THE BOY NEXT WINDOW
Simple lang ang buhay ko noon.
Kapag may pasok,
Gigising ng mga ala-sais ng umaga,
Magtotoothbrush,
Kakain ng almusal,
Maliligo,
Magbibihis ng uniform kong maganda,
Magbabike papuntang Lexus Emerald High School,
At ano pa nga ba? Edi makikinig sa mga boring na lessons ng mga teachers namin.
Kapag lunch na sabay-sabay kaming kumakain sa garden ng mga kaibigan ko.
After that, uuwian na.
Matutulog na lang ako pagkatapos kumain ng dinner paguwi ko.
Kinabukasan ko na madalas ginagawa ang assignments ko.
Kapag wala namang pasok,
Matutulog lang ako buong araw o kaya maglalaboy kasama ng mga baliw kong kaibigan.
Para sa akin hindi boring ang buhay na ganoon. Nakakatamad lang.
Magkaiba naman un diba? NakakaBoring at Nakakatamad.
Pero simula ng makilala ko ang bwisit, arogante, mayabang, abnormal, panget, teka panget? Panget nga ba talaga un? SIge sama na natin, anu pa ba?
Hmmmmmmmmmmmm.....
Basta! Ansarap niyang sunugin gamit ung napakaraming yelo sa freezer namin.
Pirata-piratin gamit ung mortar and pestle sa kusina.
Pagulungin sa loob ng mixer ng semento.
Itulak mula sa 5th floor nung bahay nila.
Lunurin sa timba. Pwede un! Wag kana magreact naexperience ko na un ee. Nung naliligo ako, basta nakakalunod yon.. wag nio na itanong kung paano nangyari. Balik tayo dun sa mga pagpapahirap sa kanya. Bwaahahahaahahahaha!
Itatali ko siya sa puno ng maraming langgam, wow! Ansarap nun hahahaha, tapos vivideohan ko siya habang nagmamakaawa sa akin na pakawalan ko siya.
Aist.. dami ko talaga gustong gawin sa kanya na siguradong magmamakaawa siya sa akin...
Kaso hindi pwede ee. Kasi basta mamya sasabihin ko sa inio.
Kukwento ko talaga sa inio mamaya. Promise yan *pinky promise*
Gusto ko kasi muna namnamin ang mga naiisip kong magpapahirap sa kanya atleast hindi na nakakatamad ang life ko...
Pero paano na nga pala kami nagkakilala?
---==
@blackempress27
