Nung una akala ko di na ako makakatakas,
Sa mga luhang patuloy na lumalabas.
Paano ba ako ulit sasaya?
Kung bawat bagay ay ikaw ang naalala.
Mahirap man pero lahat ng nagmamahal ay nasasaktan,
ito ang tanging daan patungo sa landas na dapat matagal ko ng pinuntahan.
Halos ako'y puno ng galit,
Dulot ng dinulot mong sakit.
Halos hindi malimutan ang mga alala,
Nung tayo'y magkasama pa.
Pero habang tumatagal, doon ko nalamang kaya ko na.
Na tanggap ko nang wala na.Na tayo'y tapos na,
At dapat hayaan ko na ulit ang aking sarili na sumaya.
Nakakapagod ng maging malungkot sa tuwing nakikita ka.
Nakakapagod ng magkunwari na masaya kahit ang totoo ay nasasaktan pa.
Pagod na akong magtago sa dilim ng sakit at paiit,
At dapat ng kalimutan ang dinidibdib.Ako'y masaya na,
masaya na kahit wala ka.
Kaya ko ng tumawa,
Tumawa ng walang lungkot na makikita.
Mata't labi ay may ngiti,
Dahil wala ng nararamdamang sakit.Ako'y masaya na,
Tanging aking mga kaibigan ay sapat na.
Ayoko muna ng KA-IBIGAN,
ayoko muna masaktan.Eto ang huli kong sasabihin sayo.
Salamat dahil pinatibay mo ko,
Salamat at naging masaya ako.