"Alyana, mukhang kanina ka pa tinitignan ni Marky ah?" Nakangising sabi sakin ni Clarice.
"Baka naman sa wakas ay nakita na yang kagandahan mo, Alyana! Malay mo, nahulog na sayo yan." dagdag ni Diana
"Naku, kung ano-ano ang pinagsasabi nyo dyan. Baka naman dahil dun sa post ni Clarice tungkol sakin yan! Kasi naman tong si Clarice kung ano-anong pinagpopost e. O kaya dahil siguro kasama natin tong si Rocelle!" sagot ko sa kanila
"Hoy Alyana, ginawa mo pa kong rason. Eh kanina ba yan napapair o natutukso?! Diba sayo? At di ka ba natutuwa, kasi ngayon tinitignan ka na nya. Malay mo nagustuhan ka na." sumbat ni Rocelle
"Oo natutuwa ako dahil sa wakas ay napapansin nako ng taong gusto ko" sabi ko sa isip isip ko.
"Tingin mo matutuwa nako kung tinitignan lang ako ni Marky?" sagot ko sa kanila
"Ay si Aly, masyadong demanding! Atleast nga diba tinitignan ka na nya? Gusto agad nito mas matindi pa sa pagtingin tingin e. Anong gusto mo? Halikan ka bigla ng di pa kayo ganoong kaclose? At di ka man lang ba kinikilig sa pagtingin tingin nya?" sabi ni Julie
"Slight? Siguro kung nagkiller smile yan habang nakatingin sakin e mamatay nako sa kilig. Pero tignan mo naman, parang wala lang. Malay ba natin kung ano talaga ang nasa isipan nyan." sagot ko.
Bigla namang dumating yung Prof namin sa English kaya nagsi ayos na kami at bumalik sa sarili naming upuan. Habang nagchecheck ng attendance ang Prof namin, magpapakilala muna ako.
Ako si Alyana Mae Lim. 16 years old, nag-aaral sa Royal University. BS Accountancy ang course, 1st year. Ako'y nagcecelebrate nang aking kaarawan tuwing September 16,1997. Makulit, maingay, sobrang hyper, masipag mag aral at maganda daw ang aking mga katangian. Ngayon naman ay ipapakilala ko ang aking mga kaibigan.
Clarice Concepcion. Maganda, masipag, matalino at sikat sa buong university. Sya lang naman ang tinatawag namin "Princess of the University". Noong una ang tingin ko kay Clarice ay isang spoiled, malditang tao. Ngunit, mali pala ako, sobrang bait nya sa mga tao, kahit di nya masyadong kaclose. Maingay din, ngunit sa magkakaibigan, ako ang pinakamaingay. Open sya sa mga problema, secrets nya pagdating sa aming magkakaibigan.
Julie Buenavista. Tahimik, masipag, maganda. Sobrang tahimik nyan tuwing may prof, ngunit pag kami nalang ang magkakasama, kasing level nya si Clarice sa pagkaingay.
Rocelle dela Rosa, pinakamaganda sa aming magkakaibigan. Sikat din sya sa university. Kahit sikat sya sa university, di nagbabago ang kanyang ugali. Mabait at friendly parin sya. Sya din ang pinakapalabiro sa aming magkakaibigan. Sya ang tinatawag na "Miss Perfect" sa university, dahil sa halos perfect na ang kanyang personality. Ngunit, sobrang daldal nya.
Diana Roque. Masasabi ko sa una na sya ang pinakamasungit at pranka sa aming magkakaibigan. Sya ay mabait, friendly, Open Book, di plastic at maganda.
Maria Almario. Sya ang pinakamagaling kumanta sa amin. Tinatawag na "University Idol" dahil sa ganda ng kanyang boses. Maganda, palabiro at makulit din sya. Sya yung taong nakikiride sa mga jokes at asaran.
Nang matapos nang magcheck ng attendance ang prof namin, agad syang nagdiscuss.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Author's note:
So yeah, sa chapter 1. More of introduction lang :) Sa chapter 2, dun nyo na makikilala si Marky at Joyce :)
-Taki