CHAPTER 7 : STRANDED

10 1 0
                                    

Agatha's Pov




Pumasok uli ako sa Madrigal University. Magkatabi kami ulit ni Cristina sa Shuttle.




"Agatha, alam mo na ba yung Regular Schedule ng Madrigal University?" tanong sakin ni Cristina.




"Hindi eh. Walang sinabi samin si Ms. Veronica." sagot ko kay Cristina.




"Samin din walang sinabi. I know. Tingnan na lang natin sa School Paper Advertisement." suggest ni Cristina.




Nakarating din kami. Pumunta agad kami sa School Paper Room. May mga advertisement na nakapaskil.




Daily Schedule

Monday - Science Experiment
Tuesday - Chosen Sports Training
Wednesday - Cooking
Thursday - Music & Arts
Friday - Film Showing




"Favorite day ko ang Cooking at Film Showing." excited na sagot ni Cristina.




"Bes, Tuesday ngayon. Sports Day ngayon. Anong pinili mong Sports?" tanong ko kay Cristina.




"Sakin Badminton. Ano sayo?" tanong nya rin sakin.




"Volleyball. Ayun lang kasi yung madali sakin eh." sagot ko.




Naglalakad na kami papuntang room.




Pumasok na kami sa sarili naming room. Kinalaunan ay pumasok na rin yung teacher namin.




"Good Morning, Class. You all know that today is Sports Day. If you have chosen your Sport, be ready and your coach will appear shortly." bati ni Ms. Veronica




Eto na siguro yung coach namin.




"Good Morning, section Virgo. My name is Drake Forteza. Ngayong araw, ako ang coach ninyo sa Sports Day. Ang chosen Sport na tuturuan ko ngayong araw ay Volleyball. Be ready. Kung 7:46 am na, 8:00 am na tayo mag- start." OMG, si Drake.






Lumabas na kaming Volleyball Trainers. Pumunta ako sa Locker Area. Hinanap ko ang pangalan ko sa locker. Finally, Agatha Lopez. Binuksan ko iyon at nilagay ang bag at libro ko. Nakita kong may t-shirt na nakalagay, Lopez , sa likod. Volleyball t-shirt pala ito.






Kukuhanin ko sana yung volleyball t-shirt na nasa plastic nang...






"GET OUT OF THE WAY!!! THE CAMPUS HEARTHROB IS COMING!!!" sigaw ng naka- skateboard na lalaki.






Lumingon ako when I heard those words. Campus Hearthrob? I never heard of a Campus Hearthrob before.






Nakita ko ang lalaking tinutukoy na Campus Hearthrob. Yung buhok nya, Inigo Pascual style. Pero yung mukha, Smokey Manaloto.






Ano bayan?!! Akala ko pa naman gwapo!!! E mas gwapo pa si Drake sa kanya eh. Pero seriously, gwapo naman e. Pero, mukha syang Gangster.






Nakita kong may itinulak nang malakas yung Hearthrob. Babae yung na-bully nya.






"Please, I give you what you want. Just let me go." Shaks!!! Si Danica pala yung binu- bully nung Hearthrob.






I can't just stand here and watch my friend being bullied. Lumapit ako kay Danica at tinayo sya sa lapag. Tumingin ako sa Hearthrob na yon.
Binanatan ko sya ng mga salita ko.






"Hello, Mr. Hearthrob. Ay, sorry. Mr. Bully pala. You showed everyone in this Campus that you *turo* are the Campus Hearthrob. You should show respect especially at girls. Ayan ba turo sayo ng mga teachers dito? Ayan ba ang pinapakita mo sa mga magulang mo? How could you be..."






Bago ko pa matapos ang mga sinasabi ko, sinampal ako ng Hearthrob. Feeling ko, sobra ang pula ng pisngi ko.






"PINAPAHIYA MO KO!!! Para malaman mo, my name is Raymond Aquino. The Campus Hearthrob." umalis na sya.






WHAT? RAYMOND AQUINO? Katabi ko yun sa Locker ko.







8:00 am na pala. Bumalik ako sa Locker ko. Hindi ko alam na lumapit pala sakin si Danica at Cristina.






"Bes, okay ka lang? Masakit yung pagkakasampal nung Raymond na yon sayo. Thank you ha. Hindi mo ko dapat pinagtanggol. Tuloy, mas napahamak ka." sabi ni Danica.






"Okay lang ako. Oops! I have to go. May training pa kami sa Volleyball." Matamlay kong sagot. Hinawakan ko yung pisngi ko. Nakita ko rin sa salamin na pulang pula ang pisngi ko. I just headed the court.






After the Training....






"O, pwede na kayong umuwi. Next Tuesday again. Nice Training, guys." pagpapaalam ni Coach Drake.







Still, matamlay parin ako. Habang pabalik sa Locker para kunin yung gamit ko, hindi ko alam na umakbay sakin si Drake.






"Tara. Kukunin mo na pala yung gamit mo. Sabay na tayo." tumango na lang ako.






"Sorry po, Mr. Forteza. Nililinis na po kasi yung mga locker. Nasa Dance Room po yung mga bags." sabi nung guard.






Pumunta kami sa Dance Room. Ang Dance Room ay may malaking mirror at wala kang makikitang tables or chairs.






"Tara na. Uwi na tayo. At sa...."






Hindi natapos ni Drake yung sasabihin nya dahil sumarado at locked ang pinto. Miski yung mga bintana at yung Emergency Door.






"Shit! We're stucked!" sa galit, sinipa ni Drake yung pinto.






Umupo ako sa sahig at sumandal sa pader. Medyo malapit naman si Drake.






It's silent. 6:01 pm na. Ang uwian namin ay 6:00 pm. Hindi ako sanay na malate sa bahay ng 1 minute. Medyo malapit sakin si Drake. Dahil sa katahimikan, nagsalita na si Drake.







"Huy. Akala mo ba hindi ko napapansin kahit kaninang practice. May 2 bagay akong gustong malaman." sabi nya.






"What is it?" tipid kong tanong.









"You never told me your name."







"Well, my name is Agatha Lopez. Then, what could be the last thing?" I asked.






"Bakit namumula yung mga pisngi mo?" tanong nya.






Bigla akong tumayo at lumapit kay Drake. "Dahil sinampal ako ng Campus Hearthrob dito." masungit kong sagot.






Bumalik ako sa inuupuan ko at niyuko ko ang ulo ko sa tuhod ko.






I'm forever stuck here.....






With someone that I admire....













The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon