“Naunang umuwi si Brian?” utas ni lucy ng magising kami kinabukasan. Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay yumuko. Kinagat ko ang labi ko at binalingan ang nakatulalang si Lance.Wala syang ipinapakitang emosyon sakin.
“Wala bang nakapansin?” tanung ni Jeff. Umiling-iling ang iba.
“Brian, Propably.. hurt.” Sabi ni Julie.
“I can’t believe this! Kasalanan mo ‘to!” utas ni Joey saki pagkatapos ay nagwalk-out.
Umiling-iling ako. Mga bata palang sila nakatatak na sa pangalan nila ang bansag na ‘B4’. Magsasama na sila mula pagkabata. Pero dahil sakin.. Masisira lang un lahat.
“Bakit ngaun pa nangyari ‘to.” Bulong ko sa sarili ko. Umalis ako pagkatapos nun at pumasok muli sa kwarto. I ruin everything. Ung birthday ni Jeff. Ang masayang atmosphere, pati na ang B4. I ruin them.
Sinira kong lahat.
“Chris.” Napatigil ako ng madinig ang boses na yun, Agad akong lumingon at nakita si lance na nakasandal sa pinto. Nagiwas ako ng tingin, Hindi ko sya matignan sa mata.
“I-m sorry, Lance.” Bulong ko.
Naramdaman ko ang mga yabag nyang papalapit sakin. Yumuko ako pagkatapos ay pinunasan ang luhang dumadaloy sa mga mata ko.
“Wala kang kasalanan.” Aniya. Hinawakan nya ang balikat ko at iniharap sa kanya.
Umiling-iling ako. “Kasalanan ko, Dahil sakin. Hindi kana kasama sa B4.” Utas ko habang umiiyak.
Sya naman ang umiling. “Wala akong pakialam kung hindi na ako kabilang sa grupong iyon. I don’t care. What I care about is you..” Aniya.
Napatingin ako sa kanya dahil doon. “Lance, bakit ba.. napakabuti mo sakin, kahit pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo?” umiiyak na tanung ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon. “Bakit ba, mahal na mahal kita kahit kaybigan lang ang tingin mo sakin?” pagbabalik nya sa tanung ko.
Lalong lumakas ang pagiyak ko. Pinahid nyang luha ko pagkatapos ay ikinulong ang mukha ko gamit ang dalawa nyang palad.
“Wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga nangyayari, I don’t care about popularity, I don’t care of being part of that group. As long as your with me, Wala na akong ibang hihilingin pa. Your more than enough.” Nagkamot sya ng batok. “Kahit na sabihin pa ni brian na ibabalik nya ako sa B4 kapalit ka, Hindi padin ako papayag.” Pinisil nya ang kamay ko. “You’re the most important person in my life now.”
Bumyahe na din kami pauwi. Kumuha si Jeff ng driver dahil pagod na ang lahat, Umuwi na si Brian, pero hindi nya isinama si Joey kaya panay ang maktol nya. Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Tulog ang lahat maliban sakin. Gusto ko din sanang matulog pero hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
HumorSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...