**
You're almost there. Isn't it fun? Haha! Yeah, i will not reveal myself if you and him ay hindi pa nagiging mag-on. These is the 4th and 5th sign, Dear. Enjoy!
What duh!
Nandito si Secret?! Oo nandito s'ya. Pero nasan na 'yon? Tsk?! Lalaki siya oo lalaki ang narinig kong boses kanina.
Nagtaka ako kasi 4th and 5th sign daw eh isa lang ‘to at saka hindi naman sign. Asar ‘tong secret na ‘to pabebe pa eh! Pwede naman isang bagsakan na lang. Tss!
Naisipan kong tumayo at maglakad-lakad na lang ulit tutal busy pa naman si Jhai. Dinala ako ng mga paa ko sa fountain habang nakatitig ako sa note. Mayamaya may nabangga na lang ako’t nalaglag sa sahig ‘yong note.
“Araay! Ay! Sorry po.” Paumanhin ko ro’n sa lalaking nabangga ko habang pinupulot ‘yong note na nailaglag ko.
“Wala ‘yon. Ingat na lang next time.” Narinig kong sabi n’ya.
Nang makalagpas na sya sa ‘kin at napulot ko na ‘yong note saka ko napansin na boses ni Roey ‘yong narinig ko kanina.
Dali-dali ko inikot ‘yong ulo ko para hanapin siya. Hindi naman ako nabigo, nakita ko s’yang naglalakad papunta sa kung nasa’n ako nakatambay kanina.
Oh my! Si Roey nga! Hindi ako magkakamali dahil kabisadong-kabisado ko ang itsura ng likod no’n.
Nagmadali ako ng lakad para abutan s’ya pero napahinto ako dahil nakita kong yumuko siya at may pinulot na kapirasong parisukat na papel.
Parang...
STICK NOTE?!
“Te-teka! Roey!” Sigaw ko sa kaniya, pilit ko s’yang nililingon pero hirap ako dahil sa maraming tao ang dinaraanan siya hanggang sa nawala na s’ya sa paningin ko.
“Ang bilis naman mawala no’n! Tss!”
Buryong na buryong ako sa sarili ko dagdag pa ni Secret! Kasabay na hindi ko pa makita si Roey at nakararamdam na ‘ko ng kaboringan!
*Bzz.bzz*
Bigla na lamang nag-vibrate ang phone ko. I received a message from Jhai.
Inbox:
- Norie, nasaan ka?Hay nako, kanina iniwanan ako ngayon hahanapin ako. Tss!
Reply:
- Nandito ako malapit sa fountain.Lumipas ang ilang minuto hindi na nagreply si Jhai. At mula sa ‘di kalayuan..
Nakita ko si..
Nakita ko ang papalapit na si Roey sa ‘kin. Nakangiti, nakatitig sa ‘kin at kumakaway pa.
“U-uy! Roey!” Nasabi ko na lamang nang makalapit siya sa akin. ‘Yong kaninang kaboringan na nararamdam ko ngayon parang ayaw ko na umuwi!
“Hi.” Ang hilig niya talaga mag-hi! Hindi nakakasawa!
“Hi.” Nakangiti kong sagot.
“Kanina pa kita hinahanap kay Jhai eh.”
Napakurap na lang ako ng mata. “Eh? Bakit naman?” Tanong ko kasabay ng pagpipigil ng kilig. Nyemas! Hinahanap n’ya ‘ko ibig sabihin nasa isip niya ‘ko kanina pa! Waa!
“Hmm, wala naman. Para may makausap ako. Kanina pa ‘ko nahihilo kakakaladkad nong mga babae, nandito ka lang pala nanggaling na ‘ko rito kanina ba’t kaya hindi kita nakita?”
BINABASA MO ANG
10 Signs Na Crush Ka Ng Crush Mo
RomanceKung sino man si Sign Sender. I'm gonna thank him :)