Starring 46

9.4K 179 10
                                    

STARRING 46

WHEN OPPORTUNITY COMES

  

"Franz, totoo ba ang balita sa news na girlfriend mo na si Steph?" Si Fatima ang bumasag sa katahimikan. Halata ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata nang itanong iyan.

Napalingon sa akin si Franz. Hindi ko mabasa ang expression niya. Gusto niya bang ideny ako at nang magkabalikan na sila ni Fatima na tanging babae na nagpatibok ng labis sa puso niya? Sa akin kaya, kelan titibok ang kanyang puso? Oh baka naman, si Fatima na lang muli ang uukopa sa pwestong iniwan nito dati sa buhay at puso niya? Ang sakit talaga! Now that She's back, will she occupy Franz' heart once again?

Binalik ni Franz ang paningin sa kanya. Bago pa siya makasagot, ako na ang nagsalita para sa kanya. "Hindi." Sagot ko na parang ako ang nasaktan. Why do I have to deny it?

Binalik ni Franz ang tingin sa akin. Kumunot ang kanyang mga kilay. Ang itsura niya ay parang bakit-mo-dineny-look. Nagiwas na lang ako ng tingin. Dapat nga ay mas masaya pa siya dahil hindi na siya mahihirapang magdeny pa sa first & only love niya. Ano naman itong patingin-tingin niya nang ganyan?

"That's a relief!" Sabi ni Fatima na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ang akala ko, kayo na talagang dalawa." Sabi pa niya kay Franz kahit ako naman ang sumagot sa kanya noon.

Lalong sumakit ang dibdib ko nang marinig ang saya ni Fatima. Imagine, siya masaya, samantalang ako, para nang inubos ng anay ang puso ko at anumang oras ay guguho na?

"Bakit ka narelieved?" Tanong niya kay Fatima habang seryosong nakatitig sa mga mata nito. Marahil kung naging ice cream lang silang dalawa, tunaw na dahil sa mainit na titig sa isa't-isa. Ako kaya, kailan kaya ako titingnan ni Franz ng ganyan? Kung alam lang ni Fat na mag-asawa na kami, makangiti pa kaya siya nang ganyan?

Naging malikot ang tingin ni Fatima. Halatang naghahagilap pa siya ng isasagot sa tanong ni Franz. Pati ako ay hindi ko mapigilang mag-abang sa isasagot niya. Ramdam kong mahirap ang sitwasyon niya. Mahirap naman talaga sa aming mga babae ang aminin ang niloloob namin. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ko ang guts ko dati noong patay na patay pa ako kay Franz.

"Franz, kailangan pa bang itanong iyan?" Sabi ko kay Franz. Hindi ko na kasi kinaya ang nakakaawang itsura ni Fat. Nakakarelate ako na mahirap malagay sa hot spot, tulad ko dati nung umamin ako sa kanya.

Matalim ang titig ni Franz ng bumaling sa akin. "Shut up! Ikaw ba si Fatima?" Singhal pa ni Franz sa akin na nakagulat sa amin ni Fat.

Wow! Sinisinghalan ako? I was just trying to be nice to Fatima. Kahit na 50% ay gusto kong mapahiya siya sa harap ni Franz, at ang 50% ay natatakot ako na madala si Franz sa paliwanag niya. 

"Fatima?" Tawag pa ni Franz ng pansin niya.

Mas lalong malungkot na mga mata ni Fatima ang humarap sa amin. At halos mabingi ako sa paliwanag niya. 

"B-because I want to win you back." Seryoso at madamdaming wika nito.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon