Kinakailangan

0 0 0
                                    

Di madaling tanggapin ang nakaraan
Nakaraang mahirap tanggihan
Sa dinami-dami pang dahilan
Ito ang naging sanhi ng ating hiwalayan

Oo, mahirap tanggapin na nahulog ako sa kaibigan mo
Nasaan ba kasi yung atensyon ng taong mahal ko
Atensyong kinakailangan na matanggap ko
Umasa kasi ako na, ako naman ang mamahalin mo.

Masarap balikan ang ala-ala
Lalo't pa iyon ang dahilan ng aking pagiging masaya
Ngunit pasensiya na,
Di ikaw ang naging dahilan ng aking pagtawa

Isang araw, sumulpot ka na naman sa buhay ko
Gumulo ulit ito,
Pati puso koy gulong-gulo ng dahil sayo
Wag mo naman ako pahirapan ng ganito

Di nagkalaunan ay naging tayo
Puro sakit at pighati ang hatid mo
Bakit ka ba ganito?
Saan ba ako nagkulang mahal ko?

Kinakailangan mo ba akong saktan dahil sinaktan kita?
Kinakailangan mo ba akong gawing tanga dahil ginawa kitang katanga-tanga?
Kinakailangan mo bang makita ang mga luhang umaagos sa aking mga mata?
Kinakailangan mo ba talaga ipagdikdikan na wala akong kwenta?

Tama na, ayoko na.
Oo mahal kita pero sobra na.
Nasasaktan na ako sa pinaggawa mong hayop ka.
Di nalang sana ako nahulog ng husto sayo. Sana.

Empress' DossiersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon