Sa mundong ginagalawan natin kailan nga ba masasabing ayan na siya ? Siya na nga yun? May basehan ba .
Her POV
"Hays nakakabagot naman ngayon makapunta nga ng park." I'm a girl at Only child lang by the way pupunta pala ako ng park.
Habang papunta natanaw ko na may lalaking nakaupo sa may duyan na lagi kong pinupuwestahan. Nagtaka ako dahil tila ngayon ko lang siya nakita doon samantalang madalas ako sa lugar na iyon.
Pagdating ko naupo agad ako sa katabing duyan.Konting tingin tingin sa paligid , wala masyadong maingay sa paligid dahil iilan lamang ang mga batang naglalaro samantalang ang ilang mga yaya na kasama nila ay nagkwekwentuhan lamang. Nang manawa nako kakatingin sa paligid pasipa sipa naman ako sa damuhan ng paulit-ulit hanggang sa mapagod ako.
Nang biglang..
"Miss, Diba ikaw yung laging nakatambay dito?" Tanong ng lalaking katabi ko .
"Ah opo bakit?" Tanong ko ng may kuryosidad.
"Ah wala napapansin ko lang kasi---" di niya natapos sasabihin niya ng biglang hatakin siya ng isang bata.
Kung ako tatanungin gwapo siya,maputi na animo kutis mayaman,may hulma ang katawan na akala mo tambay sa gym sa kanto,mukhang may kaya este mayaman pala kitang kita naman kasi sa pananamit at aura niya. At higit sa lahat mukhang hindi uso ang salitang problema sakanya dahil sa awra na bumabalot sakanya ang awrang yun ay ang ang aliwas at saya niya tignan para bang siya na ang forev---.
*plok* nasapo ko nalang sarili kong noo sa naiisip ko .
Nawaglit ako sa pag-iisip ng biglang may nagsalita.
"Hi ate,Friend kaba ni Kuya G.?" Tanong nung bata na humatak dun sa lalaking katabi ko kanina.
"Kuya G.?" Tanong ko
"Opo, Kuya Gwapo ayun oh si Kuya Nej" sabay turo dun sa lalaking nakikipaglaro sa mga bata . Ah Nej pala pangalan nung lalaking katabi ko, weird ng name may lahi ba yun? Parang malabo naman ata.
"Anak,uwi na tayo" tawag nang isang babae sa batang kaharap ko na kumausap sakin, At napansin ko nalang umalis narin siya.
"Hey, Pasensiya na kinulit ka ba ni Ivan?" Nahihiya niyang tanong sakin so Ivan pala pangalan nung bata. Pero tanging iling lang ang sagot ko.
"Btw I'm Nej Stanley and you are?" Pagpapakilala nito sakin sabay abot ng kamay.
"Ahmm. Jennie Salvacion" sagot ko dito.
"Wow what a nice name" komento nito na may pagkangiti pa.
Dumaan ang oras nagkwentuhan pa kami nakumpirma ko nga na mayaman sila at may mga ari-arian pa sila. Tunay ngang nakakaangat sila.
"Sige paalam na at pagabi na rin." Banggit nito At tuluyan ng umalis.Tinignan ko na lamang ang kanyang pag-alis at umalis narin ako.
---------
His POV
Andito ako sa park ngayon dahil wala naman pasok.
Habang nasa duyan pinanunuod ko ang mga batang naglalaro ng biglang may tumabi sa katabing duyan.
Pamilyar siya . Yan ang pumasok sa isip ko kaya naman kinausap ko siya. Ngunit hinatak ako ni Ivan at nakipaglaro.
Nang makabalik ako di na ko nag-alinlangan na kilalanin siya.
Lumipas ang oras.
Antagal narin pala naming nagkwentuhan nalaman ko na hindi sila mayaman at hindi sila mahirap yung tipong nasa gitna lang. Sa public school din siya nag-aaral at driver ang papa niya samantalang ang mama niya ay nagtitinda sa Sari-sari store.
Gustuhin ko man makipagkwentuhan pa pero kinakailangan ko na umalis.
-----
Makalipas ang ilang buwan.Naging mas close pa sila. Yung tipong nahulog na sa isa't isa. At di na mapaghiwalay.
PERO
"Sabi nga nila walang sikretong hindi nabubunyag."
"Bakit ka nagsinungaling sakin Nej,Sabi mo mayaman ka,sabi mo sakin wealthy family kayo pero ano to? Mula Simula palang niloloko mo lang ako?" Puno ng hinanakit ang puso ko hindi dahil sa nagsinungaling siya kundi dahil hindi niya nagawang ipakita sakin ang tunay na siya.
"Bakit Jen, pag nalaman mo ba mamahalin mo parin ako? O baka mahal mo ko kasi nagpanggap lang ako na mayaman?" Bigla nangati ang palad ko na sampalin siya na naging dahilan ng pagpula ng pisngi niya at pagyuko niya . Sh*t pala siya eh, Hindi ko nagustuhan ang narinig ko kaya pinili kong pigilan ang sarili ko kahit papaano.
"Pero baka nakakalimutan mo Jen hindi lang ako ang may kasalanan dito sinabi mo mahirap ka,walang kakayahan pero hindi pala dahil ang totoo mayaman ka at nagpapanggap na mahirap" wow ah. kita mo nga naman patas lang pala kami. Eh pareho lang pala kami ng ginawa at yun ay ang nagsinungaling sa isa't isa. Napayuko ako sa narinig ko sakanya.
"I'm sorry Nej gusto ko lang naman mahalin ako hindi dahil sa mayaman ako kundi dahil ako ito yung simple lang." At humagulgol nako dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Totoo yun hindi lang ito ang unang beses na nakapahsinungaling ako tungkol sa katauhan ko dahil madalas nauuwi lang sa panggamit sakin kapag alam nila ang tunay kong katayuna sa buhay. Ngunit iba pala si Nej ang akala ko sisigawan at kakamuhian niya ko dahil sa ginawa ko pero nagulat ako ng yakapin niya ako at himasin ang likod ko kaya lalo ako napaiyak.
"Shhhh,Sorry din Jen kung nagawa ko yun gusto ko lang naman maranasan na maraming nagkakagusto sayo yung hindi inaapi at iniinsulto, I'm really sorry" Buong puso niyang sabi sakin at ramdam ko sa bawat bitaw ng salita niya ang sinseridad sa paghingi ng paumanhin. Patuloy siyang nakayakap sakin na mas nagpatunay sakin na wala akong karapatan na magalit sakanya dahil tulad ko may pinagdaraanan lang din siya.
------
Tignan mo nga naman parang kelan lang kakakilala lang namin sa isa't isa.Parang kailan lang nagkaaminan kung ano ba talaga kami .
Sakabila ng pagkakaiba namin, Langit ako at Lupa siya tila pinagtagpo ang baligtad naming mundo.
pero kahit ganun heto kami sabay na humarap sa Diyos at nangako ng ..
..panghabang buhay na pagmamahalan.
BINABASA MO ANG
Upside Down
Short StoryUnconditional love is for someone you have. Personal life is not issue about that. So don't worry for what you don't have. Instead flaws of each other will be encounter. Don't lie for everything will be reveal. Ending is almost there. DOn't Worry...