Prologue

269 0 0
                                    

Ako si Joseph. Isa akong researcher. Lumaki ako sa isang masayang pamilya, kumakain kami ng limang beses sa isang araw, may isang kotse, halos wala ka ng mahihingi pa. Simula pa lang nung elementary ako, sa isang private school na ko nag-aaral. Kakatapos ko lang sa masteral ko salamat sa ladderized program ng school namin.

Tahimik at maayos ang kinalakihan kong mundo, pero ngayon, hindi na. Iba na ang takbo ng mundo. Kaya nga naisipan kong gawin ang isang social experiment, para malaman kung may pag-asa pa nga ang pagbabago.

Sisimulan ko sa mga taong grasa. Halos naging parte na sila ng imahe ng bansa na to. Hindi na kakaiba ang ganitong tanawin. Matatagpuan na rin natin sila halos sa bawat sulok, bawat kalsada, bawat eskinita. Ano nga bang dahilan kung bakit sila nandyan? Pa'no nga ba sila matutulungan ng gobyerno? Tama nga ba na sa gobyerno lang tayo umasa? 

Kaya nga ba silang tulungan? Ano bang pwede nating itulong? Nila, hindi natin. Ikaw, hindi iba. Ano nga bang natin? Ano nga bang nagawa ko?

IKAW...

Anong nagawa mo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Social Experiment: Ang Kwento ng Taong GrasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon