LOCKER (One Shot Story)

924 37 16
                                    

LOCKER

by: symphRain


 A/N: After you read, don't forget to vote and comment. :)


Babala: Ang storyang ito ay corny. Kaya kung ayaw niyo ng corny eh wag niyo nang basahin 'to. :3

Thank you.


***************


Dear Sakura Love,


    How are you doing this morning? Kung badtrip ka, okay lang 'yan. Mahihimasamasan ka rin mamaya. Kung maganda naman ang mood mo, eh di masaya! Masaya kasi ako pag masaya ka. Ngiti ka lang ha? Mas lalo ka kasing gumaganda sa paningin ko kapag ganun.

    Have a nice day My love! My Cherry Blossom! My Sakura! My one and only!

    Lub dub.. Lub dub.. Lub dub.. Puso ko yun, tumitibok para sa'yo.

                                                                         Lovingly yours,

                                                                         Sasuke


***************


>\\\\\\\\\\\\\\\\<


Itong Sasukeng ito talaga oh! Sa lahat ng umagang ginawa ng Diyos ay hindi n'ya talaga nakakalimutang bigyan ako ng sulat with matching flowers pa. Hanep din ang isang 'to, pano n'ya kaya nabubuksan ang locker ko? Magnanakaw ba s'ya at alam n'ya kung papaano mambukas ng kandado ng walang gamit na susi?


Hehehe pero hindi naman siguro s'ya magnanakaw, wala namang nawawalang gamit sa'kin eh. Kahit nga may pera akong nilalagay dito sa locker ko, hindi nawawala. Feeling ko, mabait talaga itong si Sasuke na secret lover ko raw.


Pero nyay.. Sabi nila kapag daw mabait, pangit. At alam n'yo, naniniwala ako ro'n. Yun din masasabi ko kapag nandito ako sa university namin.


Dito kasi sa university namin na located in a faraway land, yung magbabait kasi rito eh hindi talaga kagwapuhan. Ewan ko ba kung ba't ganito rito. Tapos yung mga yummylicious papas naman eh mga suplado, masusungit, may ilan pa nga na parang galit sa mundo, playboy pa ang iba. Basta, hindi sila nice.


Ewan ko sa kanilang mga gwafow talaga. Wala tuloy akong bet sa kanila, sayang, maganda pa naman ako. Hahaha chuz! Ang feeling ko ba?


Anyways, magrereply muna ako sa aking secret love umano na si sasuke na ako ang kanyang sakura. Ayieeee.. Kinilig naman ako sa mga sinusulat n'ya sa'kin. He's so cheezy. Napapangiti n'ya ako sa mga banat n'ya. Tapos napapangiti n'ya rin talaga ako sa Sasuke at Sakura thingy.. kasi fav ko silang anime loveteam eh.


Hahay. Sino kaya talaga si Sasuke ano? What is his real name? What does he look? I wonder to the highest point of wondering talaga. Kung magpapakilala na s'ya sa'kin, I think we can be good friends. Lovers? Wala pa sa isip ko as of this point of my life ang magka-boyfriend. I'm focused in my studies. Charot!

LOCKER [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon