Chapter 17 - [Claire]

4.3K 94 4
                                    

"I expect everyone of you to be at your most glamorous, most beautiful and handsome self tonight." Imporma ni Amanda sa general meeting ng lahat ng staff ng El Soltero Publishing para sa kanilang 50th anniversary party sa temang grand masquerade ball. "Tandaan niyo, marami tayong mga importante, mga kilala at bigating bisita so I except everyone of you to behave nicely and be sociable. And of course, enjoy the party."

Matapos ang general meeting ay pinauwi na ni Amanda ang lahat ng empleyado upang makapagbihis at makapaghanda ang bawat isa, lalo na ang mga kababaihan na inaabot ng ilang oras sa pagpapaganda.

"So who is the lucky guy that you are bringing tonight?" Tanong ni Amanda kay Claire nang mag-abot sila sa parking lot.

"Wala. Hindi naman ako magdadala ng ka-date. Just me & my girl bestfriend, si Ella, diba kilala mo na siya." nakangiting sagot ni Claire sa dalagang boss.

"Why not bring someone, sayang naman ang event tonight. Or kung gusto mo I can call some bachelors I know to accompany you to the party?" Pambubuska pa nito sa kaniya na halatang wala lang magawa.

"Hindi na po Miss Amanda." Pagtanggi ni Claire. "Sige na mauna na po ako at dadaanan ko pa yung hiniram kong accessories at mask para sa event later." Paalam pa niya at saka bumeso kay Amanda. "See you later."

"Okay, ingat. See you later." Paalam na rin ng dalaga.

Agad namang dumiretso si Claire sa apartment na tinutuluyan ni Ella kung saan ay kukuhanin niya ang mga hiniram na gamit ng kaibigan. Mabuti na lamang talaga at kikay na kikay ito at mahilig mag-ayos ng sarili kaya naman hindi na niya kinakailangan na pumunta pa sa kung saang salon o magpa-home service para lang magpaayos dahil kayang-kaya naman na ni Ella gawin lahat ng iyon.

Pagdating niya sa tinutuluyan ng kaibigan ay sakto namang katatapos lang pala nito maligo, nagboblower na ito ng buhok at naghahanda para sa kanilang pupuntahang party. Ito ang unang beses na nakapunta si Claire sa bahay ng matalik na kaibigan, madalas kasi ay ang kaibigan ang dumadalaw o kaya'y nakikitulog sa kanilang bahay.

Ang tinutuluyan ni Ella na apartment ay katamtaman lamang ang size, sapat para sa isang single at walang anak o kasama sa bahay. May maliit iyong space para sa sala, kitchen, at maliit na banyo, saka isang divider na naghahati para sa kwarto nito. Pero kahit na maliit ay komportable, maayos at malinis ang buong paligid.

"Sige, maligo ka na muna habang nag-aayos ako ng buhok ko. Para pagkatapos mo maligo, mag-aayos na tayo ng buhok at make-up." Utos ni Ella ng muling bumalik ito sa pagbo-blower ng buhok. "May mga gamit na rin pala diyan pampaligo."

At dahil nakaplano na ang lahat ay magiging mas madali na lang para sa magkaibigan ang mag-ayos ng kanilang mga sarili. Alas dos pa lang naman ng hapon, may higit tatlong oras pa sila para magpaganda, tutal ay 7:00 PM pa naman ang nakasaad na start ng program, ay sapat na ang tatlong oras para mag-ayos sila ng buhok, make-up, mag-manicure at pedicure, pati na rin ang magbyahe papunta sa Makati Shangri-la Hotel kung saan gaganapin ang 50th Anniversary ng El Soltero Publishing Company.

"Anong kulay nga pala ang isusuot mong gown?" tanong ni Ella habang nilalagyan siya nito ng make-up.

"Plain na black dress lang. Yung nabili ko sa department store sa SM." sagot naman ni Claire.

"Anong plain black, patingin nga ako." nakakunot noong utos ng kaniyang kaibigan na tila ba may pagdududa sa kaniyang isusuot.

Agad namang sumunod si Claire at saka kinuha sa kaniyang sasakyan ang damit na susuotin para sa nasabing event. Pagbalik niyang muli sa loob ay agad niyang ipinakita iyon sa kaibigan, "Ito, nabili ko nung nakaraan noong nagpunta ako sa Mall." 

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon