3 Words

19 3 1
                                    


Write a sad story using 3 words.

They met you.

***

"Oh my G, bessy! Nakita na namin siya. Nakakainis ka, alam mo ba 'yun? Hindi mo sinabi sa'min na sobrang gwapo pala ni Kuya. Shit. Ang pogi-pogi!"

Iyan ang eksaktong sinabi ng mga kaibigan ko noong nakita ka nila. Nakita ka raw nila sa canteen habang bumibili ka ng pagkain. Tili pa raw sila ng tili noong tumingin ka sa kanila. Buti na lang, wala ako doon. Kasi kung nandoon ako, baka makapambugbog pa ako ng wala sa oras.

Bakit?

Kung makatili kasi sila, parang sinabihan mo na sila ng 'I Love You'. Ang sarap nilang pag-uumpugin kasi pakiramdam ko, inaagaw ka nila sa'kin. Ang kapal ng mukha ko, 'no? 'E hindi mo nga ako kilala. Haha.

Nakilala kita 8 months ago. May program 'nun kaya ang lahat ay nasa court ng school. Patingin-tingin lang ako kung saan-saan tapos baaam! Nakita kita.

Nakaupo ka sa bleachers habang kausap mo 'yung kaklase mo. Section Shirt nyo pa ata ang suot mo 'nun kasi pare-pareho kayo ng mga katabi mo ng damit. Nakikipag-daldalan ka lang doon sa kaklase mong lalaki. Kwentuhan lang kayo ng kwentuhan pero hindi ka pa din tumatawa. Napaisip ako, bungal ka ba kaya hindi ka natawa? Kasi kung oo, ayos lang. Gusto pa din kita. Haha.

'Wag ka pating mag-alala dahil kahit hindi ayos 'yang ngipin mo, pogi ka pa din. Lol.

Joke lang. I mean, kahit hindi ka tumatawa, ayos lang dahil pogi ka pa din. Ang astig mo ngang tignan, 'e. Parang ang mature mo na masungit, haha. Kahit na medyo naalibadbaran ako sa mga mas matanda sa'kin at kung umasta ay parang adult na, okay lang. Basta ikaw.

Yuck.

Wait, ako ba talaga 'to? Sheet of paper. Ang corny ko. Nakakadiring isipin na ganito ako ka-vocal. Okay lang. Sulat lang naman ito, 'e. Hanggang sa pagsulat lang ng mga letra ang kaya kong gawin at hindi ang pagpapahayag ng mga salita na nais kong sabihin.

Don't worry because this shitty letter will be the first and probably the last thing that I would send to you.

Okay. Back to my confession.

Simula noong nakita kita, wala na. Kinuha mo na 'yung puso ko. Hindi ko nga lang alam kung aware ka ba na kinuha mo 'yung puso ko. Haha. Anyway, noong buwan din na iyon, June to be exact, ay nalaman ko din ang pangalan mo. Tinry kong i-search ka sa facebook at blaaam! May account ka. Kaso, naka-private 'yung mga information tungkol sayo. Tsk. Panira ng moment, 'e.

Alam mo 'yun? 'Yung feeling na excited na excited ka ng makita 'yung profile at timeline ng crush mo tapos naka-private pala. Napa-what the f ako 'nun. Grabe. Sirang sira 'yung araw ko.

Since hindi kita ma-stalk sa facebook, tinry ko na lang sa google. Pero leche! Pati si google hindi makisama. Ayaw nya atang makilala kita. Bad Google, bad.

Then a month after, nakita kita sa canteen. Bumibili ka ng siomai habang ako, bumibili ng candy. Magkatapat lang tayo 'nun pero magkatalikod. Pigil na pigil ang kilig ko noong araw na 'yun. Gustong gusto kong mag-papicture sayo pero nahihiya ako. Baka kasi i-reject mo lang. Mapapahiya na ako, masasaktan pa. Kaya 'wag na lang.

Pero mukhang pinaglalapit tayo ng tadhana, Kuya.

May in-announce 'yung adviser namin noon, ang sabi nya ay baka raw lumipat kami pansamantala ng room. Nalungkot kami ng mga kaklase ko noong sinabi iyon sa'min pero 'nung sinabi ni Ma'am kung saan kami lilipat, ako lang ata ang naging masaya.

Lilipat kasi kami sa tabi ng room nyo!

Noong kinagabihan 'nun ay nagdasal ako kay Papa God. Nagpasalamat ako ng bonggang bongga sa mga blessings na dumating. At sa mga dadating pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3 WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon