This is a collaboration between me and AeroEul. Hi! hahahhahahahahh
________________________
What are you doing?! Pwede ba lumayas ka nga dito sa pamamahay ko!" Napaiyak ako ng sigawan ako ng aking tita.
"Tita, sorry po. Hindi ko naman po sinasadya eh" sabi ko habang humihikbi at humihingi ng patawad sa kadahilanang nabasag ko ang picture frame nila ng kanyang asawang namatay na noong ako'y bata pa.
Nagcross-arms lamang siya sa aking inakto habang magkasalubong ang kanyang kilay.
"Lumayas ka! Napakalaki mong perwisyo sa pamamahay na to. Hindi ka namin kailangan dito. Parehong pareho kayo ng nanay mo" bulyaw niya sakin. Mas lalo lamang akong napaiyak sa sinabi niya at nawawalan na ng pag-asa.
Wala na si mama. Wala na akong pamilya para uwian pa at si tita na lang ang kaisa isahang kamag anak ko na kilala ko. Kapatid kasi siya ni mama.
"Tita sorry po talaga. Hindi na po mauulit." Napabuntong hininga siya sa inasta ko habang nakatungo.
"Umalis ka na habang pinapayagan pa kitang kunin mo ang mga gamit mo dahil pag hindi. Ako mismo ang magkakaladkad sayo papalabas ng bahay na to ng wala kang dala dala." Sabi niya at umalis na.
Ano ng gagawin ko? Wala akong uuwian at nag-aaral pa lamang ako kaya wala akong pangtustos sa pang-araw araw.
Sinimulan ko na ang pag-eempake ng mga gamit ko habang ang nasa isip ko lang ay kung saan na ako pupunta. I can't help but feel pity for myself. Sa edad kong 17 ay nagawa na akong palayasin sa sarili kong bahay.
Yes, it's my house. Bahay ko iyon na ipinamana sa akin ng aking mga magulang ngunit dahil sa wala pa ako sa dapat na edad kung saan mamamana ko lahat ng iyon. Ang aking tita pa ang namamahala non.
Mabait naman si Tita kaso mukhang talagang nagalit na siya sakin. Yun kasi ang bagay na talagang pinahahalagahan niya magmula ng namatay ang aking tiyo.
Lumabas na ako ng bahay ng may mabigat na loob. Naglakad at naglakad lamang ako sa daan habang dala dala ang mga maleta na naglalaman ng mga gamit ko. Hindi ko naman kinuha lahat ng gamit ko dahil babalik pa rin naman ako.
Hindi nga lang ngayon at mukhang matatagalan pa dahil kitang kita ko talaga kung papaano nagalit si Tita sa akin.
Habang naglalakad ay may nakasalubong ako na nagbibilisang mga ambulansya at ang daan na tinatahak ay ang daan kung saan ako nanggaling. Hindi kaya? Wag naman sana.
Naisipan kong bumalik kahit malayo layo na ang nalakad ko dahil sa kaba ko. Kailangan ko munang makitang okay si Tita.
She's been like a mother to me ever since my mom died. Kaya talagang malapit ang loob ko sa kanya. Ayokong mawalan ng isa pang nanay.
Napatigil ako sa pagtakbo ko ng makita ang mga ambulansya kung saan kami nakatira. Nanghina ako dahil sa mga iniisip kong posibleng mga nangyari.
Lumapit ako doon ngunit may mga pulis na humarang sa akin. Pinilit ko pa rin pumasok upang makita kung anong nangyari at nung nagawa ko ay mabilis akong pumunta sa loob ng bahay.
Nanlumo ako sa nakita ko at nanginig ang aking mga tuhod. Lumapit naman sa akin ang isang pulis ng makita niya ako.
"Kamag anak po ba kayo ng biktima?" Tumango na lamang ako habang nakatulala pa rin dahil sa mga nasaksihan ko.
Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakita. Wala namang kaaway si Tita kaya nakakagulat na may gumawa nito sa kanya.
"Tatanungin po namin kayo ng mga kaunting tanong lamang tungkol sa biktima." Pinatayo niya ako at inalalayan papunta sa couch sa salas. Naupo naman ako.
YOU ARE READING
Murder Case
Mystery / ThrillerOne Shot This is a collaboration between me and @aeroeul ^-^