nagbunga sa lugar na may araw.

Kumuha ako nang compas. Tapos ang tinuro nito ang lugar na kung saan nagbunga ang buhay nang araw. Sa East. Kaya ayun. Doon kami, nagpunta.

Katapusan nito'y katapusan din nang araw.

Habang naglalakad kami sa direksyong east, dahan-dahang magtu-turn sa west. At iyon ang katapusan nang araw. Kung saan lumulubog ang araw.  

Kung sakaling kayo'y mapagod, malito at matuliro,

Nung naglalakad kami, medyo nalilito kami. Kasi feeling ko, nakarating na kami. Kaya nabitawan ko yung compas. At pinulot ko to. Nagka awkward moment pa nga kami ni Julian eh.

Tayo sa itaas. Bababa ang paningin nyo.

Yung moment na pagkatapos nung awkward moment, pagtayo namin, nakita na namin yung RA.

Naglalakad kami, oo kasama ko si lolo Garde, ang matandang tumulong sa amin. Papunta ako sa cafeteria. Wala kaming stock nang pagkain na iluluto. Kaya kukuha muna ako. Kasama ko si Lolo Garde.

"Nagsisimula na ba?" Tanong ni lolo Garde.

"Ang alin ho? Ang klase ko po? Ah. Hindi pa po. Half day lang po kami ngayon kasi may seminar ang lahat nang teacher." Sabi ko.

"Hindi." Maikling sagot nito.

"Ang alin ho ang nagsisimula?" Tanong ko, nakakunot ang noo.

"Ang mga weirdo na pangyayari dito sa RA?" Tanong nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Paanong?

Sasabihin ko na ba?

Hindi muna ako sumagot sa tanong nya. Bagkos, nagkwento n lang ako nung pagkatapos nya kaming iwan sa kagubatan habang naghahanap sa RA.

Nang nakabili na ako, pinaupo ko muna si Lolo Garde sa sofa. Sinilip ko si Julian na tulog mantika pa rin.

"Teka lang, lolo Garde. I-aayos ko lang po yung gamit namin." Sabi ko kay Lolo Garde. Tumango na lang ito at naghintay.

Naaalala ko si Lolo Ferer, ang tunay na lolo ko, kay lolo Garde. Uugod-ugod rin ito, pero may kabaitan pa rim sa puso nito. Naaalala ko pa nung bata pa ako, nung mga panahong kailangan umalis nila mama papuntang Dubai para mag abroad. Si Lolo Ferer ang nag aalaga sa akin. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko tuwing pinapagalitan ako ni Lolo. Kasi, mahal mahal ko sya. At ayaw ko na mawala sya sa akin. Na hangga't maaari, aalagaan ko sya sa lahat nang makakaya ko. Pero, sa kasamaang palad, namatay sya. Nawala sya sa piling ko. Kinuha sya ni Lord. At ang mas masakit pa nito, ang hindi namin magandang pag uusap noon, ay syang huling pagkikita namin.

"Lolo Garde. Tara na?" Sabi ko. Tumango ito at inalalayan ko sa pagtayo.

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa garden. Umupo si Lolo Garde. Habang ako kay nagmumuni-muni kahit na mainit dito sa garden. May shed naman. Kaya di kami masyadong naiinitan. Uupo na sana ako nang may maka pukaw nang pansin ko.

"Julian!!"

Nilingon nya ako. Pumunta sya sa direksyon namin.

"Bakit, Migrid?

Royal Academy: Earth VS. Fire  (On Going)Where stories live. Discover now