The Break Up

767 16 34
                                    

Hello pooooo! XD Sana magustuhan nyo tong simpleng kwento ko. :) Naparami po ata ako sa narration. Haha. Please have a room for considerations. Hihi. First story ko po ito kaya medyo marami pang flaws. Im very open for suggestions naman po and criticisms as well. :)

Readers? Sana ma-enjoy po ninyo. :) If yes, please let me know. If not, still let me know. :)

I dedicate this story to Mam Jam, na sobrang tagal ng naghihintay na mapublish to. Haha. Sa aking dalawang par, Joann at Lyza. Sa aking the best ate, ate Charm. Sa BARNUTS. :) Sa mga truefriends ko, Chan at Luis. Sa buong SJBPYM Family. 3JCHILM at sa aking tol, Mads. At syempre, sa taong bida sa kwento ko, ang JACOB SY ng buhay ko. Alam na. :) Kayong lahat po ang naging inspirasyon ko. :)

This is not BASED on a true story. This is a TRUE STORY. :)

______________________________

Minsan akala natin happy ending na, akala natin forever na. Simple lang, dahil naniniwala kang mahal nyo ang isat isa. Akala mo sapat yun, pero hindi pala...

Dati, akala ko rin sapat na yung mahal mo sya at mahal ka rin nya. Yung pakiramdam na kayo na talaga, di na kayo maghihiwalay. Yung pakiramdam na forever na. Tapos bigla kang magigising kasi panaginip lang pala. Fairytale...

Di ko akalaing dadating din pala yung panahon na kelangang magpaalam sa isat isa kahit labag sa kalooban mo, kahit sobrang mahal mo pa sya. Yung araw na hindi mo alam kung pano ka babangon ulit at hindi mo alam kung paano ka mag-uumpisa ulit. Parang end of the world ang feeling.

Pero siguro nga dapat tanggapin ko na kahit mahirap at masakit, na ganun na talaga yung pagkatao nya. Magulo, di alam kung anong gusto, pabago bago ng mood, ng isip, bigla-biglang nagdedesisyon. Sa madaling salita, komplikado. Yeah. HE'S COMPLICATED nga talaga.

________________________________

Ako nga pala si Heidi. Heidi Clavera. Simple lang po akong tao. Ako yung babaeng kuntento na sa outfit na T-shirt at pants. Komportable na ako dun. :) Graduate na ako ng college and I'm already teaching in one of the prestigious schools here in Pangasinan. First year of teaching ko palang naman, mataas kasi pangarap ko, marami akong gustong marating kaya wala ng rest rest, work agad. Haha. I always feel like I'm the most blessed person in the world, siguro dahil na rin sa pagiging Youth Minister ko kaya napaka-positive person ko talaga. Naks. Hahaha.

I always feel like I have everything that I need in life to be happy... :)

Higit isang taon na rin kami ni Jacob. Pero matagal na kaming magkakilala. Magkaibigan kasi kami at magkasama sa simbahan, Youth Ministers kung tawagin. At alam nyo ba? First suitor ko yan! Yeeeee! Grade 6 palang ako nun at grade 5 naman sya. Bata pa kami masyado. Hihi. Sino nga ba mag-aakalang yung unang sumubok makuha ang matamis kong oo ay sya palang mamahalin ko kalahati ng buhay ko ngayon.

Si Jacob? Jacob Sy. Pogi. Haha. A Physical Therapy student. Hmm. Hindi sweet na tao, hindi maeffort. Ang hard ko ba? Haha. Yan yung totoo. Pero mahal ako nyan, ramdam ko naman. Nag-eeffort din naman sya paminsan-minsan pero sadyang simple lang. And I love him just the way he is. The way he makes me happy with his hidden ways. XD Kahit kasi anong mood ko, kayang kaya nya akong pasayahin. Sapat na sa akin yung palagi nyang pagpapalakas ng loob ko sa lahat ng mga ginagawa ko para maabot mga pangarap ko. Magic? Love? Either way, I'm happy with him. That's it. Hehe.

Perfect na talaga sana. Mahal namin ang isat isa, masaya kami, ok na rin sa parents namin. Unang legal kong relasyon to nu. Haha. Sa barkada? Suportado naman nila ako kahit lagi nila ako pinagsasabihan. Haha. Ee kasi nga po hindi ma-effort tong boyfriend ko. Pero lahat nagdadasal at nag-eexpect na sana kami na nga talaga. At syempre, kasama ako sa kanila. Gusto ko sya na. Hihi.

He's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon